You are on page 1of 2

X.

Activity Sheets
Maari itong ipagawa kung mayroon pang sapat na oras. Maari naman itong
Gawing assignment kung nagkukulang na sa oras

XI.

Game Mechanics

1.A Bowl of Prayers


Hatiin sa dalawang grupo ang mga manlalaro. Maghanda ng dalawang malaking
sulyaw. Doon ilubog ang mga papel na may ibat ibang panalangin at lagyan ito ng
harina. Kung ang magkabilang grupo ay may tiglilimang miyembro, isa-isa silang hihip
sa sulyaw para makuha ang papel, ganun din ang kasunod , para matapos nila ang
laro. Paunahang mabuo ang panalangin at basahin ito ng malakas.
2.Go on Praying (Submerge ourselves to God)
Magbuo ng dalawang grupo at maghanda ng dalawang batya o palanggana.Punuin ito
ng tubig at ilubog doon ang mga rubber bands na may ibat ibang kulay. Ang bawat
miyembro ay bibigyan ng pagkakataon na binguitin at ipunin ang mga ito. Ang bawat
kulay ng rubber band ay lagyan ng katumbas na puntos. Ang may pinakamalaking
puntos ang idedeklarang panalo.
3.A Way of Prayer
Pumili ng mga manlalaro hatiin sa dalawang grupo na mayroong pitong kasapi sa
bawat grupo. Magdikit sa sahig ng art paper na may kulay itim, berde, dilaw,pula,orange
at asul. Gawin din ito sa kabilang grupo. Ihanda ang mga miyembro, ang unang
pipiringan ang siyang unang bubunot. Hindi niya dapat makita ang kulay na bubunutin ,
isa sa mga kagrupo kagurpo ang maggagabay para maabot niya ang tamang kulay ng
artpaper na kanyang tutungtungan. Ang bawat papel na binunot ay may ibig sabihin
patungkol sa panalangin. Basahin muna ito sa nakapiring bago siya umalis sa puwesto.
Sa ikalawang pagkakataon pabunutin ang ikalawang kalahok at gawin ulit hanggang
mabuo ang mga art papers.Ang unang makabuo ang siyang panalo.
4.Prayer Cup
Maghanda ng 20 cups. Hatiin sa dalawa, ibigay sa bawat grupo. Sa mga cups
nakasulat ang memory verse. Idikit na mabuti. Gagawa ang mga bata ng pyramid sa
pamamagitan ng cups. Dapat makitang nakayos din ang mga salita sa cups, ayon sa
tamang pagkakasunodsunod nito. Ang grupong unang makatapos ang siyang panalo.
5.Text GOD ( Intermediate Level)
May mga letters na scrambles simula letrang A-Z at word na send, dalawa ang gawin
para sa dalawang grupo. Ang grupo ay magbibigay ng salita at dapat hanapin ang
tamang spelling , buuin ito at i-press ang send kapag sigurado na sa sagot. Ang grupo
na mauna at makakuha ng tama ang siyang panalo.

6.Whisper a Prayer
Kagaya ito ng pass the message. Tungkol sa panalangin ang maaring gamiting
mensahe. Ang maunang makakasagot ng tama ang panalo
7.Popcorn Prayer
Maaring individual, mayroon silang kanya kanyang basket na paghahagisan ng
crumpled paper. Maaring ang crumpled paper ay may nakasulat na personal na
panalangin. Ihahagis nila ito sa basket. Magsisimula sila sa malayo hanggang sila ay
palapit ng palapit. ( Maaring ihalintulad ang basket bilang ang Panginoon. Mas malapit
sila sa Diyos mas madali nilang maabot Siya)
8.Tug of War
Ang lubid na gagamitin ay dikitan ng pahalang na papel o ng ribbon na nakasulat ang
salitang Panalangin. Ang may pinakamaraming makakakuha na papel o ribbon ang
siyang panalo.
9.Oo Hindi Maghintay
Maghanda ng mga katanungan. Ang bawat katanungan ay may eksaktong sagot na OO
HINDI o MAGHINTAY. Sa kanilang pagpili, kailangan nilang tapatan ang kanilang
gusting sagot. Ang pinakahuling maiiwan ang siyang panalo.

XII. Panalangin
Dios Ama sa langit, ikaw po ang pinakamakapangyarihan.
Salamat po sa pagtuturo mo sa amin ng tamang panalangin.
Salamat po sa bugtong mong anak na aming Panginoon at
Tagapagligtas. Maisabuhay po naming ang tumawag sa iyo
palagi. Salamat po sa pangalan ni Hesus. Amen.

Note: Pwede pong palitan, baguhin,bawasan o dagdagan para sa kapurihan ng Dios at


kapakinabangan ng mga bata.

You might also like