You are on page 1of 21

ONE

YANA
Whoever said that time heals all wounds is an inexperienced person. He / she hasn't felt the pain that would seep in
our heart, or how hard it is to live every single hell-day of your life just to show to everyone he / she is fine.
I have my fair share of regrets in life, but I haven't regretted anything more than that thing. Everyday I ask myself:
Have I been too selfless? Where did I get the strength to rip my own heart and survive the signs of insanity it brings?
Did I become too bitter that I've forgotten how to care? Have I reacted recklessly, that I didn't even think about saving
myself?
I know the answer is no. Well, I assume that it's the right thing. I have made up my mind and decided to leave for the
good of everyone. It's not healthy for me to stay and watch them. It is suicidal. It's killing your own self.
--It has been years, yet I could not forget every single detail of what happened in that chapter of my life. Would it
always hurt this much? I don't know. I thought moving away would be the answer. It did hide and held the pain back,
but they would always be memorable.
I hummed as I stood up from the bed. The other side was empty, and I smiled. I pressed the play button of the CD
player, and went to the walk-in closet. Clothes filled every space you could see.
My clothes are organized, but they're plenty. I picked out a long sleeved white turtleneck and paired it with a printed
red skirt. My pumps lay untouched on the floor. I picked it up and placed it in front of my vanity. Then, I took my robe
and made my way to the kitchen.
I searched for the eggs and break at the cupboards. Then, I sliced the cheese. The next song played, and I smiled. The
smell of the cooked eggs made my stomach rumble. As I flipped the eggs to its other side, hands snaked on my waist.
With the smell of food was the minty smell of sweat. Someone moved my ponytailed hair to the other side. Kisses
were planted on my neck.
"Good morning babe." A husky voice rang in my ear. Oh gosh. If I'm not so hungry, damn, I would let desire took
over.
"Indeed. It's good because of you." I turned back so I could kiss his cheeks. But then, he has other plans. He moved his
head and closed to stove. With his strong arms, he lifted me and placed me at the counter. Before I know it, my lips
are warm.
"Stop it." I giggled. "Good morning Josh."
"Good morning Yana." He hugged me.
Hello Philippines. Meet my guy, Josh. Matagal ko nang kilala si Josh. Mas nauna kaming magkakilala ni Josh kaysa
nila. Call me childish, pero hindi ko pa rin masabi yung pangalan nila ng hindi tinatamaan.
Si Josh ang unang lalaking nagustuhan ko, way back kindergarten pa yata yun. Paano ko siya hindi matatandaan, e
ilang taon ko yan naging kaklase. Kulang na lang, ipagtabuyan ko siya dahil nasusulasok na ko pag nakikita ko sila.
Ohwell. Paano ba kami nagkatagpo ng landas ngayong nasa Amerika ako?
---

Kakatapos lang ng meeting ng group namin, tapos medyo malayo pa yung tinutuluyan ko mula sa dorm ng
groupmate ko. Then, I'm starving. Pumunta ako sa cafeteria, may kasunod ako. Talikod naman daw ako kasi
nakakagulat. Tapos tinignan ko siya ng maigi kasi familiar mukha niya.
"Have I seen you before?" Tanong niya.
"Not that I know." Nagblush ako. Hindi ako sanay ng nakikipag-usap sa mga di ko talaga kakilala e, lalo na't wala
akong masyadong close dito. So, hinintay ko yung order ko, biglang nagslip yung isang answer sheet ko. Dinampot
niya naman, then tinitigan ng maigi yung pangalan.
"Alyanna M-Martinez?" Nanlaki yung mata niya. Nakaglasses pa siya nun.
"Uh. Y-Yea." Kinakabahan ako. Bigla na lang, tinanggal niya yung salamin ko.
"H-He.." Bago pa ako sumagot, nagsmile siya at hinug ako. Yung tindera, nakatitig sa order namin.
"Di mo na ako naaalala?" Nagpout siya.
"Uhh.." Nalilito ako. Sino ba 'to? Pinakita niya yung student card niya.
"Josh!!" AAAAAAAH! Nakasulat sa card: Joshua Salvador.
--"Ang sweaty mo na." I giggled again. Ang cute niya kasi. Black hair, black and mesmerizing eyes, medyo pale na skin.
Ang hirap niya idescribe.
"Umagang umaga, ang irresistible mo." He smirked before picking me up again.
"Umagang umaga, ang landi mo." Nagbelat ako sa kanya.
"Umagang umaga, pinapalandi mo ako." Smirk ulit.
"Nagugutom na ko. Malandi." Tinarayan ko ng unti. Maghahanda na dapat ako ng kakainan, pero hinila niya ako.
"Umagang umaga, pinapagod mo sarili mo. Ako mag-aayos."Then kiniss niya ako sa forehead. When will we ever get
tired of kissing? Dreamy.
"You spoil me too much." Para akong bata na nanunuod sa kanya. Ngiti lang siya.
"Syempre, mahal kita e." Sabay lagay ng plate sa harap ko.
"Love you Yana." Then, he caressed my cheeks and brushed my bangs.
"Love you too, Josh."
--Weekend pala ngayon, nakalimutan kong banggitin. So, namasyal lang kami ni Josh sa park.
Mamimiss ko 'tong place na 'to. Mamaya kasi, babalik na kami sa Manila. It's been a home for us all this time. Lots of
memories happened here, and iba yung happiness na naibigay sa akin nun.
Pag kasama ko si Josh, feel ko, walang nangyari before I came here. He completed me. Iba talaga ang first love, it
never dies. Hahaha. Mga banat ko naman. Then, picture picture kami. Fall kasi, kaya ang ganda ng view. Ang daming

nalalagas na dahon. Kung nagiging gloomy ang karamihan, ang positive ng epekto sa akin ng fall. Nandito kasi si
Josh.
"Yana, smile!" Tumingin ako sa kanya. Stolen shot nga e, nasa may likod ko kasi siya hawak yung SLR. Then, naglaro
ako sa may leaves. Picture lang siya ng picture. Hiniram ko naman yung pic, tapos nagtake ng pictures niya.
Ang mysterious ng dating ng aura niya. Naalala ko pa nung first time niya akong sinundo sa last class ko. Late na rin
yun. Last night, nung nagreunite kami, nabanggit niya na same floor lang kami ng room. Ang saya.
--Pagkakuha ko ng coat ko, ang daming nagbubulungan sa labas ng room. Di ako sanay e. So, inayos ko yung
buhok ko at sumunod sa labas.
"Gosh, he looks dashing."
"Dear, I think I'm gonna faint."
"Who's he? Is he new?"
"Bet he's waiting for someone in our class."
"Lucky btch." Sagot nung maarte kong classmate. Pag tingin ko sa tinitignan nila, napasmirk ako. Sa side nila ako
dumaan. Nakita ako agad ni Josh at hinila, then kiniss ako sa forehead. Super blush naman ako. Hindi kasi ako fan
ng PDA e.
"Come on, Yana. Dinner's waiting." He looked at me, lovingly? I weaved my hands in his and walked down the
hallway. Iba talaga pag 'lucky btch'.
--Mga 2 na ng hapon kami nakabalik sa unit. Yes, we've been living in a unit together for a while. Alam naman ni Mama
and Papa e. Since lagi silang nabisita sa akin, pinagmeet ko sila. Naalala pa nga siya nila Mama e. Sabi, bagay kami
and all that stuff. Pati mama at papa ko, nadala niya. Kahit sila Dominic. Speaking of them, nagvisit sila ng iba ko
pang mga kabarkada 3 months ago dito. Surprise gift nila Mama.
--Maliban kay Dominic, may mga iba pa akong kaibigan na naiwan si 'Pinas. Ilan sa kanila si Hazel, Chai, at
Marielle. Si Hazel ang bagokong kaclose bago ako umalis. Naging kabarkada namin siya, e close naman siya kay
Chai at Marielle. Si Chai naman, kapatid siya ni Dominic. Si Marielle, classmate ni Chai dati. Connect connect
kaming apat.
Nung nagkita kami, grabe. Dumanak ang luha. Dominic, Chai, at Marielle. Sayang wala si Hazel, may inaasikaso
kasi. Grabe. Miss na miss ko sila. Nagshare kami ng mga balita. Chikahan to the max. Thankful ako kasi iniwasan
nila yung topic na talagang gusto kong pag-usapan. Interesting naman lahat ng shinare nila sa akin. Ang saya ko
para sa kanila. Si Dominic, intern na. Si Chai at Marielle, editors ng magazine. Ang tagal ng lumipas na time, at
successful na kaming lahat sa mga career namin. Pero siyempre, hindi maiiwasan yung hinanakit na
naramdaman nila nang umalis ako ng walang paalam. Paano nila nakilala si Josh? Well, chikadora ata Mama ko.
So, nagtatawanan kami sa may couch. Medyo maliit yung space, pero kasya naman. Bigla na lang bumukas yung
door. Hindi ko naman pinansin kasi nawala sa isip ko na darating agad si Josh.
"So Yana, gumaganyan ka na ha." Sabi ni Chai, sabay smirk.

