You are on page 1of 2

St.

Ildephonse Parish
Parish Commission on Youth

unded 1607
nto, 3015 Bulacan Philippines
.:(044) 794-1764

Kapayapaan ni Kristo!
Naging tradisyon na po nating mga Pilipino ang pagdiriwang ng Flores de Mayo at
Santacruzan tuwing buwan ng Mayo sa karangalan ng Mahal na Birhen ng mga Bulaklak at
sa pagkatagpo ni Reyna Elena sa Banal na Krus ng ating Panginoong Hesus. Dahil po dito,
kaming mga bumubuo sa Pamparokyang Komisyon ng Kabataan ng ating Parokya, sa
pahintulot ng ating mahal na Kura Paroko, Rdo. P. Reynaldo V. Rivera ay naglalayong
magkaroon ng Misa Nobenaryo. Ito poy siyam na sunud-sunod na araw ng pag-aalay ng
Banal na Misa mula Mayo 15 hanggang Mayo 23 tuwing ika-4:30 ng hapon. Ang Flores de
Mayo at Santacruzan ay gaganapin po sa ika-24 ng Mayo pagkatapos ng Misa sa ganap na
ika-5 ng hapon. Ngunit, hindi po maisasagawa ang lahat ng ito kung hindi dahil sa mga
katulad ninyong walang sawa sa pagtulong para sa mga gawaing pang-Simbahan. Kaugnay
nito, kami po ay buong kababaang-loob na lumalapit sa inyo upang maging isa sa mga
Principal Sponsor ng ating Nobenaryo.
Ang makakalap pong pondo ay ilalaan para sa sumusunod:
1. Pagkain para sa mga sasagala at mga kasapi ng Pamparokyang Komisyon ng
Kabataan
2. Bulaklak para sa ayos ng simbahan at para sa mga iaalay na mga bulaklak.
Muli po, ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong kabutihang-loob. Pagpalain po kayo
at ang inyong pamilya ng ating Panginoong Muling Nabuhay.

Lubos na gumagalang,

QUEENIE ROSE P. MARCELO


Pangulo
Pamparokyang Komisyon ng Kabataan
Sa kapahintulutan ni:

RDO. P. REYNALDO V. RIVERA


Kura Paroko
Parokya ni San Ildefonso

St. Ildephonse Parish


Parish Commission on Youth

unded 1607
nto, 3015 Bulacan Philippines
.:(044) 794-1764

You might also like