You are on page 1of 11

College stude grinipuhan ng 2 holdaper

Ni Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) | Updated December 30, 2014 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines Sugatan ang 17-anyos na 1st year college student matapos itong
saksakin ng dalawang holdaper ay tinangay pa ang hiniraman na traysikel sa Barangay
Marawa, bayan ng Jaen, Nueva Ecija noong Linggo ng gabi.
Kasalukuyang ginagamot sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City ang biktima na
si RJ Javier ng Barangay San Isidro, bayan ng Zaragoza, Nueva Ecija.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagmamaneho ng traysikel ang biktimang patungo sa bayan ng
Jaen nang parahin siya ng isang lalaki at babae pagsapit sa Barangay Carmen sa bayan ng
Zaragoza.
Nakiusap ang dalawa na makikisabay patungo sa Barangay Marawa kaya pinaunlakan ng
biktima ang pakiusap.
Subalit nagdeklara ng holdap ang dalawa pagsapit sa nasabing barangay kung saan inundayan
ng saksak ang biktima.
Kahit sugatan ay nagawang makatakbo ng biktima na iniwan ang hiniram na traysikel kung
saan tinangay naman ng dalawang holdaper.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Read more: http://www.philstar.com/bansa/2014/12/30/1407751/college-stude-grinipuhan-ng-2holdaper#ixzz3SP6UC95m

Lola nagbigti sa kahirapan


Ni Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) | Updated March 23, 2013 - 12:00am

CAVITE, Philippines Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 62-anyos na lola na


sinasabing hirap na sa kabuhayan matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay
Malainen Bago, bayan ng Naic Cavite kahapon ng umaga. Bandang alas 5:30 ng umaga nang
madiskubre ang bangkay ng biktimang si Adoracion Oliveros na isang barangay health worker.
Ayon kay PO1 Mark Allan Arcusa, ikatlong beses nang nagtangkang magpakamatay ang
biktima na lagi namang naaagapan. Pinaniniwalaang nahirapan na ang biktima sa pag-aalaga
sa kanyang 80-anyos na mister na sinasabinghmay matinding karamdaman kaya nagdesisyong
salubungin si kamatayan.

Read more: http://www.philstar.com/probinsiya/2013/03/23/922871/lola-nagbigti-sakahirapan#ixzz3SP6uq86n

Ama grinipuhan ng anak, patay


(Pilipino Star Ngayon) | Updated December 22, 2014 - 12:00am

CEBU, Philippines Napatay ang 62-year-old na ama makaraang pagsasaksakin ng kanyang


anak na sinasabing may sakit sa pag-iisip noong Biyernes ng umaga sa Sitio Adelfa, Barangay
Poblacion Pardo sa Cebu City, Cebu.
Naisugod pa sa Cebu City Medical Center subalit idineklarang patay ang biktimang si
Raymundo Abellanosa Sr. habang nasakote naman ang suspek na si Raymundo Abellanosa Jr.
na kapwa nakatira sa nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na inihahanda ng biktima ang mga pagkain para sa pagaaring karinderya nang lapitan at pagsasaksakin ng kanyang anak na walang anumang dahilan.
Ayon kay SPO4 Rey Cuyos, ang suspek ay sinasabing dumaranas ng nervous breakdown at
hindi nakatulog bago isagawa ang pananaksak.
Nabatid na simula pa noong 2010 ay naging problema ng mga magulang ang suspek dahil sa
sinasabing sakit sa pag-iisip.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek habang inihahanda na ang kaukulang kaso para isampa
sa korte. Freeman News Service

Read more: http://www.philstar.com/probinsiya/2014/12/22/1405197/ama-grinipuhan-ng-anakpatay#ixzz3SP75MntZ

Kelot grinipuhan sa kumbento, tepok


PATAY ang isang lalaking magtitirik ng kandila makaraang saksakin ito sa kumbento ng Bgy.
San Vicente sa bayan ng Dulag, Leyte.
Kinilala ang biktima na si Romeo Cordero, 50, ng Bgy. San Vicente sa nasabing bayan habang
ang suspek ay kinilalang si Julio Dunuga, 46, ng Bgy. Rawis Dulag.
Batay sa report ng Dulag PS, magtitirik sana ang ng kandila ang biktima sa kumbento nang
biglang lapitan ng suspek at agad na sinaksak.
Agad itong binawian ng buhay sa ospital dahil sa dami ng dugong nawala.
Napag-alamang personal na galit ang motibo sa pagpatay sa biktima.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng mga kapulisan ang suspek at nahaharap sa kasong
murder.JOHNNY ARASGA

