You are on page 1of 4

Face to Write

Intro: Face to face music


Amy: Naririto na naman po tayo sa pinakontrobersyal at pinag-uusapang Barangay
Hall on Air ang, Face to Write.
Sa episode natin ngayon ay susubukan nating mapag-ayos ang naging
matinding lamat sa pagkakaibigan ng ating panauhin...
Ang nagrereklamo:
Siya ay talagang mahilig sa palabok
Lalo na kung ito may kasamang itlog ng manok
Sa nakakikita di siya nag-aalok
Kaya Rizza, halika na, pasok
(Rizza uupo)
Amy: Oh, ano itong nabalitaan naming di- pagkakaunawan na nauwi sa matinding
awayan sa pagitan ninyong magkaibigan.
Rizza: Ganito po kasi yun.
( Flashback)
Rizza: AHHH!!! Ang gwapo gwapo ni Allan.
Vanessa: So, Crush mo?
Rizza: Syempre, sino ba naman ang hindi maiinlove sa kanya. Teka dib a nakatira
siya malapit sa inyo?
Vanessa: OO.
Rizza: Yun, tamang-tama. May ginawa kasi akong sulat para sa kanya, pakidala ha.
Vanessa: Ikaw na.
Rizza: Nahihiya ako eh.
Vanessa: Sige na nga..
(rizza, iaabot ang sulat)
Rizza: Bye!!!
Vanessa: Eh crush ko din si Allan eh. Mabasa nga at mapalitan ng pangalan.

(Si Vanessa at si Allan ay magkasama)


Rizza: (nabigla at nagalit, tatanungin si Allan)
Ah, Kayo nap ala, Kelan pa?
Allan: Kahapon lang noong ibinigay na sa akin yung sulat na.
Commercial:
( back to Show)
Amy: So ganon pala ang nangyari.
Ang nirereklamo:
Ang babaeng kilalang kilala ng masa
Anak daw siya sa labas ni Sisa
Kahit na ngayon siya nag-iisa
Rizza, kakasa ka ba kay Vanessa?
( magsusugudan ang dalawa)
Amy: O, hinahon po tayo.
Rizza: Mang-aagaw!!
Vanessa: Bakit naging kayo nab a?
Rizza: Mang-aagaw ka ng sulat. Alam mo ba na winika ni Kellogg, ang pag-iisip at
pagsulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi
matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. Kaya para sa akin wala kang sariling
pag-iisip kasi yung pinag-isipan at pinagpaguran ng iba, basta mo na lang
pakikinabangan.
Vanessa: Ngunit ayon kay Keller, ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at
kaligayahan. Kaya noong kinailangan ko ang sulat mo, ginamit ko at nagbigay sa
akin ng kaligayahan.
Amy: Teka Vanessa, alam mo ban a sa ginawa mo hindi lang sulat ang nanakaw mo,
nanakaw mo rin maging ang pisikal at mental na aktibiti na ginawa ni Rizza. Pisikal
dahil gumamit siya ng kamay sa pagsulat sa piraso ng papel at mental dahil isa
itong ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya.
Amy: Matapos marinig ang saloobin ni Rizza at Vanessa, ano naman kaya ang pulso
n gating mga etsuserot etsusera? Sa pula o sa puti?

Hingin naman natin ang payo n gating DUO tagapato.