"In fairness, Yii!" Sabay squeal ni Marielle.


"Tsk. Tsk. Hindi ka nagsasabi." Tinaasan ako ng kilay ni Dominic.
"Para namang hindi ko kayo kilala." May naghug sa akin from the back at kiniss yung cheek ko. "Hi
babe." Nagblush ako.
"Wag ka na mag-explain. Doh. Alam namin ang totoo. Tita kasi."Sabay tawa nilang 3.
--"Yana?" Nasa room na kami. Naghahanap ng susuotin na damit. Yung karamihan sa mga damit namin, next week pa
maisesend sa Manila. Tig-isang baggage lang dala namin.
"Hm?"
"Handa ka na ba?" Napatigil ako sa pagscan ng gamit ko. Parang tumigil yung time. Naalala ko tuloy yung secondary
reason kung bakit ako babalik sa Manila.
Dahil sa batch reunion..
Naramdaman ko na may humila sa akin. Binury ni Josh yung mukha ko sa chest niya, kasi alam niyang naluluha ako.
Naririnig ko yung pagbilis ng heartbeat niya kasi may nasabi siya.
"Hindi mo kasalanan yun. Kalma." Tinignan ko siya.
"It's just that.." And I silenced him with a kiss.
"Kaya ko 'to. Big girl na ako."
"At lagi akong nandito para sayo."
"Oo, palagi." And for a while we stood there, captivated by the each other's presence. Siguro ganun talaga, mahirap
makaget-over. Damn. Isang dekada na rin ang nakalipas. I just thank God for bringing Josh back in my life.
--Ilang oras din kami nakaupo sa eroplano. Fail ang iPod sa pagpapakalma sa akin, so nagbasa na lang ako. Si Josh,
natutulog. Masama akong girlfriend, nangangawawa. E siya naman kasi, pinilit akong pinagpahinga. Siya na daw
bahala magbuhat ng mga gamit at magligpit. Sunod naman daw ako. Nagjogging ako habang pilit niyang inayos ang
aming unit.
"Ma'am. Do you want something to drink?" Nilapitan ako nung stewardess. Ngiti ngiti siya habang tinitignan ako at
si Josh. Ano ba. Ang hirap magkaroon ng gwapong boyfriend. I smiled sweetly before answering.
"No. Thank you for offering." Ta's umalis na siya.
"Attention passengers. Lights will be off in 5 minutes." May nagsalita sa intercom. I sank deeper to my seat, adjusting
my position. Tulog na tulog pa rin si Josh. Nilapag ko yung book at kiniss yung cheek niya.
"If I know what love is, it is because of you." Binulong ko kay Josh bago pumikit. Pag lapag ng eroplano na ito, babalik
na ako sa buhay na tinakasan ko. Ganunpaman, hindi mag-iiba ang pagmamahal para sa akin. Dahil pa rin kay Josh
yun.
Pero bakit ganito. Feeling ko, niloloko ko ang sarili ko?

TWO
Pagland nung eroplano, ginising ko si Josh. Nakakatuwa siya pag gumigising, ang angelic ng itsura niya. His eyelids
fluttered, making a smoldering effect in his deep set eyes. Nakatitig lang ako sa kanya, ta's nung bukas na yung mata
niya, hindi ko pa rin tinitigan ang pagtingin.
"Yana, ayos ka lang?" Winave niya yung kamay niya sa harap ko. Niroll ko yung mata ko bago itago yung libro na 'to.
Namimihasa kasi siya pag masyado akong naaaliw sa kanya.
"Pighead." Binulong ko. Tumawa lang siya. Maya maya-maya nagsalita na yung pilot.
"Passengers, we are about to land. Please put your seatbelts on." So, seatbelt naman kami. Nagbrush yung
arm namin, at naalala ko ulit yung reason kung bakit ko siya binigyan ng chance.
Kasi naramdaman ko sa kanya ulit yung spark.
--Grade 4 ako nun. Since matagal na kaming magkaklase ng mga kaklase ko, hindi na ko natatakot pag papasok.
May new students, pero madali namin silang nakasundo. Paakyat ako ng hagdan nun. Sa third floor pa room
namin, ta's nakakatakot kasi ang dilim.
Napaaga ang pasok ko. Ang bell namin, 7:30 pa. E ang dating ng mga student, 7:15 pa ang mga dating. 7 pa lang.
So, akyat naman daw ako. Ta's dire-diretso ako papunta sa landing ng 3rd floor ng may makabangga ako.
Mataba siya. Nakakatakot ang itsura, kasi may evil smirk. Ta's yung mata niya, nakatitig siya sa akin. Siya yung
bully sa grade 5, tapos minsan, kasabay namin siya sa klase kasi bumagsak siya sa iba niyang subject.
"Hello Alyanna. Ang aga mo yata ngayon." Sa may top na kami. Hawak hawak ko yung file case ko ng
maigi, in case na kailangan ko siya hampasin. Ta's lumapit siya sa akin. Muntik na ko mahulog, pero hinawakan
niya left hand ko.
"Saan ka pupunta?" Ta's lumapit mukha niya. Gawd, pwede magtoothbrush pare.
"Wala kang pakialam." Matapang akong sumagot. Papatalikod na sana ako ng bigla niya akong hinila pabalik. Sa
gulat, nahulog ko yung file case ko.
"Saan ka pupunta?" So wala akong choice. Sinampal ko siya. Isang malakas na sampal. Wala na akong
pakialam kung makita ako ng teacher or kung sino man na office personnel na nasa fourth floor lang ang office.
Wala akong pakialam kung makita ako ng founder ng school na nasa fifth floor lang ang office. Self-defense na 'to.
"Anong--" Bago pa niya ako matulak, may humila sa kanya pabalik at tumakip sa akin.
"Walang mang-aaway sa bestfriend ko." Sa harap ko si Josh, nakatingin ng masama sa nambully sa akin. Natakot
ako lalo kasi baka mahuli kami ng kung sino man.
"Josh, tama na." Hinawakan ko yung arm niya. Nauna ako bumaba. Narinig ko siyang sumusunod. Minamassage
ko yun kamay ko; first time makasampal e. Nung nasa lobby na kami, sinabayan ako ni Josh. Nakatingin siya sa
kamay ko.

"Masakit ba?" Tanong niya.


