You are on page 1of 5

Proyekto sa

Filipino

Armando S. Ragsac Jr.


VIII-Belinda(2)

Pamagat:
Pagtitiwala
Ito ay tumutukoy sa pagtitiwala sa isang tao,sinasabi ditto na dapat kilalaning mabuti muna
ang isang tao bago ito pagkatiwalaan upang maiwasan ang mga maaring masamang
mangyare kung magtitiwala ka agad.
Katulad ng kung magtitiwala ka agad sa isang tao ay maaaring nakipagkaibigan lamang ito
sayo upang umunlad sya o kaya namay may kailangan lamang sa iyo. At kung magtitiwala ka
agad ay di mo malaman ang kanyang tunay na ugali na maari nyang ilabas kung kayo ay
magkaibigan na at alam nyang nagtitiwala ka na sa kanya.

May Akda :

Tess C. Alikpala
Sya ay Gumagawa ng mga tula na tungkol sa mga maraming bagay kagaya ng
pagibig,tiwala,kaibigan at maging sa pamilyat kabataan sa panahon ngayon.
Sya ay naglilimbag ng kanyang mga akda sa internet at sa mga piling babasahin .

Paksa:
Ang Paksa dito ay ang Pagtitiwala sa isang tao o kung pano at ano ang mga maaring
mangyare sa iyo kung madali kang magtitiwala sa isang tao .

Layunin:
Layunin nito na bigyan ng babala o paalala ang isang tao na kilalanin nya muna ang kanyang
pagkakatiwalaan bago sya magtiwala ng lubos at ipinapaaalam ng may akda na maaring may
masamang mangyare sayo kung madali kang magtitiwala

Mensahe:

SInasabi nito na maari ngang may mangyari sayo na di kanais-nais kung mabilis at padalos
dalos ka lamang magtitiwala sa isang taong di mo lubusang kinilala o kilala , maari na
masama ang madulot nito sayo o kung may mabuti man ay may kaakibat naming itong
masamang epekto at sinasabi ng may akda na magingat tayo sa mga taong ating
kakaibiganin.

Reaksyon:
Ang aking pansariling reaksyon ay Napakaganda ng Tula na ito at may bigat para sa akin
sapagkat sa dinami rami ng aking mga nagging kaibigan ay naranasan ko na ding magtiwala
sa maling tao at katulad nga ng sinabi ng may akda na may maaring mangyareng masama o
di mo gusto kung magtitiwala ka agad sa taong iyon ,
Masasabi ko na maaring napagdaanan din ng may akda ang mga pangyayaring ito kung
kayat nakagawa sya ng ganito kabigat at kagandang tula .
At ang pinaka tumatak sa akin ay ang linya nito na Kung ang tiwala ay dagling ibibigay,
Baka mapahamak sa daan ng buhay,
Ang masasalubong titigan ng tunay,
Upang makilala kung ano ang kulay!
Kayak o nasabing ito ay tumatak sa aking isipan ay ganito ang nangyare sakin nung
nagtiwala agad ako sa isang tao na hindi ko pa gaanong kilala at nung sya ay inaapi ay
daglian na akoy tumulong ngunit nasaktan lamang ako at napasama sa aking nagawa at
dahil doon ay nasira pa ang aking pangalan at nagging masama sa mga mata ng ibang taong
d pa ako lubos na kilala at tinitignan lamang ang aking panlabas na kaanyuan at aking mga
ikinikilos sa araw-araw . yung mga taong hindi katulad ng aking mga kaibigan na suportado
at lagging nandyan para sa akin sila yung mga taong kilalang kilala na ako na kilala yung
tunay na ugali at alam yung nararamdaman ko .ung mga taong andyan kapag may problema
ako at katulad ngayoy akoy nalulugod sapagkat nandyan sila sa aking tabi ngayon dahil ako
ngayon ay naghihirap at nananaghoy sa sakit ng aking nadarama buhat ng mga problema at
sakit . sila ay nandyan saking tabi at pinagkakatiwalaan ko sila sapagkat kinilala ko muna
sala bago ako nagtiwala na masasabi sa tula na ginawa ng may akda .

Pagtitiwala
Ni: Tess C. Alikpala

Ang pagtitiwala'y mayroong hangganan,


Gaya din ng alon sa dalampasigan,
Dapat na harangin nitong kapatagan,
Nang maibsan nga itong kalakasan.
Dahil nakawawasak ng buhay at tao,
Kung dibdib ay hulog sa pakikitungo,
Dapat na palaging ituon ang wisyo,
Sa paligid na imbi at sama ng mundo.
Kung ang tiwala ay dagling ibibigay,
Baka mapahamak sa daan ng buhay,

Ang masasalubong titigan ng tunay,


Upang makilala kung ano ang kulay!

You might also like