You are on page 1of 12

GABAY SA PAGTALAKAY

HINGGIL SA PAGTAAS NG MATRIKULA AT IBA PANG BAYARIN


Inihanda ng Pambansang Opisina ng ANAKBAYAN
Pebrero 2014
I.

TUITION INCREASE NA NAMAN! GAANO KATINDI ANG PAGTAAS


NG MATRIKULA AT MGA BAYARIN?
Matinding pahirap sa kabataan ang taunang pagtaas ng matrikula at iba pang
gastusin, kasabay ng walang-habas na panunupil sa kampus sa ilalim ng
maka-dayuhang oryentasyon ng sistema ng edukasyon.

Malaking suliranin sa kabataang estudyantet kanilang mga magulang


ang taun-taong pagtataas ng matrikula at patung-patong na bayaring
ipinapataw sa mga estudyante sa loob ng mga pamantasan.
Sa ngayon, dahil sa di maampat na pagtaas ng mga bayarin sa
eskuwelahan, papalaki din ang bilang ng mga di makapag-aral. Ayon sa
datos mismo ng gobyerno 1, nasa 9.5 milyon lamang mula sa 38
milyong kabataan o 25% ang matatagpuan sa mga hayskul at kolehiyo.
Kasama pa sa datos na ito ang nasa ilalim ng programang Alternative
Learning System (ALS).
Inaasahang sasahol pa ang ganitong paglabag sa karapatan sa
edukasyon dahil sa panukalang mga pagtataas para sa susunod na
taon na inaanunsyo kasabay ng deadline ng tuition consultations sa
Pebrero 28:
A. Sa mga pribadong paaralan
Tinatayang aabot sa 400 pribadong pamantasan ang magtataas muli
ng matrikula para sa susunod na pang-akademikong taong 2014-2015.
Kabilang sa mga Unibersidad na ito ang sumusunod:
Pamantasan

Panukala
ng % ng
pagtataa
s

Katumbas na
halaga ng
pagtataas2

University of the
East (Manila)
University of the
East Caloocan
University of
Santo Tomas

3.5%

P65.22

3.5%

P45.19

7-8%

P129.20
P147.65

Tinatayan
g dagdag
kada
semestre
(15 units)
P1174.00
(18 units)
P813.59
(18 units)
P1,938.00

Tinatayang
dagdag
kada taon
P2,348.00
P1,627.00
P3,876.00
P4430.00

1 Sa sinuring datos ng Dep Ed at CHED para sa taong 2012


2 Pinagbatayan ang inilabas ng CHED na Complete List of Private Higher
Education Institutions (PHEIs) Allowed to Increase Tuition and other School Fees
(TOSF) AY 2013-2014 as of 24 May 2013

P2,215.00
(15 units)
Far Eastern
University

5-12%

P81.55
P195.71

National
University

10%
(freshmen)

P103.57

15%

P227.70

5%

P120.25

San Beda
College
De La Salle
University
Manila
College of Saint
Benilde
Ateneo
Manila
University
National
Teachers
College

De

3%-3.5%

5%

10-13%

P68.02
P79.35
P124.16

P50

P1,876.00
P2,936.00
(23 units)
P1,554.00
(18 units)

P3,751.00
P9,002.00

P3,728.00

P5,692.50
(25 units)
P2,285.00
(trimester)
(19 units)
P1,224.00P1,428.00
(trimester)
(18 units)
P1,862.44
(15 units)

P11,385.00

P900
(18 units)

P1800

P6,854.00

P2,448.63P2,857.00
P3,724.88

Ilan sa mga ito ay kabilang na sa may pinakamatataas na minimum cost ng


matrikula kada unit:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.