"Ah. Eh." Bigla niyang kinuha yung kamay ko ta's pinoke poke yung palad ko. Feel ko, nangamatis ako. Ta's
nanginginig yung kamay ko. Ta's feel ko, natalon ang puso ko. Ano ba 'to, best friend ko, nagugustuhan ko?
"Kasi naman 'to. Basta next time, wag ka nang papacorner pag wala ako para ipagtanggol ka." Sabay akbay sa
akin habang papunta kaming assembly.
--"Wow. Nawawala ang mga sundo natin." Nakuha na namin yung mga bagahe namin. Ang dami kong dala, dalawang
bag, maliban sa laptop at hand-carry ko. Si Josh, isa lang. Nakatunganga na kami sa waiting area, ang tagal kasi nila.
Ta's may heels pa yung boots ko. Not really helping.
"Baka nalate lang. Anong oras na, 12? Syempre puyat na yun."Sagot ni Josh. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito,
lalo na 'tong gwapo na 'to. Yung bata na malapit sa amin, lumapit. Tinitigan niya kami. Ang cute nga niya e.
"Awe yu mawid?" Are you married? Naks, English. Ang deep pa ng tanong. Natameme naman daw ako. Married?
Wala namang wedding ring sa kamay ko.
"Not yet." May sumagot mula sa likod ko. Napatili ako at tinackle si Dominic. Grabe. Three months lang ang
nakalipas ng huli ko sila makita, pero sobrang namiss ko sila.
"Oh my gulay. Hindi niyo man lang sa akin sinabi na ang gwapo ng mokong na 'to in person. Pagpapalit ko na si
Patrick!" Sabay yakap sa akin ni Hazel. Si Patrick naman kasi, fixed yung kanila. Nung una, wala talaga. Major away,
pero naayos din nila. Lahat naman tayo may point of realization.
"Back off. He's mine." Palaro kong sinabi. Hinug ko rin si Chai at Marielle. Reunion ang dating namin dito, ta's ang
ingay pa namin. Hindi nga OP si Josh e, kasi nakilala niya na sila dati.
"Dali na. Nako, yung mga hinanda natin!" Nagmamadali si Chai pumunta sa sasakyan na dala nila. Nagulat ako kasi
dalawa yung dala nila na sasakyan, yung kay Dominic at kay Hazel.
"Okay? Saan kami sasakay?" Nakita ko na yung gamit ni Josh nilalagay sa sasakyan ni Dominic, ta's yung akin kay
Hazel. Tinaasan ko sila ng kilay.
"May meeting kami. Dian ka kay Hazel. Siya bahala sayo."Nagwink si Marielle bago pumasok sa sasakyan ni Dominic.
Nauna sila umalis. Nagflying kiss pa si Josh sa akin. Yung iba naman, nagkissing sounds. Mga inggit lang sila
"Oy retarded, pasok na. Sige ka, paglakarin kita dian."Nakasakay na si Hazel sa sasakyan, ngingisi ngisi.
"Ako paglalakarin mo? Sira ka ba?" Pagpasok ko, tinuro ko yung boots ko. Binelatan niya lang ako.
"Hay nako. Kung alam mo lang na mas nakakawindang ang kwento ko kaysa sa boots mo."
--"So, anong nakakawindang ang ikkwento mo? Ano nangyari pagkaalis ko?" Nasa kalagitnaan kami ng intersection.
Ang tagal ng stoplight. Gabi na 'to a, ta's ganyan pa rin.
"Sayang umalis ka! Nakakainis ka talaga. Alam mo bang dapat magkaklase na tayo nila Chai at Dominic." Nagulat ako
dun. Nag-go ang mga sasakyan. Napa-weh ako, ta's nagnod lang si Hazel.
"Sayang talaga. Nakakainis." Naggroan ako.

"Alam mo bang kaklase rin dapat natin yung karamihan sa mga kasection natin nung third year." Isa pang regret.
Nagpout ako.
"Pero alam mo kung ano ang pinakamalala?"
"Ano?"
"Kaklase rin dapat natin si Justine at Tricia." Feel ko lumuwa ang eyeballs ko. Super-weh. Napa-oh ako. Nag-sigh lang
si Hazel.
"Sayang talaga." I muttered sarcastically. Nagstop ulit yung sasakyan. May inabot si Hazel mula sa backseat: isang
photo album at isang scrapbook. Inabot niya yun sa akin. Binuksan ko muna yung photo album. Nakabungad yung
class picture nila, na dapat sana ay nandun ako.
So, habang pauwi, nagfflip ako ng pages ng photo album. Naluluha ako. Ang saya saya nila nung wala ako. Ganun din
kaya kung hindi ako umalis? Tapos parang lahat sila nagkakasundo. May nakita pa akong picture dun na si Dominic
at Justine, nagbabaklaan. I never thought they would settle their affairs. Those affairs? They were all caused by me.
"Alam mo, miss ka na niya." Bumulong si Hazel.
"Ha?"
"Miss ka na ni Justine." Mas lumakas yung boses niya. Nafeel ko na naman yung guilt, yung pain, at bumalik sa akin
ang lahat ng dahilan kung bakit ko iniwan ang 'Pinas ng wala sa oras.
Hindi ako naging rasyonal noong niyaya ko ng walang warning ang mga magulang ko na pumunta sa Amerika. Hindi
ako naging fair sa mga kaibigan ko na hindi ko naman lang sinabihan ng pag-alis ko. Hindi ako naging mabuti nang
hindi ko man lang nasabi kay Tricia yung mga hinaing at pasasalamat ko. At ang pinakamabigat?
Hindi ko man lang nasabi kay Justine na mahal ko siya, at kahit anong gawin niya, mamahalin ko pa rin siya. Kahit na
may iba na.
"Wag mo ko lokohin Hazel." Sumagot ako, ta's tumingin sa bintana. Hindi ko magawang magalit na inopen na naman
niya yung topic na yun. Ta's sa lahat pa ng oras, kung kailan kakabalik ko pa lang. Pero kailangan naman lagi kang
handa e, kasi hindi mo alam kung kailan babalik ang nakaraan para guluhin ang buhay mo.
"Sa tingin mo, niloloko kita pag sinabi kong pag nagkakausap kami, lagi ka niyang pinapasok sa usapan. Tapos pag
masaya kami, bubulong siya at sasabihin na sana nandito ka rin para maexperience mo yung naeexperience namin.
Yana, hindi ikaw ang nakasama ni Justine; pero please, maniwala ka sa akin."Nasa tapat na kami ng parking lot ng
condo. Sa condo muna kami magsstay ni Josh sa ngayon.
"Hindi ko alam. Sabi ko sayo dati, hindi ko alam kung may paniniwalaan pa ako tungkol kay Justine." Huminga ako
ng malalim. HIndi talaga ako sanay. Ang hirap pa rin sabihin ng pangalan niya, after a long time.
"If you want proof, I'll leave the pictures to you. Basahin mo na rin yung messages. Basta pag naiyak ka, wag mo ko
sisisihin."Nagsmile lang si Hazel bago lumabas ng sasakyan niya. Nakaupo lang ako dun, iniisip kung dadalin ko ba
yung mga album.
Wala naman sigurong masama kung dadalin ko diba? Ano ba magiging kapalit, yung pagbalik ng sakit?
Finally, kinonsider ko na lang yung fact na gusto ko sila makitang masaya. Kinuha ko ang gamit ko, kasama ng mga
album, at lumabas ng sasakyan. I want to be alone and see the picture.
---

Yung alone na gusto ko, syempre, hindi matutupad. Ilang minutes after, dumating yung may malalakas na tama.
Nakita ako ni Josh. Holding hands, sumakay kami sa elevator. Kasama namin yung anim.
"Oh-la-la." Kumakanta si Chai, habang tawa ng tawa yung tatlo. Buti na lang mabilis ang elevator. Bago pa kami
mahawa, nakalabas na kami. Bigla na lang may nagblock sa paningin ko na kamay.
"Close your eyes!" Si Marielle yata yun. Ta's may nakahawak sa kamay ko. Alam ko si Josh yun. After year of holding
his hand, I know it enough like mine. Ta's may nagbukas na pinto, may nag-hush, ta's complete silence. Tinanggal na
yung kamay na napalitan ng blindfold.
"Ano 'to--"
"Welcome back!" Nagsigawan yung mga tao na ikinagulat ko. Nandun sila Mommy, Daddy, Mommy ni Josh,
Daddy ni Josh, ilang friends, at Kuya Jason. Si Kuya Jason ay kapatid ni Josh. Minsan lang yan bumisita sa amin.
"How's my baby girl? Are you taking good care of her?"Lumapit si Daddy. Niyakap ko siya. Sobrang namiss
ko sila. A year ago kasi, they decided to return here and do some business. Pag isang taon mo hindi nakasama ang
magulang mo, marerealize mo ang sobrang laking parte nila sa buhay mo.
"Dad. He's taking care of me. Upperhand yata ang baby mo."Proud kong sinabi. Satisfied naman Dad ko. Pagkatapos
ni Dad, si Mom, Tito, Tita then friends. Super natutuwa talaga ako. Nung akala ko tapos na ang lahat, umupo ako sa
may couch. Lahat ay busy na kumukuha ng pagkain. Since medyo busog pa ako, pahinga muna. Maya maya, lumubog
yung sides ng couch.
"Ako ay nagtatampo ha." Sinabi ni Kuya Jason. Inignore ko ang mokong, kasi alam kong nanjojoke lang yan. Tapos si
Josh, nakaakbay sa akin. Sumandal ako sa kanya at nagyawn.
"Inaantok ka na?" Tinanong niya ta's kiniss niya yung ulo ko. I am aware of the glances our parents are giving to us.
"Hay nako. Inayos ko pa naman yung kitchen. Akala ko kasi babatiin niya ako tapos lalambingin niya ako." Nang
marinig ko yung kitchen, napatalon ako sa couch.
"Bakit hindi mo agad sinabi!" Niyugyog ko si Kuya Jason. Paarte pa siya.
"Ayaw ko sa mga snob." Ta's nagtaray ba naman. Hindi bagay sa kanya kasi ang laki laki niya.
"Sige na Kuya Jason. Please?" Full force ang paggamit ko ng pout at puppy eyes. Pinipigilan ni Kuya Jason na hindi
tumingin.
"Sige na Kuya. Pagbigyan mo na. Alam mo naman yan."Tinulong ni Josh. Dedma pa rin.
"Sige na. Ipagbbake kita ng cake. Yung favorite mo!" Inoffer ko. Bigla siyang tumingin sa akin. Akala ko magagalit
lalo, ta's nginitian ako.
"First corner." Nagsqueal ako at yumakap sa kanya bago pumunta sa kitchen. Medyo napapatalon pa nga ako sa
paglalakad sa sobrang saya e.
Pagpasok ko ng kitchen, feel ko nasa heaven na ako. Ang daming gamit. Kumpleto lahat, pati supplies. Naexcite ako.
Nako Kuya Jason, hindi lang isang cake ang gagawin ko para sa'yo. Kahit maimpatso ka pa kakakain ng cake ko, ayos
lang.
Pumunta ako sa may sink. Hinawakan ko yung granite counter. Naiimagine ko na kami ni Josh na nagawa ng cake or
special na lunch. I remembered days in America, and in my heart, I knew this new experience couldn't be compared to
it. Eto na yata yung happiest moment ko, yung pagbabalik ko.