Sharlene: Alam mo ba Vanessa na ang iyong ginawa ay tulad ng pangongopya,
maaari ngang pangalan mo ang naroroon sa papel ngunit ang laman at mga ideya
sa loob nito ay mula sa iyong mga mapanuksong mata. Ang masakit pa nityan
naniniwala tayong Ang kaalaman ay ang tanging yaman na hindi kayamg kuhanin
sa atin. Ngunit sa ginawa mo, ninakaw mo ang inaakala niyang hindi mananakaw
sa kanya, at iyon ay ang kanyang kaalaman.
Hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pagsuong sa gawaing ito ay
nangangailanganngpuspusang disiplinang mental at konsiderableng mental at
pagdedebelop ng ideya o paksa.
Vanessa: Pero ako po ang nagrevise at nag-edit ng liham niya.
Amy: Anong ibig mong sabihin?
Vanessa: Hindi po maikakaila na ako ang gumawa ng revising at editing. Ang
rebisyon po ay proseso ng pagbasang muli sa burador nang makailang ulit para sa
layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Sinuri ko po ang istruktura ng
mga pangungusap at lohika ng presentasyon.
Rizza: Tingnan mo, pakielamera ka talaga, kay Allan o pinabibigay tapos binasa at
iniba mo pa.
Vanessa: Paano ko yun hindi iibahin, e mali-mali ang pagbabantas mo pati na ang
pagtatalata mo. Alam mo ba na ang talata ay isang pangungusap o grupo ng mga
pangungusap na inorganisa upang makadebelop ng isang ideya hinggil sa isang
paksa bilang bahagi ng isang komposisyon o upang magsilbing pinakakomposisyon
mismo. Yung ginawa mong sulat, halatang di inorganisa, ni hindi man lamang ito
naging epektibo.
Rizza: Bakit, paano ba nagiging epektibo ang talataan?
Amy: Para sa tanong mo Rizza, tawagin natin ang isa sa ating DUO Tagapayo.
Daphne: Rizza, naaayon sa konstitusyon ng komunikasyon sa makabagong pahahon
na magiging epektibo ang talataan kung taglay nito ang kaisahan, kohirens at
emphasis. Ang kaisahan ay nangangahulugang pagkakaroon ng isang ideya sa loob
ng talata, ang kohirens naman ay tumutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng mga
bahagi sa loob ng isang talataan samantalang ang emphasis naman ay tumutukoy
sa pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa bahagi ng komposisyong
nangangailangan nito.
Vanessa: Tingnan no nasa revising pa lang tayo ang dami ko na agad nabago. Sa
editing naman, binago ko ang pagbabantas na. Ang tuldok-kuwit ay karaniwang
ginagamit sa pagitan ng mga sugnay sa pag-uugnay ng pangatnig at sa pagitan ng

sugnay sa pinag-uugnay ng mga pangatnig na kaipala, samaktwid, anupat at iba


pa. Mali rin ang paggamit ng tuldok- tuldok sapagkat ginagamit ito kapag may
kinakaltas o sa pagpapahayag ng may pag-aatubili: alinlangan o pagkakaantala.
Rizza: Pero sigurado akong ginamit ko ang tuldok sa pasalaysay, pautos at pakiusap
na pangungusap, ang tandang pananong sa mga pahayag na patanong at tandang
padamdam sa mga pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin.
Amy: Ang ilan sa mga bantas na ating ginaggamit ay makikita sa screen ng ating
telebisyon. Panoodin po natin.
So, kung si Vanessa ang nagrevise at nag-edit, anong proseso ng pagsulat
ang ginawa ni Rizza?
Rizza: Ako yung gumawa ng prewriting at drafting. Sa prewriting po, naglaan ako ng
panahon sa pagpaplano upang hindi ko makaligtaan ang ilang mahahalagang
impormasyon o di kaya upang di ako mabigoong iorganisa ang aking mga
materyales sa paraang magiging malinaw sa babasa. Sa paggawa naman ng unang
burador, sinunod ko ang aking balangkas sa bawat seksyon. Pinalawag ko rin ang
mga parirala sa pangungusap. Sa pagsulat nito, importanteng hindi mawala ang
momentum sa pagsulat.
Amy: so, ang nangyari pala ay halos pinagtulungan ninyo ang pagsulat ng liham.
At para matapos na ang lahat, tawagin natin ang lalaking naging mitsa ng
kaguluhan,,,,,,si Allan.
Anong masasabi mo Allan?
Allan: Hindi naman po mahalaga sa akin ang nakasulat sa sulat na yun. Kasi ng
biksan ko yung sulat, puro sa guri, hindi maintindihan. Yung salitang mahal Kita
lang ang nakita ko at dahil matagal ko ng type si Vanessa, naging masaya ako at
inamin ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Kay Rizza naman, ang tagal na
niyang nagpapapansin sa akin, pero pilit ko sang nilalayuan
dahil.....dahil.....kapatid ko sa sa ama...
Rizza: Ibig sabihin, kuya kita?
Allan: OO Riza..
Amy: At ngayon, kaya no na bang patawarin ang isat isa, Rizza at Vanessa?
Vanessa at Rizza: Opo..
Amy: At dito na po nagtatapos ang Face to Right...

You might also like