De La Salle-College of St. Benilde (2,275 pesos)


De La Salle University (2,250 pesos)
St. Scholasticas College (1,708 pesos)
San Beda College (1,518 pesos)
Mapua Institute of Technology (1,500)
FEU-East Asia College (1,339 pesos)
FEATI University (1,210 pesos)
Lyceum of the Philippines University (1,170 pesos)
University of the East (1,138 pesos)

Hindi na bago ang ganitong kalakaran. Taun-taon ay nagtataas ang


bayarin sa mga pribadong pamantasan. Sa katunayan, sa tatlong taong
panunungkulan pa lamang ni BS Aquino, umabot na sa halos P115.00 3
ang itinaas ng tuition kada yunit o katumbas ng P3,450.00 kada
semestre o P6,900.00 hanggang P10,350.00 kada taon para sa mga
estudyanteng kumukuha ng 30 units.
Higit na mataas ang average para sa mga eskuwelahan sa National
Capital Region (NCR). Tinatayang aabot sa P200.00 4 ang itinaas kada
3 National average increase in tuition: P36.93 for 2011-2012; P41.52 for 20122013, and P37.45 for 2013-2014. Total is P115.00 increase during the time of
Aquino
4 Conservative estimate of average tuition increase in NCR is P64.04 based on
2013 data. Multiply this by 3 years, P192.12

yunit sa mga eskuwelahan ng NCR o katumbas ng P6,000.00 kada


semestre o P12,000.00 hanggang P18,000.00 kada taon.
Samantala, maliban sa pagtaas ng tuition, tuluy-tuloy din ang pagsingil
ng iba pang bayarin na higit pang dagdag pahirap sa mga estudyante.
Ilan sa mga halimbawa nito ang garbage fee, athletics fee, cultural fee,
donation fee, at ang dineklara nang ilegal na developmental fee.
Ayon sa ulat ng CHED, sa taong 2013-2014, ang average na kabuuan
ng other school fees sa buong bansa ay aabot na sa P2,762.67.
Pinakamataas ang sinisingil na other school fees sa Central Luzon
(P8,148.38) at CALABARZON (P7,025.33).
Ngunit tampok ang ilang pamantasan na ga-higante ang sinisingil na
miscellaneous fee sa mga estudyante5:
1. FEATI (P16,320.00)
2. Centro Escolar University (16,025 pesos)
3. Emilio Aguinaldo College (14,276 pesos)
4. College of Saint Benilde (12,926 pesos)
5. San Beda College (11,583 pesos)
6. Philippine Christian University (9,250 pesos)
7. Lyceum University of the Philippines (9,218 pesos)
8. National University (8,629 pesos)
9. St. Scholasticas (8,000 pesos)
10.Arellano University (7,835 pesos)
11.La Consolacion College (7,801 pesos)
12.Mapua (7,705 pesos)
13.Technological Institute of the Philippines (7,664 pesos)
May ibat iba ring mga iskema ng awtomatikong pagtataas ng
matrikula. Halimbawa, hindi na kinakailangang idaan sa konsultasyon
ang pagtataas matrikula sa mga freshmen kaya awtomatiko na itong
tumataas.
Mayroon ding ladderized o carry over scheme kung saan ang
automatikong pinapapasan sa estudyante ang mas mataas na
matrikula sa pagpasok niya sa mas mataas na year.
Tiyak na mas malaki ang mga pagtataas ng matrikula at iba pang
bayarin sa susunod na taon. Inaasahan na higit na titindi ang
pangingikil sa mga estudyante dahil sa paghahabol ng kita ng mga
eskuwelahan sa napipintong pagbaba ng enrolment dahil sa
implementasyon ng K12. Gayundin, inaasahang babawiin sa
estudyante ang dagdag-singil sa kuryente na ipapataw ng MERALCO.
B. State Universities and Colleges

5 Mula sa special report ng GMA news online (May 1, 2013) accessed via
http://www.gmanetwork.com/news/story/306360/news/specialreports/infographic
-the-cost-of-education-in-the-university-belt