Until someone shuffled behind me.


"Sorry. Naistorbo yata kita." Narinig ko na naman yung familiar na boses na yun. I turned around before freezing on
spot.
Sa loob ng kusina ko, nakatayo si Tricia Gonzales, ang taong hindi ko inaasahan at gusto pang makita muli.
"So, bakit mo ko inimbitahan mag-coffee? Alam mong busy akong tao. At alam mo naman siguro na first day ko
ngayon sa trabaho ko."
Nandito ako ngayon sa bahay, or mansion, ni Kuya Jason. Time check - 6:00. Nagdrive ako mag-isa papunta doon.
Hindi naman sa talagang mayaman ang pamilya nila Josh. Hindi sila mayaman. Middle-class family lang rin sila dati,
pero syempre, ano ba ang nagagawa ng pagsisikap sa buhay?
Halatang-halata ang pagiging architect ni Kuya Jason. Naamaze ako sa design niya ng bahay na yun. Feel ko siya rin
yung nag-ayos nung unit namn, lalo ng yung kitchen.
"Gusto ko sana magsorry."
"Para saan?"
"Kasi hindi ko sayo agad sinabi yung tungkol kay Tricia." Wow, pambungad nga naman o.
Sa totoo lang, gulat pa rin ako hanggang ngayon sa nakita ko kahapon. Alam naman kasi ni Kuya Jason yung past ko
e. Yun yung reason kung bakit kami naging close. Nakakainis man siya, hindi ko ito magawang ipakita kasi nahihiya
ako. Tinanggap niya ako e, despite sa fact na naging masama ako at nang-iwan ako sa ere.
"Hindi mo trabaho na sabihin sa akin yun."
"Hindi ba unfair sayo yun? Kasi alam ko yung nangyari, ta's wala man lang akong ginawa para man lang warningan
ka?"Well, may point siya.
"Kahit gaano pa kaunfair yun, buhay mo yun. May karapatan ka magtago ng sikreto." Gaya na lamang ng sikreto na
tinago ko sa kanila ng ilang taon. Yun ang reason kung bakit hindi naging kami agad ni Josh.
--Bumisita si Kuya Jason sa US. 3rd year na kami ni Josh nun. Dahil magkakilala naman pamilya namin, pumayag
sila Mommy na sa isang unit na lang kami tumira. Dati, magkahiwalay kaming kwarto. Wala pa namang
something e. Pero nagpapakita na ng mga hint si Josh. Maaari kaming matawag na mag-M.U nung mga panahon
na yun.
Nagchecheck ako ng mga e-mail nung time na yun. Ang dami kong hindi binabasang mail. Hindi ko kasi alam
kung kakayanin ko siyang basahin. Alam ko naman laman nun e. Alam ko kung sino ang nagpadala. Masakit man
sa loob na pinupush ko palayo ang mga kaibigan ko, yun lang yung tanging paraan para iligtas ko sarili ko mula
sa pagiging miserable.
Nakaka-eleven na akong mail. Basa lang ako ng basa ng mga kwento ng mga kaibigan ko. Sa isa pang window,
bukas yung blogsite ko. Pasado lunch na noon, at kumakalam na yung tiyan ko. So, nagrest muna ko saglit at
nagpunta sa kitchen.
Naglagay si Kuya Jason ng pagkain. Umupo ako sa may counter.
"Kuya, akin ba yan?" Sabay ngiti. Alam ko kasing lolokohin ako nun.

"Ano ka, sinuswerte?" Sabat niya. Ang taray, 'di ba? Kinuha ko yung plato at nagsimulang kumain.
"So ganon, kakain ka na lang?" Nakataas yung kilay niya sa akin. Umoo naman ako.
"Patay-gutom."
"Hindi ako nagbreakfast." Kumuha ako ng mango juice sa may ref.
"Alam mong may kapalit yan."
"Sus. Anything. Bring it on."
"Sige. Pagamit ng laptop, please?" Hindi ako nagdalawang isip na pahiramin siya. Alam ko namang naiintindihan
niya ang salitang privacy.
"Basta pasyal tayo pagkatapos. May bibilin akong libro."
"Sige." Ta's pumunta na siya sa kwarto. Wala si Josh kasi may klase pa sila. Ang hirap pala maging Music Student,
ang daming alam ng teacher. Ngayon kasi, pinapatapos siya magrecord ng album. Classical violin ang gamit ni
Josh para dun.
Natapos ako kumain. Naghugas ako. Pagkatapos, bumalik ako sa kwarto. Tahimik lang, kasi gugulatin ko sana si
Kuya Jason. Nakita ko siyang nakatitig ng maigi sa laptop.
'And just when we thought things are going to get better for the blossoming tandem, everyone has been told about the
worst news on our girl's side. How would you feel if your bestfriend turns out to be a backfighter? How would you feel
if the one you love falls for the one you trust the most? Will you run? Will you hide? Will you return the favor? If you
are Alyanna Martinez, what's your next stop?' Yun yung excerpt sa isang blog ng news collector ng batch namin.
Ang sarap ihampas sa mukha nun yung nagsulat nun. Alam ba niya yung feeling kasi? Hindi naman e. Puro daldal
lang sila.
"Ano 'to?" Halata ang pagpigil ng galit ni Kuya Jason pagkatapos niya basahin ang article. Hindi ako sumagot.
Hindo ko alam ang isasagot. Ano sasabihin ko, na kaya ako nandito ay dahil dian? Ang babaw ko naman.
"Wala yan. Sara mo na yan." Sinabi ko. Kala ko susunod siya, pero tumayo lang siya at hinarap ako.
"Ano 'yon? Bakit nandun pangalan mo?" Pinilit niya. Hindi ako sumagot. Tapos na yun. Tatlong taon na ang
nakalipas. For sure, I have gotten over it.
"Kahit saan naman pwede lumabas pangalan ko a? The name's common." Nagreason out pa ako. Humiga ako sa
kama at sinubukang matulog.
" 'Last day of classes, last day of goodbyes. As everyone prepare for the summer heat, somebody from the batch
informed us about the departure of Alyanna Martinez. The said girl has been involved with our Tricia's darling,
Justine Abalos. The girls are good friends, or they used to be? What will happen now? Is leaving the best choice? Stay
tuned, 'cause nothing's gonna stop us. Not even summer.' " Binasa ni Kuya Jason yung isa pang highlighted article.
Lalong tumindi yung galit sa boses niya. Hindi ko na sana papansinin e, kaso bigla siyang nagsalita.
"Nasaan pa yung iba? May pinrint ka ba na mga kopya nito? May files ka ba nito dito? Alyanna, magsalita ka
kung hindi buburahin ko lahat ng file mo dito." Napatayo ako nun. Ang dami kong importanteng file sa laptop na
hindi pwedeng mawala. Tinignan ko ng masama si Kuya Jason bago lumapit.
"Ano ang gusto mo makita?"