Sekyu dinedo ng kabaro


Ni Ricky T. Tulipat (Pilipino Star Ngayon) | Updated February 18, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines Utas ang isang security guard makaraang barilin ng isa ring
sekyu dahil sa pagtatalo sa kanilang duty sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang
biktima ay nakilalang si Victor Abadina, ng Marvan security Agency at residente ng
Pajo St., Project 2 sa lungsod.
Arestado naman ang suspect na si Melquisedec Talaboc, 25, ng Caloocan City.Sa
pagsisiyasat ni PO3 Butch Guerrero, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa
may Lyric Olano Florentina Bldg. sa Brgy. Paang Bundok, La Loma sa lungsod, ganap
na alas-8 ng gabi.
Bago insidente, sinasabing nagtalo umano ang dalawa dahil sa kanilang mga duty kung
saan madalas umanong nale-late ang suspect na ikinagagalit ng biktima.
Sa gitna ng pagtatalo, biglang nagbunot ng baril ang suspect saka pinaputukan ang
biktima na tinamaan sa balikat.

Bagamat sugatan, nagawang makatakbo ng biktima patungo sa isang mamihan pero


sinundan pa siya ng suspect at muling binaril sa ulo na siyang ikinamatay nito.
Samantala, nakarating naman agad sa tropa ng Police Station 1 ang insidente at agad
na rumesponde na siyang dahilan para madakip ang suspect, saka itinurn-over sa
himpilan ng CIDU.

2 anak dinedo ng nanay


Ni Rhoderick Beez (Pilipino Star Ngayon) | Updated February 5, 2015 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-utol na


bata matapos gilitan at sakalin ng sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Barangay
Hipgos, bayan ng Lambunao, Iloilo kamakalawa.
Ayon kay Renante Lasanas, ama ng mag-utol, ikinagulat na lang nito na naliligo sa
sariling dugo ang kanyang mga anak nang datnan sa kanilang bahay.
Ang walong-taong gulang na anak na babae at Grade 2 pupil ay may ginilitan habang
sinakal naman ng ina ang lalaking anak na nasa kinder pa lamang.
Ang asawa naman ni Renante ay nakahandusay din at may sugat sa leeg matapos
magtangkang magpakamatay.
Narekober sa crime scene ang matalim na karit na pinaniniwalaang ginamit ng ina sa
pagpatay sa kanyang mga anak.
Nagtangka naman magpakamatay ng ina subalit naisugod kaagad sa ospital.

Read more: http://www.philstar.com/probinsiya/2015/02/05/1420266/2-anak-dinedo-ngnanay#ixzz3SP98jpWV

Lalaki kinarne
NAKARATAY sa pagamutan ang isang ama ng tahanan matapos saksakin ng lasing na
kapitbahay habang ito ay nagpapahangin sa labas ng kanilang tahanan sa Navotas City.
Ang biktima na inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng mga
saksak sa katawan ay nakilalang si Vergilio Tilan, 49, ng 138 A. Cruz st., Brgy. Tangos ng
nasabing lungsod.
Agarang inatasan ni Supt. Bernard Tambaoan ang mga tauhan na dakpin ang suspek na si Mio
Baluyot, kapitbahay ng biktima, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Edwin Guzman, naganap ang insidente dakong 10:30 ng gabi sa
harapan mismo ng bahay ng biktima.
Ayon sa mga imbestigador, lumabas ang biktima upang magpahangin nang dumaan ang lasing
na suspek na kaagad nagbunot ng patalim at nang-unday ng saksak. Roger Panizal

Kelot kinarne saka niluto

Tuesday, 27 January 2015 00:00

Written by (Noel Abuel)

Published in Abroad

Featured

Kalunus-lunos ang sinapit ng isang negosyante sa bansang Tanzania na matapos pagtulungang patayin
ay niluto pa ang ilang bahagi ng katawan nito sa nasabing bansa. Ayon sa ulat ng Agence France Presse
(AFP), nakilala ang biktima na si Richard Madirisha, 31, isang local leader sa nasabing bansa.

kalalakihan ang biktima sa loob ng pagawaan ng kutsilyo sa katimugang bahagi ng Katavi region sa
silangan ng African nation dahil sa umanoy pagkakasangkot nito sa pakikiapid na mahigpit na
ipinagbabawal sa kanilang bansa.limangnginatakeSinasabing

Dito ay pingatulungan ng mga suspek ang biktima bago pinugutan ng ulo at pinutol din ang magkabilang
paa nito at kamay gayundin ang maselang bahagi ng katawan.