Ang pagtupad din ng mga SUCs sa balangkas ng pagtataas ng


matrikula at iba pang bayarin ang pangunahing kinakaharap ng mga
estudyante sa mga pampublikong pamantasan. Lalo itong pinasasahol
sa pamamagitan ng iba pang iskema upang patindihin ang pangingikil
at pagpapasa ng mga gastusin sa mga estudyante.
Sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), patuloy na ginagamit ang Socialized
Tuition System (STS o STFAP) upang bigyang-daan ang patuloy na
pagtataas ng matrikula sa pamantasan. Ang dating base tuition na
P1,000 per unit, ngayon ay P1,500 na. Sa kasalukuyan inihahanda ang
STS para sa pagtataas muli ng matrikula sa pamamagitan ng
pagdadagdag ng panibagong bracket na magbabayad nang mas
mataas kaysa P1,500 kada unit.
Dagdag pahirap pa ang paniningil ng laboratory fees na labas pa sa
sinisingil na tuition at miscellaneous fees. Karaniwang P100, P300,
P500, o P1,500 kada subject ang sinisingil na laboratory fee. Sa
pinakamasahol na kaso ng pangongolekta, umaabot sa halos P4,500 o
20% ng kabuuang bayarin sa isang semestre ng Engineering student
ay dulot ng paniningil ng miscellaneous fee.
Samantala, bagamat naipanatiling P12.00 kada yunit ang matrikula sa
Polytechnic University of the Philippines (PUP), kaliwat kanan naman
ang pagpapataw ng iba pang bayarin upang pagkakitaan ang mga
mag-aaral nito. Ilan sa mga dagdag at kwestyunableng mga bayarin ay
ang Student Info System fee (P225-250), PE uniform fee (P305.00),
Sports Developmental Fee (P150).
Sa paniningil pa lamang ng tatlong bagong bayarin na ito, 246% o
halos tatlong beses na mas mataas kaysa sa matrikula 6 ang
binabayarang other fees. Ibig sabihin, halos 70% sa binabayaran ng
isang PUP student ay dulot ng dagdag bayarin.
Ganito rin ang kalagayan sa iba pang SUCs tulad ng EARIST na
kamakailan lamang ay matagumpay na ipinabasura ng mga
estudyante ang paniningil ng P1,000 developmental fee.
C. Highschool
Hindi na rin ligtas ang mga estudyante ng hayskul sa pagtataas ng
bayarin sa eskuwelahan. Taliwas sa ipinagmamalaki ng gobyerno ni BS
Aquino na libre ang batayang edukasyon sa bansa, sa katotohanay
binabalikat ng mga magulang ang napakaraming iba pang bayarin.
Notoryus ang paniningil sa mga pampublikong hayskul ng mga dagdag
na bayarin tulad ng PTA fee, examination fees, graduation fees, at iba
pa. Aabot din sa P20,000 ang kinakailangang gastusin sa pamasahe,
mga libro at iba pa sa pagpasok sa skwela. Bukod pa ito sa mga
nirerequire na bayarin sa mga workbook, project at iba pa.
Samantala, higit na titindi ang paniningil sa mga estudyante dahil sa
planong rasyunalisasyon ng pampublikong edukasyon. Sa ilalim nito
6 P12.00 x 23 units = P276

programang ito, tatanggalin at tatanggalan ng badyet ang nonteaching items sa pampublikong paaralan. Ang resulta, kukunin mula
sa mga estudyante ang pambayad sa mga administrative personnel,
janitor, guards, at iba pa sa porma ng dagdag-singil. Bahagi ito ng
kabuuang plano ng kontraktwalisasyon sa mga eskuwelahan.
Maging ang implementasyon ng K12 ay magdudulot ng dagdag bayarin
sa mga estudyante at magulang. Marami sa mga pampublikong
eskuwelahan ay walang kapasidad na magbigay ng edukasyong pangsenior highschool (Grades 11 at 12) kayat ipauubaya ang mga ito sa
mga pribadong paaralan na tiyak na garapal na pagkakakitaan na
naman ang mga highschool students.
Maging ang paglilipat ng pasukan o shift ng academic calendar sa balangkas ng
dikta ng mga dayuhan ay magdudulot ng pagtataas ng matrikula at iba pang
bayarin sa mga pamantasan. Pangunahing layunin sa likod nito ang engganyuhin
ang pagpasok sa bansa kapwa ang mga dayuhang mag-aaral na sisingilin nang
mas malaki ng mga pamantasan at ang mga dayuhang mamumuhunan at
negosyante sa edukasyon para pagkakitaan ang ating mga paaralan.
Sa ganitong kalagayan, hindi na lamang mga lokal na kapitalista edukador, kundi
maging mga dayuhang kapitalista-edukador, ang makikinabang na rin sa labislabis na paniningil. Sa kabilang banda, inaasahang mas maraming Pilipino ang
mahihirapang magbayad ng mga bayarin sa eskuwelahan dahil hindi naka-ayon
ang panahon ng pasukan ang panahon ng pagtatanim at anihan.
II.