"Gusto ko buksan mo lahat ng folder na may laman ng kahit anong may koneksyon sa bagay na 'to. Lahat, as in
lahat. Wala kang itatago sa akin." Natakot ako sa sinabi niya.
"That sh't is none of your business." Sinagot ko habang hinahanap yung USB na may laman ng files.
"Well, that sh't has been hurting you for years now. Do you think I would let this ruin you and my
brother?" Napagulp ako nun. Alam ko kasing mali ang makipaghalikan sa kapatid niya sa public, pero ginawa ko
pa rin. Oo, kaya nasa recording si Josh ngayon. Typical problem, nag-iiwasan kami para mawala ang
awkwardness. Ta's dagdag mo pa 'to. Yun din ang reason bakit nandito 'to. Hindi ko naisip na gagalawin ni Kuya
Jason 'to.
"It's nothing."
"It's nothing? Just so you know, I have been watching the two of you since I came here. May mata ako Yana. Hindi
ako bulag."Lumabas ang files. Ilang folder yun puno ng pictures namin nila Tricia at iba pa naming kaibigan. May
pictures din si Justine dun, pero onti lang.
"Ano 'to? Basura? Kailangan ko yung articles. Yung blog mo, nahack ko na. Wala ka nang takas." Si Kuya Jason
din pala ay marunong mang-hack. Owner sila ng computer shop dati, so alam niya na yung mga ganyan. Ilang
clearbook ang nilabas ko, bawat isa may date sa labas. Kung anong buwan nandun, ganun ang nasa article.
"You kept them under your watch."
"Of course."
"Why?"
"I just felt the need." Binrowse ko yung sa month of June. Nilampas-lampasan ko lang yung mga article. Hindi ko
na siya feel basahin pa ulit. May nakakaalam na kasi e, nakakatakot baka may mapansin pa. Si Kuya Jason, hindi
ako iniimik. Basa lang siya ng basa.
" 'Spotted: Lovebirds flying home together.' Wow ha, may picture pa." Biglang sabi ni Kuya Jason. Nakatalikod
kami, so hindi pa rin siya makikilala ni Kuya Jason.
"Bakit mo ba gusto malaman ang mga bagay na 'to? Wala ka namang mararating kahit malaman mo 'to
e." Binulong ko. Totoo naman kasi. What's the point of looking back if you can't do anything to change it? Nilapag
ni Kuya Jason yung clearbook at inakbayan ako.
"Inaalam ko ang mga bagay na 'to kasi ayaw ko na nasasaktan ka. HIndi lang sa kaibigan kita, o kaibigan ka ng
kapatid ko. Ginagawa ko 'to kasi ngayon lang ako nagkaroon ng parang baby na kapatid. Gusto ko maging kuya.
Sana hindi mo yun ipagkait sa akin." Ta's niyakap niya ako. Hindi ko alam, basta nadala ako sa sinabi niya. I have
always wanted someone to support me, someone who could act like a real parent for me. And here he is.
"Thank you." Sinabi ko habang umiiyak. Hinayaan lang ako ni Kuya Jason umiyak. Mga ilang minutes din yata
yun, ta's napatigil niya ako.
"O ngayon. Ipapakilala mo sa akin lahat ng kasama sa gulong ito. Wag ka mag-alala, we'll find a way." At doon
kami nagsimula magkwentuhan.
--"I swear, hindi ko sinasadya. It just happened na naging magkakilala kami dahil sa trabaho. Then, things happen."
"It's not your fault." Ano ba 'tong si Kuya, nahihilo naman ako.

"I just hope you could forgive me. Saka sana, suportahan mo ko dito."
"Wala akong sinasabi na tutol ako or anything. As long as you're happy, I won't contest your decision." Nagsmile ako.
Naglean ako dun sa inuupuan ko. Wow, lambot. Maya-maya, may narinig akong footsteps papalapit sa lugar namin.
"Good morning sweetie." Binati ni Kuya Jason yung paparating. Hindi kaya..
"Good morning dear. Good morning, Yana." Naka-robe na red si Tricia. Pinaupo siya ni Kuya Jason sa lap niya bago
sila nagbigay ng morning kiss sa isa't isa. Ang sweet nila. Kitang kita na mahal nila ang isa's isa. Pero dahil sa sama
ko, naiimagine ko na si Justine ang nasa harap ko, hindi si Kuya Jason.
"Good morning din." Binati ko. Just to be polite.
"So, hindi mo ko ginising nandito pala si Yana." Pinalo niya sa chest si Kuya. "Kamusta na? It's been years! Nako,
magtatampo talaga ako sayo Yana." Ininuman niya yung mug ni Kuya.
"Snap decision yung dati." I lied. Napataas ng kilay si Kuya at nagnod. Buti nasa side ko siya ngayon.
"Ano ba yun. Sayang naman yung bonding time sana natin." I felt like puking whatever's left in my stomach. Nandun
pa rin yung feeling of betrayal. Anong klaseng pagkakasala na 'to.
"Yea. Sayang nga."
"Hun, pwede mo ba akong ikuha ng coffee?" Tumingin siya kay Kuya Jason. Tumayo si Kuya at kinuha yung mug
bago siya ikiss sa cheeks. Minouth niya yung 'play nice'.
"So, Yana. Wala na si Jason. Gusto ko lang sabihin na gusto ko mag-usap tayo ng masinsinan. Are you available by
lunch?"We're back to serious business.
"Lunch sounds good."
"Great. So I'll see you later. Don't worry, I know." Tumayo siya at niyakap ako bago umalis. I was left surprised. Para
saan yung 'I know' at hug na yun?
--"So, what do you think of your space?" Kasama ko si Dominic na pumasok sa slot ko. Isang table, isang leather chair,
dalawang extra chair at isang steel cabinet lang nandun. Ang bare nung place. Gusto ko na agad designan.
"Too clean. I want my stuff scattered." Sabay upo sa leather chair. I've never felt this professional since I received my
diploma. Yes, eto na yung dream career ko.
"Don't worry. Tulungan ka namin maglipat."
"Thanks. I'll need a lot of help." Ta's tinouch ko yung table. Gah, I felt overwhelmed. Parang gusto ko nang tumakbo
ng ER at maghintay sa pasyente.
"You look agitated."
"You still know me too well." Okay. Eto na naman po kami ni Dominic. Simula dati pa, basang basa na ako niyan.
Kilalang kilala na ko, lahat ng kalokohan ko. Ang hirap magtago ng sikreto sa kanya. Kahit yung mga sinikreto ko dati,
kahit late na, nalaman pa rin niya.
"Come on, girl. Spill." He urged.

"I'm going on a lunch date with Tricia Gonzales. Is that enough reason for agitation?" Napa-wow face siya. Kung alam
mo naman kasi ang history namin ni Tricia, hindi mo maiisip na mangyayari 'to. Walang usap usap nga, di ba?
Kalimutan.
"Wow. Grabe ka, as in!" Tumayo siya at nagtatalon. Kulang na lang tumakbo siya sa corridor at ipagkalat sa lahat ang
gagawin kong mamayang lunch. Karamihan kasi sa mga nandito, dati naming kaklase. Pwede mong sabihin na niraise
ng batch namin ang ospital na 'to. Ang dami kasing aspiring sa batch namin.
"Seriously, it's been years. No big deal." Kinuha ko yung bag ko at tinignan ang make-up ko. 30 minutes before lunch
date.
"Big deal pa rin yun. Ano ka ba, Yana? Hinihintay namin 'to!"Kinuha niya ang phone niya. Isang group message lang
ang katapat nito. Kahit sa barkada lang niya sabihin, kakalat at kakalat 'to. Hinablot ko ng mabilisan ang phone niya
mula sa kamay niya.
"Hey. Akin na yan."
"Not until you shut your hole."
"Fine." Napilitan siya sa request ko. Nakita ko ang picture nila ni Marielle na super-sweet sa screensaver niya.
Napataas ako ng kilay. Sakto, tumunog yung phone ko. Nagflash yung push message ni Tricia: 'Cafeteria.'
"We'll talk about this later." Pinakita ko muna ang phone niya bago umalis ng aking slot. This is it. Let's do some
serious talking, my dear.
Dire-diretso akong pumunta ng CR. Hindi ako makatawid ng pilitin ko yung sarili kong tumawid. Kaysa naman
ikamatay ko, bumalik na lang ako sa loob ng ospital at sinubukan na kalmahin ang sarili ko.
Pagpasok ko sa CR, himala na walang tao. Lunch time kasi, lahat nasa kainan. Tinignan ko ang orasan ko, 12:10. Ten
minutes late na ako. What kind of impression do I want to leave? After one last look to my haggard-like self, lumabas
na ako ulit ng ospital.
Sakto, nasa tapat lang ng ospital yung napili na meeting place. Lunch time, at hindi masyado marami ang tao sa
Starbucks. Umupo ako sa isang two-seater na table at nagcheck ng messages. Random lang siya, gaya ng mga 'I love
you' ni Josh at 'Goodluck' ni Dominic.
"Sorry, nalate ako ng dating. I have been running errands since this morning." Biglang umupo si Tricia sa harap ko na
may hawak na plastic ng isang flower girl dress. Kulay dreen siya, ta's parang net like na paletter 'V' yung strap.
"What's the dress for?"
"A wedding this afternoon. Wedding coordinator na ako ngayon."Nagulat naman daw ako dun.
"Why chose that field?"
"I don't know. Siguro kasi nakikita kong masaya yung mga taong kinakasal. Making them happy makes me feel proud.
Kahit naiinggit ako kasi hindi pa ako kinakasal, but then again, the right time will come." She said dreamily. Ibang iba
na ang Tricia sa harap ko. Kung yung dating Tricia 'to, hindi ito magsisimula ng topic.
"Oh." Speechless naman daw ako.
"So, lipat tayo? Coffee's not really the best thing for lunch."Inoffer ni Tricia yung kamay niya. Kinuha ko naman yun.
Hindi ko alam, pero pagkabitaw niya, nanlamig yung kamay ko. Iba lang talaga siguro yung feeling na makausap mo
ulit yung isang taong hindi mo inaasahan na makakausap pa.

