You are on page 1of 3

Introduksyon

Ang pagtuturo ay isang napaka-complex na proseso kung saan kinakailangan ng


angkop na metodo o method upang maitatak sa isipan ng bawat estudyante ang ibatibang kaalaman at maipasa sa susunod na henerasyon. (Journal Of Amaricam Science.
2011, 7(2) p. 313)
May ibat ibang klase ng paraan ng pagtuturo o teaching method. Mayroon tayong
tinatawag na Direct Instruction o Lecture method kung saan pawang diskusyon ang
ginagawa ng guro. Ang teaching method na ito ang kadalasang ginagamit ng mga guro.
Ang Inquiry based learning naman ay isang paraan ng guro sa pagtuturo kung saan
isinasanay dito ang problem-solving at critical thinking skill ng isang mag-aaral.
Nagbibigay ng mga sasagutang problema ang guro at hahayaang sagutan ito ng
kanyang mga estudyante. Mayroon din tayong tinatawag na Cooperative Learing kung
saan hinahati ng guro ang klase sa maliliit na grupo at nagbibigay ng mga pangkatang
Gawain. Ang Group discussion naman ay isang paraan ng pagtuturo kung saan hinahati
din ng guro ang klase sa maliliit na grupo gaya ng Cooperative learning ngunit sa
paraang ito namimili ang guro ng isang moderator sa grupo na siyang mag uumpisa ng
diskusyon.

Karamihan sa mga mag aaral, kung hindi man inhinyeria, arkitektura, akawnting o
anumang kurso na umiikot sa asignaturang matematika ang kinukuha ay nahihirapan sa
asignaturang ito mapa-Basic Mathematics man o Calculus kung kayat ang layunin ay
matuklasan kung ano nga ba ang mabisa at epektibong paraan ng pagtuturo ng

matematika para sa mga mag-aaral ng inhinyeria upang maibahagi ang kinalabasan sa


ibang tao partikular na sa mga guro bilang tulong sa kanilang pagtalakay at pagturo ng
nasabing asignatura. Nais ng pananaliksik na ito na ibahagi sa mga guro ang mga
mabisang paraan ng pagtuturo ng matematika upang maging gabay sakanila at upang
mas mapadali para sa mga mag-aaral na nahihirapan sa asignaturang ito na
maintindihan at maunawaan ang mga aralin sa matematika.

Metodo
Disenyo ng pag aaral
Ang disenyo ng aming isinagawang pananaliksik ay Descriptive Method o
Palarawan. Ang palarawan ay pinag-aaralan ang pangkasalukuyan ginagawa sa
pamantayan at kalagayan.
Mga respondente o taga tugon
Naisakatuparan ang pananaliksik na ito dahil sa partisipasyon ng isang daang
(100) respondente na pawang babae at lalaking kumukuha ng ibat ibang uri ng
Inhinyeria (ECE, Mechanical, Civil, Mechatronics, Industrial, atbp.) na kasalukuyang
nasa ika-unang antas ng kolehiyo sa St. Louis University.
Kasangkapan na ginamit
Bawat miyembro ng grupo ay nagtutulong-tulong na bumuo ng questionnaire o
talatanungan, isang instrumento sa pananaliksik na binubuo ng kalipunan ng mga
katanungan para sa layuning makakalap ng impormasyon mula sa mga taga-tugon o
respondente, na siyang naging kasangkapan ng aming grupo sa pangangalap ng datos
sa ginawang pananaliksik. Ang aming talatanungan ay may tatlong katanungan na may

limang pagpipilang kasagutan. Bawat tanong ay maaaring magbilog ng isa hanggang


dalawang kasagutan.
Pagsusuri ng mga datos
Matapos kalapin ang mga instrumento, nag-tally ang bawat miyembro na siyang
pinaghambing at ginawan ng grapikong pantulong (bar graph) upang mailarawan ang
kinalabasan ng pananaliksik.

You might also like