ANO ANG EPEKTO NG PAGTATAAS NG MATRIKULA AT IBA PANG


BAYARIN SA MGA KABATAAN AT MAMAMAYAN?

Tiyak na mas malaki ang bilang ng kabataang magda-drop out o titigil sa pagaaral dahil sa pagtataas ng bayarin sa eskuwelahan.
Bago pa man umupo si BS Aquino bilang Pangulo noong 2010, halos tatlo lamang
mula sa limang (3 out of 5) na nagtatapos ng highschool ang tumutuloy sa
kolehiyo7. Samantala, sa 100 pumapasok sa elementarya, 60 lamang ang
tumutuloy nang hayskul at 45 lamang ang nakakatapos 8.
Lalo itong sumahol dahil sa taun-taong pagtataas ng matrikulat ibang bayarin sa
ilalim ng panunungkulan ni BS Aquino at lalo pa itong sasahol sa napipintong
pagtataas sa susunod na taon.
Talagang wala nang pagkakataon ang mga kabataang kabilang sa 66% ng
populasyon na nabubuhay sa mas maliit kaysa P125.00 kada araw 9. Para sa mga
kabilang dito, para lamang mabayaran ang tuition sa isang taon, kinakailangang
7 Mula sa datos ng CHED
8 Mula sa Philippine Poverty and Education profile na inilabas ng UP School of
Economics (Sept 2013)
9 Mula sa datos ng IBON (January 2014)

hindi kumain o hindi gumastos sa loob ng 137 10 na araw. Para naman sa


minimum wage earner sa NCR, katumbas ng 69 days o mahigit 2 buwan na kita 11
ang pambayad ng matrikula sa NCR.
Lalo pa itong pinatitindi ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Sunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin,
langis, presyo ng kuryente, at iba pa.
Kung tutuusin, sa kabila ng pagtaas na mga ito, walang makabuluhang dagdagsahod para sa mga manggagawa. Nakapako pa rin sa P419-456 ang minimum
wage sa NCR habang nasa P1,000 at papataas pa ang daily cost of living.
Mababatak ang badyet ng mga pamilya dahil sa pagtataas ng matrikulat bayarin
kasabay ng presyo ng mga bilihin. Marami ang di makakatapos ng pag-aaral,
malulubog sa utang ang mga pamilya, at sasahol ang kahirapang nararanasan
na ng mamamayan.
III.

SINO ANG NAKIKINABANG SA PAGTATAAS NG MATRIKULA AT IBA


PANG BAYARIN?

Sa kabila nang matinding paglabag sa karapatan sa eduksyon ng kabataan at


pagsahol ng kahirapan ng mamamayan, tila nagtatampisaw naman sa supertubo
at kita ang malalaking negosyante sa edukasyon.
Aabot sa milyon-milyon ang tubo ang ilang eskuwelahang notoryus sa tauntaong pagtataas ng bayarin. Kabilang dito ang Far Eastern University (P585
million), University of the East (P300 million), at Centro Escolar University (P248
million) na kumita ng milyon-milyon noong 2010 lamang.
Kung susumahin, aabot sa P3.45 bilyon ang pinagsama-samang kita ng UE, CEU,
at University of Perpetual Help noong 2003-2009 na kabilang sa Top 1,000
corporations ng bansa. Samantala, sa UST pa lamang, tinatantyang nasa P1
bilyon ang tubo ng pamantasan mula 2010 dahil sa tuition at iba pang bayarin.
Hindi nakakapagtaka na ang pinakamalalaking business tycoons at empire ay
nagmamay-ari o mayor na stockholder sa mga pamantasan:
1.
2.
3.
4.
5.
6.