--Lumabas kami ng Starbucks at pumunta sa parking building katabi nun. Buti na lang at nakawedge ako. Nasa second
floor ang sasakyan ni Tricia, so no choice ako. Pagkadating dun sa sasakyan niya, nilagay niya yung damit sa likod at
pumasok sa driver's side. Naghesitate ako sa pagbukas ng pinto. Saan ako sasakay?
"O Yana, bakit hindi ka pa pumapasok? Wag mo sabihing magmamarathon ka kasabay ng sasakyan?" Still the playful
Tricia. Nagshrug lang ako bago pumasok sa passenger's side. Nalakihan ako bigla sa sasakyan ni Tricia.
"Bakit ang laki? E ikaw lang naman ang nagamit nito. May sasakyan naman si Kuya Jason."
"Work kasi. Minsan, isang dosena na gown ang kailangan ko dalhin. Nakakahilo nga e. Pero pag namamasyal, mas
madalas naming gamitin yung sasakyan ni Jason." Inistart niya yung engine.
"Oh. I just thought." Ta's napangiti ako. Nakalabas na kami ng parking building. Mabilis magdrive si Tricia, kaya
maya-maya, nasa highway na kami.
"So, saan tayo maglulunch?"
"Medyo malayo siya. I have learned na first day mo at bukas ka pa talaga magsastart so I think this is fine. Siguro
naman hindi ako nakabangga ng kahit ano sa mga appointment mo." Nag-explain siya. Sadly, naalala ko yung
nangyari dati. Nung nag-usap kami.
Kahit ano pa ang gawin ni Tricia, magkamali man o magkaproblema, may way siya para mag-explain. Walang'sorry'.
--Balik pa nung third year, maswerte sa schedule and section ko at section nila Tricia. Last period namin yun. Wala
yung teacher. Dahil masama ang pakiramdam ko, nagstay ako sa room. May kausap pa si Hazel. Ta's inoffer ako
nung classmate ko kumaen, pero wala akong gana.
Paidlip na ako nun, kaso biglang sumigaw yung kaklase ko. Nakilala ko yung boses niya, syempre, kabarkada ko
dati e.
"Hoy. Yung may mga utan sa akin. Magbayad kayo. May kailangan lang ako bilin ngayon." Sabi niya. Lahat naman
sila lumapit. Ako, tinry ko imassage ang ulo ko para mawala ang sakit. Walang effect.
"Yana. Si Tricia pala nasa labas. Kausapin ka daw." Dinagdag niya. May mga nagbulungan pa. Nakakainis nga e.
"Teka lang." Tinago ko yung phone ko sa bag.
"Dali. Hinihintay ka ni bestfriend mo." Sabay tawa. Hindi ko sila pinansin at lumabas ng room. Nandun si Tricia,
kasama yung mga bago niyang kabarkada. Tingin na tingin sila sa akin, habang paikot ikot si Tricia.
"Nice Trish." Sabi nung isa. Napatingin ngayon sa Tricia sa akin.
"O. Bakit?" Sabi ko.
"Pwede ba tayo mag-usap?"
"Sure."
"Saan ba pwede?"
"Dun tayo sa kabilang wing." Dumaan kami sa classroom ulit, kasi may lagusan dun papunta sa kabilang wing ng

Science Building. Pinagtitinginan kami ng mga kabatch namin. Pagdating sa kabilang wing, umakyat ako sa
hagdan hanggang makaabot sa landing sa pagitan ng second at third floor.
"O. Game." Nakacross yung arms ko sa may chest ko.
"Sabi kasi nila, nalulungkot ka daw, umiiyak." Start niya. Tumingin ako sa may bintana.
"Mukha bang umiiyak ako?" Tinignan ko siya. Siya naman yung hindi mapakali.
"Pero. Hindi. Ano ba Yana?" Paano ba? Ano ba sasabihin ko? Tricia, nagagalit ako sa mga nangyayari? Tricia, iba
yung dating nung betrayal? Tricia, iba yung super sakit na hindi ka makahinga? Naramdaman mo na ba yun?
"Wala naman. Ikaw? Kasi ikaw ang gusto makipag-usap."
"Uh. Eh kasi ano. Sabi nila, yun nga. Kausapin daw kita dahil dun tungkol kay Justine." Alam mo pala e. Gusto ko
siya barahin at sabihan ng 'Duh, comon sense naman!', pero hindi ko magawa.
"Anong tungkol dun?" Ignorante, pare. Wag kang pahalata.
"Kasi. hindi ko naman ineexpect mangyari e. Basta close lang, then nagkaganun, and then yun na. hindi talaga.
Hindi ko ren alam ang sasabihin. Basta yun." Agitated siya. Kita ko naman na nahihirapan siya. Mahihirapan pa
siya e siya na yung nanalo. Kfine, you win. I don't give a damn about your reasons. Nangyari na e. Kinonsider ko
na lahat, I've given up everything. Sige na. Sayong sayo na, kahit sobrang sakit. Ayaw ko sa lahat yung ginagamit
sa akin yung bola ng pagkakaba.
"Kaibigan kita e, syempre others muna before yourself." Yun lang. Gusto ko batukan yung sarili ko dahil sa hindi
ko paggamit ng pusosa pagsagot.
"So hindi ka galit sa akin at sa kanya?" Tumango lang ako. Nakatitig ako sa mata niya, at tinignan siya ng maigi.
Halatang nagdodoubt siya, so hinug ko siya. Binalik niya naman. Tapos nung hinug ko siya, parang ang saya ng
feeling. I have her back. I have my Tricia back.
"Hindi. Basta kung saan kayo masaya, masaya ako para sa inyo."Hinarap ko siya ulit at binigay yung smile na
nagpapakitang okay lang ako. Grabe. Overflowing yung happiness.
"Thank you." Tapos hinawakan niya ako at nagsmile ulit. Yung smile ng tagumpay, ng pure happiness. Naglakad
kami pabalik sa mga kasama niya.
"Sige Tricia, dun na ko dadaan. Dun mas malapit yung gate e."Papasok na sana ako sa classroom, kaso biglang
may sumabat mula sa mga kaibigan niya.
"Bakit Yana? Bakit ayaw mo dumaan dito?" Mapang-asar nilang sinabi. Nagalit ako nun, pero hindi ako lumaban.
Nilunok ko na pride ko. Hindi ko na pinagtanggol sarili ko. Sige na, sa inyo na ang tagumpay. Sige na, kayo na
magpakasaya.
Sige na, sa kanya na siya. At doon ko narealize na kung may mangyayari man na ikasasakit ng kalooban ko, ako
ang may kasalanan.
Kasi ako yung hindi lumaban.
--"Wala naman. Free ako this afternoon." Sumagot ako.
"Thanks. Oh, kung gusto mo pala magpatugtog, you're free to use the stereo." Inoffer niya. Humindi ako. Ayaw ko ng

paligoy ligoy.
"I prefer listening to your reasons."
Silence. Naramdaman siguro niya na gusto ko nang matapos 'to.
"Where do you want me to start?"
"Anywhere."
"Then, I want to start by saying sorry for everything. For being the bad friend. For doing the worst thing a frend could
have done. I know it's my mistake. I'm sorry it took me years to put up the courage." She said nonstop. Ayaw ko rin ng
ginagamitan ako ng 'sorry' bilang panimula. Iba kasi dating ng sorry e. Nag-aassure siya sayo na wala nang
mangyayari pang ganun ulit.
"I am also to blame."
"Masasabi mo yan. Pero hindi mo naman gagawin yun kung hindi ako nagsimula." She reasoned out.
"Then, bakit mo ginawa yun?" Say something mean. Say 'I love you'. Say 'because you're not worth a Justine'. Say
something that would stab me again and again.
"Because I need someone to appreciate my presence, and si Justine lang ang taong talagang nagpadama sa akin
nun."Naguilty naman ako sa sinagot niya.
Before our problem, marami nang naging lalaki sa buhay ni Tricia. Ang dami nang nagbalewala sa kanya. Ang dami
nang sumayang ng tiwala niya. Alam ko naman ang ugali ni Justine e. Alam ko kung gaano siya kasweet, kung paano
siya magcomfort. Hindi mo maiiwasan na madala sa pinaggagawa niya.
"I know." I answered in defeat.
"You know what I mean, of course. He did make you happy. You both made each other happy. I don't know what has
gotten to me by pushing you out of the picture."
"You didn't.."
"Don't say I didn't. Alam ko ang pinagdaanan mo. Alam ko kung ano ang nagawa mo." She warned. Umoo na lang
ako. Tama naman kasi siya e. I don't know, pero feel ko, pinaghandaan niya talaga ito. At alam niyang matatalo ako.
At yun ang gusto niya mangyari.
Matalo ako at iadmit na siya ang puno't dulo ng lahat ng 'to.
"And it made you happier." I pointed out.
"It did make us happy, well at least for a while." Napatigil siya.
"For a while?"
"Ganito. Lahat tayo may inspiration. It's the thing that made us keep going. Ano ang mararamdaman mo pag nawala
yung inspiration na yun?" Napaisip ako. Tinamaan ako sa sinabi niya. He told me once: "Syempre, isa ka sa mga
naging inspirasyon ko."
"Ahuh?"
"Ano ang mararamdaman mo kung ang pinakaimportante sa lahat ng inspiration mo ay nawala sa buhay mo?"

--Tuloy tuloy lang ang kwentuhan namin. The obvious happened, I have forgiven her. Hindi naman kasi mabuti
magnurse ng grudge e. I have been taking care of this mistake for the past few years. I think it's time to make up with
people who suffered, just like me.
"Sayang wala ka nung grad. ball!" Bigalng sigaw ni Tricia.
"Oh? Bakit naman?"
"Alala mo pa si Demi Lobato ng batch natin?" Nagnod ako. She was called Demo Lobato of our batch because of her
hairstyle. Let me tell you -- hindi siya bagay. Never siyang babagay.
"Oo naman! Syempre, mapang-asar yata 'to. Ano nangyari!"
"Well. Nagsuot siya ng revealing na dress nung ball, and grabe. They had the guts to award her the 'Most
Transformed'." Sabay hagalpak. Grabe. Ang sakit na ng tiyan ko. Limot na ang gutom. Bigla na lang nagstop si Tricia
sa tapat ng isang restaurant. Nakita ko yung mga guest na papasok -- lahat sila nakapang-kasal.
"Well, let me show you my work. Baka mahikayat kang magpaplano na ng kasal niyo ni Josh." Inasar niya bago kami
lumabas ng sasakyan.
FIVE
Feel ko maghibernate pagkahatid sa akin ni Tricia sa aming tinutuluyan. Nakakapagod pala bumiyahe habang
nagpapakabaliw kasama ang isa sa mga matalik mong kaibigan. Nung pauwi naman, puro pictures nung mga kinasal
at mga guest nila ang topic. Puro spoof kasi yung dating; karamihan ng pictures may kwento.
Pagkastop nung sasakyan, feel ko bumigat yung katawan ko. Nagstretch ako bago lumabas ng sasakyan.
"Trish, salamat sa time. I did not expect this to happen. Salamat talaga." Sinabi ko. Inabot ko yung kamay ko kay
Tricia at nagshake kami.
"I'm glad to have you back, Yana."
"Glad to have you back too." Nagflying kiss siya bago umalis. Nung wala na sa view yung sasakyan, pumasok na ako.
"Good evening Ma'am." Binati ako ng security guard. Nagsmile lang ako at dumirtso sa elevator. Ilang floors pa
bago ako nakarating sa penthouse. With the help of our parents, nakapagpundar kami ng pera na enough para mabili
ang slot na 'to. Laking gulat ko nang lumabas ako ng elevator.
Yung tiled na sahig, puno ng petals. Ta's may red carpet na naglilead papunta sa glass doors ng living room. Walang
ilaw sa loob. Tanging yung mga maliliit na kandila na nakakalat kasama ng petals yung nagbibigay ilaw sa dadaanan
ko. Nawala yung antok ko.
Nakafeel ako ng dejavu habang naglalakad sa red carpet. Naaalala ko yung prom namin nung third year. Yun nga
lang, wala akong kapartner ngayon. I have to walk through this path to see what lies for me. Hinawakan ko yung glass
bago siya itulak.
"Josh. Where are you?" Sinigaw ko. Sinagot ako ng hangin. Gamit ang nalalaman ko sa lugar na iyon, umikot ikot ako.
Maya maya, may nahawakan akong medyo malamig. Counter yata yun ng kitchen.
"Josh. Sinasabi ko sayo, kung nasaan ka man, buksan mo ang ilaw." I threatened him. Kumapa kapa pa ako sa wall.
Naglakad ako papunta sa left, ang direksyon ng aming kwarto. Onting kapa pa bago ko naturn yung knob.

"Jo--" Magtthreat pa sana ako, kaso may dumampi na warm sa labi ko. It's just a smack, but it sent chills down my
spine. Kakapit sana ako sa collar niya para hilahin siya, kaso wala akong collar na nahila.
"Happy anniversary, Yana." Ta's pinindot niya yung switch ng ilaw. Dim lang yung nag-open na lights. Nag-iba yung
aura niya; feel ko natutunaw ako sa kinasasandalan ko.
"Happy anniversary too, Josh." I smiled at him before pushing him away. Kinuha ko yung kamay niya bago tinignan
ang paligid. Yung kama at floor, may petals. Ta's may cake sa bedside table.
"Wow, ikaw lang may gawa nito?" Naamaze naman daw ako. Hindi siya yung tipo ng tao na magpaplano para lang sa
sandaling panahon ng kasiyahan. I have had a fair share of experiences.
Naranasan ko nang magmonthsary sa ilalim ng mga bituin. Nasubukan ko nang maghintay sa ilang oras sa isang
restaurant kakahintay sa taong nagmamadali sa kanyang recital. Naranasan ko nang mag-anniversary sa kalagitnaan
ng isang operation. Lahat na yata ng weird at hindi kaaya-aya na pwedeng mangyari sa mga araw kung saan ako
dapat ay masaya ay nangyari na.
Pero ito? Ito ang tanging maayos na anniversary namin.
"Well, we have Dom and Chai and Mari. Kuya also helped. And Tricia did suggest things." Nagdrop ang mata ko sa
naked chest niya. As if nababasa ni Josh ang utak ko, nagnod siya. Feel ko nangamatis ako dun.
"You like what you're seeing?" He remarked with a devilish smile. I groaned before getting a towel and throwing it at
him.
"Cover up, please?" Minamassage ko yung ulo ko habang papalabas ng room. Hindi sa hindi ako sanay na makita
siyang ganoon, pero may kakaiba kasing feeling ngayon e.
"Okay. I'm done." Tumalikod ako. Nakasuot siya ng white undershirt.
"Better." I commented. Hinila ko siya papasok sa room.
"Better? Ano pa tawag mo dun sa kanina?" He wiggled his eyebrows suggestively.
"Best. Will you please shut your hole now? You're ruining your surprise."
"Good boy coming through." He saluted before scooping me up in his arms. Nagsqueal ako at humawak ng mahigpit
sa kanya. Pareho kaming bumagsak sa kama. Tumalsik yung petals.
"Mag-ingat ka naman!"
"Sorry hon. Excited lang." Umupo siya para kunin yung cake sa may table.
"Happy third anniversary, Yana." Nasa ibabaw nung cake ang isang puting card. Kinuha ko yun.
"Dear Alyanna Martinez, future-Salvador (sana malapit na yun),
Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. You're the one who made everything worth it, kahit mahirap, masakit at
imposible. Ang swerte ko dahil ako ang pinili mong makasama, at maswerte ka rin sa akin. (Alam mo na 'yon.) I love
you. I really do.
Always and forever, Josh."
Napangiti lang ako. Siya naman, titig na titig.