Henry Sy (National University & Asia Pacific College)


Lucio Tan (University of the East)
Alfonso Yuchengo (Mapua)
Emilio Yap (CEU)
Aurelio Montinola ng BPI (FEU)
Pamilyang Laurel (Lyceum)

10 [P477.63 (nationwide tuition average) x 30 units] + P2,762 average other


fees = P17,090.00 / P125 = 136.73
11 P1007.09 NCR average tuition x 30 units + P1,232 average other fees = P31,
444.70 / P456 NCR minimum wage = 68.95 days

Sa kabila ng pangingikil ng malalaking negosyante na ito sa pamamagitan ng


sunud-sunod na pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin, nag-eenjoy naman
sila sa mga tax cuts, subsidies, at iba pang benepisyong binibigay ng gobyerno.
Hindi rin totoo na napupunta ang pagtataas ng tuition sa sahod at benepisyo ng
mga guro. Sa katunayan, ibat ibang taktika din ang ipinapatupad ng mga
pamantasan para huthutan din ng tubo ang ating mga guro. Kabilang dito ang
pagdadagdag ng teaching load nang walang kaakibat na dagdag-sweldo o kayay
sapilitang pagbabawas ng load para mabawasan ang sweldo. Nandiyan din ang
pagtatakda ng mga matataas na propesyunal na rekisito upang iwasan ang
pagbibigay ng dagdag sweldo
Habang naghihirap ang mamamayan, kumikita naman ang malalaking
kapitalista-edukador at pribadong mga nagnenegosyo sa edukasyon. Sa gitna ng
bilyon-bilyong kinikita ng mga ito, lalong walang dahilan para magtaas muli ng
matrikula at iba pang bayarin.
Kaya naman upang panatilihin ang ganitong kalakaran, mismong mga paaralan
na ito ay nagpapatupad din ng mga mapanupil na patakaran at pasistang iskema
sa loob ng mga pamantasan upang pigilan ang pagka-mulat, pagkaka-organisa,
at paglaban ng mga estudyante.
Nariyan ang pagbabawal sa pagsali sa mga organisasyong masa, pagbabawal sa
paglulunsad ng mga protesta, pagbabawal sa pagpapahayag ng kritisismo laban
sa mga polisiya ng administrasyon, pagkontrol sa mga student councils at
publications, pagsasampa ng mga kaso laban sa mga estudyanteng lumalaban,
at marami pang iba.
IV.

ANO ANG UGAT NG TAUN-TAONG PAGTATAAS?

Ang taun-taong pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin ay dulot ng


komersyalisado, kolonyal, at pasistang sistema ng edukasyon sa kabuuan at
sinusuhayan ng matitinding patakaran ng komersyalisasyon sa ilalim ng
gobyernong Aquino. Sa ilalim ng sistemang ito, ang edukasyon ay hindi
karapatan kundi isang pribilehiyo at negosyo ng iilan at dayuhan.
Sa ilalim ng gobyernong Aquino, ipinatupad ang CHED Memorandum 3 na lalong
nagpatindi ang garapal na paniningil ng matrikula at iba pang bayarin sa mga
pribadong paaralan. Ginawa nitong lehitimo ang taun-taong pagtataas ng
matrikula, miscellaneous, at iba pang kuwestyonableng fees. Ipinanukala nito na
anumang pagtataas na dumaan sa konsultasyon ay makatarungang singilin.
Ngunit sa katunayan, maski ang bogus nilang patakaran sa konsultasyon at
transparency ay nilalabag din nila. Talamak ang paglabag sa rekisitong 15 days
na anunsyo bago ang konsultasyon, paglalabas ng financial statement, at iba pa.
Tinatambalan din ito ng mga mapanupil na hakbang para pigilan ang paglaban
ng estudyante.
Maka-ilang ulit nang inamin ng CHED na wala itong anumang hakbangin upang
pigilan ang pagtataas ng matrikula at mga bayarin. Sa katunayan, patuloy na
pinapayagan at ipinagtatanggol ng CHED ang mga garapal na eskuwelahang ito.