"So?"
"Huh?"
"Violent reaction?" Napa-oh ako. Humindi ako at kinuha yung tinidor sa table. Kumuha ako ng maliit na piece at
tinapat sa mukha niya yon.
"Josh, take this as a sign of my love for you. Happy anniversary." Inopen niya yung mouth niya at kinaen yung cake.
Napagiggle ako kasi nadikitan ng icing yung ilong niya.
"May kulang pa."
"Ay, sabi ko nga. I love you too, always and forever."
--"So, tell me about your day. Siguro naman hindi panget ang araw mo." Kumakain pa rin kami ng cake, pero nasa tapat
na kami ng window. Nakaupo kami sa lapag, ta's nakalean ako sa kanya. Pinapanood namin yung moon -- full siya
kasi ngayon.
"Well. Aside from reconciling with Tricia, wala naman. Si Tricia lang nakasama ko." Nilapag niya yung cake at fork.
"Bati na kayo?"
"In a way. Nilinaw ko na."
"Ano feeling?" Anong klaseng tanong yan?
"Maluwag sa pakiramdam. Pero iba pa rin pag talagang napatawad mo na ang isang tao." Inexplain ko. Napataas siya
ng kilay.
"Sinasabi mo bang niloloko mo si Tricia?"
"Hindi ko siya niloloko. Ang ibig kong sabihin sa talagang mapatawad ay yung mapagkakatiwalaan ko na siya ulit. As
if nothing happened." Napaslouch ako. Ang hirap na magsabi ngayon kay Josh. Kuya niya at yung taong mahal ng
Kuya niya ang involved e.
"Hindi madali yun. Pero tandaan mo yung plano?" Eto na naman. Pinaalala na naman niya. Umoo na lang ako. Ayaw
ko na pasukin ang problema na 'to. Gaya ng sinabi ko bago ako umalis: Hindi na ko makikigulo sa mga gulong
pinapasok ni Tricia.
May panahon na may ginawa siya na nagpadala sa kanya sa office. Hindi ako nakiusyoso. May panahon na lumagpas
siya sa barrier niya at naging sila nung past nung isa niyang close friend. Hindi ko inalam ang mga detalye nun. Gusto
ko siya turuan ng leksyon: Ang pagtayo sa sarili niyang paa at ang paninindigan sa mga aksyon na kanyang ginagawa.
"Tanda ko pa."
"Hanggang kailan magtatagal 'to, Yana? Ayaw ko ng gulo, alam mo yun."
"Ako rin naman. Pagod na ko sa mga ganyan." Napasigh lang ako. Bigla niyang niwrap yung arm niya sa shoulder ko.
"Alam ko na pagod ka na. Kaya nga nandito ako, 'diba? Nandito ako para buhatin ka at maging paa mo sa pagdaan sa
mga problemang ito." Kinilig ako dun. Napatingin ako sa kanya at nagbigay ng weak smile.

"Thank you, Josh." Lumapit kami ng unti unti hanggang sa naramdaman ko yung labi niya sa labi ko.
At yung ang best way para tapusin ang isang anniversary dinner.
--"Good morning, Yana!" Sinigaw ni Hazel pagkapasok ko ng function room. Lumabas muna ako saglit sa clinic at
dinaanan yung headquarters, ang bahay ng president ng batch namin dati.
"Easy lang retarded." Hinampas niya ko habang naglalakad kami sa hallway. Nakalinya ang mga bote ng invitation sa
sahig. Yung president ng batch namin dati, busy sa pagbubuhat ng boxes na may laman na hourglass.
"Yana! Nandito ka na! Dali, tulungan mo kami dito."Hinila niya ako at nagbigay ng instructions. Lagyan daw
ng confetti, hourglass, at rolled na invitation yung bottles ta's lagyan ng stopper. Pagkaupo ko, sinimulan ko ang
gawain.
Mga half an hour na ko nag-aayos ng invitation. Tahimik lang ang lahat, kasi hindi kami matatapos pag nagchikahan
pa kami. Maya-maya, tumunog yung isang phone. Hindi ko pinansin.
"People, I have something to say." Sinabi nung may-ari nung phone. Napatingala kaming lahat.
"Get your phones." Sumunod naman kami. Ang dami na palang message, pero wala pang notice mula sa hospital.
Binasa ko isa isa yung messages hanggang sa nakarating ako sa isa na galing sa unidentified sender.
"Kaninong number 'to? 09*********?" Sinabi ko. Napatingin sila ng kinakabahan sa akin. Binuksan ko yung message.
Topic: From Best Foes to Best Friends.
Hi friends. Have you missed me? Your lives have been sound for a while, but remember, I would never be done. I
am always here, watching and waiting for the latest happenings.
Speaking of the latest, have you heard of it? A truce has been settled between soaring kingdoms. Remember this
day, because it will play a big role in our batch's history. Alyanna Martinez and Tricia Gonzales have finally
pushed the past aside; the two were seen having a hearty conversation at a wedding of a socialite. To believe, or not
to believe? Is this silent war done for good? Aren't we missing the key to its beginning? We'll find out soon.
For now, shop 'til you drop for the upcoming replay of our promenade. Ciao, my dears!.
Naalala ko agad yung mga message na sinend sa akin sa mail. Mga article siya about sa mga chismis tungkol sa batch
namin. May article din na tungkol sa akin.
"Who the hell is this?" Tinanong ko.
"Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakikilala."
"Fxck." Napadiin yung hawak ko sa isang hourglass.
"Yana. Bitawan mo yung hourglass. Masusugatan ka." Binulong ni Hazel. Sinunod ko sioya bago umupo.
Eto na naman kasi e. Bumabalik na naman 'tong pakialamero sa buhay ko, yung sumira ng pangalan namin at
dumumi sa reputasyon namin nung high school kami. Hindi ba masyadong childish at insensitive ang taong
gumagawa nito? For Pete's sake, we're adults with established lives!
"Yana? Okay ka lang?" Tinanong nung isa sa kanila. Nagshake ako ng ulo at kinuha ko ang bag ko.

"Sorry. I'll try to catch up later." Dali dali akong lumabas ng headquarters. Kailangan ko umalis dun, bago mawala
yung self-control ko at makapagturo sa kung sino man doon.
Whoever you are unidentified sender, you're going to eat everything you have said. And when I say everything, I mean
it.
--THIRD PERSON'S POV
Lahat ng tao sa loob ng headquarters ay napatigil sa mga ginagawa nila. Nawalan sila bigla ng gana. Binabasa pa rin
nila yung message. Nagulat sila sa nilalaman nito. Bati na ang tigasin?
"Wow. Unexpected."
"Grabe! Ngayon lang!"
"Ano ngayon kung ngayon lang?"
"Ang bitter naman ni Yana!"
"Ang b'tch naman ni Tricia!"
Nagsimulang magsagutan ang mga tao sa loob. Si Hazel, feel niya sasabog na siya dahil ayaw tumigil nung mga
nandoon sa pagbatikos. Tumayo na lang siya at pumunta sa may kitchen. Papasok na sana siya nang marinig niya
yung mga nagsasalita.
"Pwede Justine. Saglit lang. Wag ka muna pumunta doon. Madaming basura."
"Kaya nga nandito ako e. Maglilinis ako. Sige na."
"Mamaya na. Kumain ka muna."
"Kumain na ko."
"Pero.."
"Ano tinatago niyo? Pasecret secret pa kayo ngayon a. Parang di ako kasama sa committee."
Nagulat si Hazel sa narinig niya. Kilala niya yung kausap nung batch representative, syempre. Naging kaklase niya
yun, naging close niya, naging kuya niya. Ang hirap magpigil. Nakakatakot pumasok sa kitchen kasi baka hindi niya
matago ang pagbalik ng isang mahalagang tao sa buhay noon. Naisip niya na no choice siya at pumasok.
"Hazel! Tulungan mo ko!" Mukhang batang kinakawawa si Justine sa may back door.
"Hazel, okay na ba dun?" Nag-aalalang tinanong noong batch representative.
"Hello sa 'yo, Justine. Dali, libre mo muna ako ng ice cream."Nag-alibi si Hazel bago itulak papalabas si Justine.

You might also like