Samantala, nasa balangkas din ng komersyalisasyon ang programang Roadmap


for Public Higher Education Reform (RPHER). Sa ilalim nito, pinatitindi ang kaltas
pondo sa SUCs at pag-engganyo ng pribadong negosyo upang pagkakitaan ang
pampublikong edukasyon. Itinutulak sa tuition and other fees increase, mga
kontrata ng serbisyo sa pribadong kumpanya, at pagpapagamit ng mga ari-arian
ng mga paaralan para sa negosyong pribado.
Kakaunti na nga ang pampublikong paaralan na maaaring puntahan ng mga
maralita, itinataas pa ang mga bayarin dito. Nais ding bawasan lalo ang bilang
ng mga ito sa pamamagitan ng pagtutulak sa ibang SUCs tungo sa pribatisasyon.
Sadyang binabawasan ang subsidy ng SUCs pagkakitaan ng pribadong negosyo.
Sa kabuuan, dahil na rin sa katangian ng lipunan bilang malakolonyal at
malapyudal, higit na pinatitindi ang komersyalisasyon dahil sa oryentasyon
kolonyal at pasista ng sistema ng edukasyon.
Kolonyal ang oryentasyon ng edukasyon dahil simulat sapul, nakatuon ang
sistema ng edukasyon sa balangkas ng papaano pakikinabangan ng dayuhan,
partikular ng Estados Unidos, ang likas-yaman, lakas-paggawa, at buong
ekonomiya ng bansa. Pangunahing tuon ng sistema ng edukasyon ang paglikha
ng malaking bilang ng mura at mapagsasamantalahang lakas-paggawa para sa
mga dayuhan. Laman ng mga patakarang isinusulong ng mga dayuhan ang
pagpapatindi ng komersyalisasyon ng edukasyon sa Pilipinas at sa buong mundo.
Malaki ang pakinabang ng iilan at dayuhan sa ganitong kalakaran kayat tinitiyak
din nitong nakagapos ang isipan ng kabataan sa pagiging kimi, sunud-sunuran, o
walang pakialam. Para sa mga namumulat at nagpapasyang kumilos, mapanupil
na mga patakaran naman ang ipinatutupad. Pasismo ang katumbas na katangian
ng edukasyon upang pigilin ang pagsulong ng lipunan tungo sa pag-unlad.
V.

ANO ANG DAPAT NATING GAWIN?

Malinaw na anti-estudyante, anti-mamamayan, at di-makatarungan ang


pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin. Pinatitindi nito ang kahirapan ng
mamamayan at ang paglabag sa karapatan sa edukasyon ng kabataan habang
bilyon-bilyon naman ang kinikita ng dayuhan at iilan.
Kinakailangang kumilos at lumikha ng malawak na pagkakaisa upang labanan at
biguin ang muling pagtataas ng mga matrikula! Gayundin, dapat kumilos upang
ibasura ang kasalukuyang sinisingil na iba pang bayarin sa paaralan.
Sa karanasan, sa tuwing tayoy magrereklamo, napabababa natin ang mga
bayarin ngunit pag tayoy sama-sama at malakihang kumikilos, nagtatagumpay
tayong pigilan at biguin ang mga ito.
Sa panimulang antas, dapat biguin ang mga mapanlokong konsultasyon ng
administrasyon at ng CHED. Malakas tayong magrehistro ng pagtutol sa mga
konsultasyon at maglabas ng mga pahayag. Lumikha ng pagkakaisa sa mga
kapwa-estudyante sa pamamagitan ng mga signature campaign, asembliya, at
mga kilos protesta.
Ipahayag natin sa CHED at gobyernong Aquino na tutol ang mga estudyante at di
makatarungan ang pagtataas ng matrikula. Igiit natin na dapat nila itong pigilan

at huwag pahintulutan. Magpadala tayo ng mga pahayag, complaints, at


protestahan natin ang kanilang mga opisina.
Ikasa natin ang malakihang mga walk-out sa ating mga pamantasan kung
patuloy na isusulong ng administrasyon at CHED ang pagtataas ng matrikulat
iba pang bayarin, kung di ipapatupad ang ating demands o kung tayoy susupilin.
Kung ipipilit pa rin ang pagpapatupad nito sa paparating na pasukan, sasagutin
natin ito ng buong-taong protesta sa pamantasan, kikilos tayo upang ibasura
komersyalisadong patakaran sa edukasyon at mananawagan ng pagpapatalsik
sa inutil na gobyerno ni Aquino.
Ang kapangyarihan upang isakatuparan ang sustinidong paglaban na ito ay
nakasalalay sa sama-sama at organisado nating pagkilos. Madaling magagapi
ang ating hanay kung hiwa-hiwalay, disorganisado, at buhaghag ang ating mga
paglaban. Kinakailangang sumali, itatag, palawakin, at palakasin ang mga
organisasyong masa, tulad ng Anakbayan, na nangunguna sa paglaban nito. Sa
pamamagitan ng chapters ng Anakbayan, iba pang organisasyon, student
council, publications ay lumikha ng malawak na pagkakaisa ng mga estudyante
para sa pagkakasa at pagtatagumpay ng ating kampanya at paglaban.
Sa huli, kinakailangan ding kumilos para sa pagbabago ng malakolonyal at
malapyudal na lipunan upang ganap na wakasan ang komersyalisado, kolonyal,
at pasistang sistema ng edukasyon. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng
pambansa-demokrasya na may sosyalistang perspektiba makakamit natin ang
edukasyong makabayan, siyentipiko, at maka-masang para sa kabataan at
mamamayan.
VI.

ANO ANG ATING PANAWAGAN?

Labanan at biguin ang pagtataas ng matrikula!


Ibasura at itigil ang paniningil ng mga dagdag-bayarin!
Labanan ang komersyalisado, kolonyal, at pasistang sistema
edukasyon!
Isulong ang makabayan, siyentipiko, at maka-masang edukasyon!

ng

APPENDIX

The cost of education in the University Belt


(from GMA news online special report by TJ Dimacali and AM Marzoa,
posted May 1, 2013
http://www.gmanetwork.com/news/story/306360/news/specialreports/infographic
-the-cost-of-education-in-the-university-belt last accessed 15 February 2014)

UNIVERSITY

MIN
COST/TERM

ACAD
SCHED

MIN
MIN
UNITS
COST/UNI
/TER
T
M

MIN
MISC.
FEES

Adamson University

31,973 Semestral

1,105

23

3,700

Arellano University

17,195 Semestral

520

18

7,835

Centro Escolar University

33,290 Semestral

652

25

16,025

Colegio de San Juan de


Letran

32,246 Semestral

1,062

20

5,155

College of the Holy Spirit

Semestral

904

De La Salle - College of
St. Benilde

72,000 Trimestral

2,275

18

12,926

De La Salle University

56,600 Trimestral

2,250

19

6,100

De Ocampo Memorial
College

23,512 Semestral

654

26

6,519

Emilio Aguinaldo College

29,663 Semestral

669

23

14,276

Eulogio "Amang"
Rodriguez Institue of
Science and Technology

5,790 Semestral

100

24

3,390

FEATI University

50,000 Semestral

1,210

24

16,320

FEU - East Asia College

17,310 Trimestral

1,339

19

5,311

Far Eastern University

35,972 Semestral

1,354

23

7,497

La Consolacion College

29,000 Semestral

966

20

7,801

Lyceum of the Philippines


University

30,278 Semestral

1,170

18

9,218

Manuel L Quezon
University

22,281 Semestral

670

23

6,871

Mapua Institue of
Technology

25,105 Quarterly

1,500

14

7,705

Mary Chiles College

29,000 Semestral

677

23

7,000

National Teachers College

14,400 Semestral

380

18

2,970

National University

28,253 Semestral

794

18

8,629

PMI Colleges

16,832 Semestral

386

25

2,850

Pamantasan ng Lungsod
ng Maynila

8,000 Semestral

242

21

1,830

Perpetual Help College of

19,998 Semestral

22

Manila
Philippine Christian
University

26,410 Semestral

525

24

9,250

Philippine College of
Criminology

26,639 Semestral

693

23

4,715

Philippine College of
Health Sciences

16,800 Semestral

26

3,000

Philippine Normal
University

2,000 Semestral

35

15

850

Philippine School of
Business Administration

28,885 Semestral

975

25

3,050

Philippine Women's
University

26,767 Trimestral

828

21

6,293

550 Semestral

12

24

276

Polytechnic University of
the Philippines
STI Recto

17,590 Semestral

620

18

950

San Beda College

49,533 Semestral

1,518

25

11,583

San Sebastian College

35,499 Semestral

999

21

3,995

Santa Isabel College


Manila

Semestral

St. Paul University Manila

Semestral

St. Scholastica's College


Manila

60,000 Semestral

1,708

26

8,000

Technological Institute of
the Philippines

25,700 Semestral

835

20

7,664

Technological University
of the Philippines

6,950 Semestral

50

23

2,455

18,773 Semestral

1,000

15

1,950

0 Semestral

21

13,000 Semestral

327

23

1,920

1,138

18

6,104

UP Manila
Universidad de Manila
University of Manila
University of Sto. Tomas
University of the East

Semestral
35,000 Semestral

You might also like