Sa naging pahayag ni Dhahiri Kidavashari, local police chief, sinasabing natuklasan na niluto ang ilang
bahagi

ng

katawan

ng

biktima

sa

labas

ng

tahanan

nito.

Tatlo sa mga suspek ang hawak na ng pulisya at isinasailalim sa imbestigasyon.

Esmi inihagis ng esposong nahuli sa


kandungan ng iba
(Amihan Sabillo)
Kalaboso ang isang mister matapos nitong pagmalupitan ang kanyang asawa at inihagis sa
labas ng bahay nang komprontahin siya nito hinggil sa kanyang pangangabit at pagkakasaksi
sa pagsiping ng mister sa kanilang silid kasama ang babae nito sa Gumaca, Quezon.
Ayon kay PO2 Girlie Paloma, may-hawak ng kaso mula sa Gumaca Police Station,
pinangalanan ang suspek na si Marc.
Dakong ala-una ng madaling-araw nitong Miyerkules nang maaktuhan ng ginang na si Jackie
ang kanyang mister na may kasiping na iba sa kanilang silid.
Agad umanong kinompronta ni Jackie ang asawa kasama ang babaeng kanilang kapitbahay,
bagay na ikinagalit ng kanyang mister kung saan sinakal ang biktima at inihagis sa labas ng
bahay.
"Wala kang karapatang pumasok sa bahay, hiwalay na tayo!" ito umano ang ilan sa mga singhal
at sigaw ng suspek sa biktima.

Misis tinusok sa selos


(Amihan Sabillo)
Pinoy na pumatay ng esmi wanted sa Canada
Kritikal ngayon sa isang pagamutan ang isang pastora matapos itong saksakin ng kanyang
asawa dahil sa selos sa General Santos, City kahapon.
Base sa report na dumating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Annie Aragoncillo, ng
Bgy. Labangal, General Santos City habang ang mister nitong suspek ay nakilalang si Diamo
Aragoncillo, nasa wastong gulang, at residente ng nabanggit ding lugar.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng Philippine National Police (PNP) na nangyari ang insidente
dakong alas-tres ng madaling-araw kahapon sa bahagi ng Pioneer Ave., GenSan kung saan
nagtitinda ang biktima.
Dumating umanong lasing na lasing ang suspek at agad na kinumpronta ang biktima ukol sa
palagi nitong pagsama sa isa pang pastor na lalake sa kanilang simbahan na nakiusap na
huwag ng banggitin pa ang kanilang relihiyon.
Sa galit umano ng lasing na suspek ay tuluyan nitong nasaksak sa kaliwang kili-kili ang biktima
at matapos ang pananaksak ay tila nahimasmasan umano at ito pa ang nagsugod sa
pagamutan sa kanyang asawa.
Sa ngayon hinihintay pa ang desisyon ng biktima kung tuluyan nitong sasampahan ng kaso ang
kanyang selosong mister.

Kelot kinarne saka niluto

Tuesday, 27 January 2015 00:00

Featured

Written by (Noel Abuel)

Published in Abroad

Kalunus-lunos ang sinapit ng isang negosyante sa bansang Tanzania na matapos pagtulungang patayin
ay niluto pa ang ilang bahagi ng katawan nito sa nasabing bansa. Ayon sa ulat ng Agence France Presse
(AFP), nakilala ang biktima na si Richard Madirisha, 31, isang local leader sa nasabing bansa.

kalalakihan ang biktima sa loob ng pagawaan ng kutsilyo sa katimugang bahagi ng Katavi region sa
silangan ng African nation dahil sa umanoy pagkakasangkot nito sa pakikiapid na mahigpit na
ipinagbabawal sa kanilang bansa.limangnginatakeSinasabing

Dito ay pingatulungan ng mga suspek ang biktima bago pinugutan ng ulo at pinutol din ang magkabilang
paa nito at kamay gayundin ang maselang bahagi ng katawan.

Sa naging pahayag ni Dhahiri Kidavashari, local police chief, sinasabing natuklasan na niluto ang ilang
bahagi

ng

katawan

ng

biktima

sa

labas

ng

Tatlo sa mga suspek ang hawak na ng pulisya at isinasailalim sa imbestigasyon.

tahanan

nito.

DON'T MISS
Globe launches biggest mobile recycling program in PH to create e-waste awareness
Anne Curtis may pagnanasa kay Luis Manzano
Palasyo nag-sorry sa mga proyekto ng DPWH
2 pulis, nagbarilan sa away-trapiko
Handa ka na bang mag-asawa?
Asia Communications Awards hails Globe Community as Best Customer Service Initiative
48,000 runners eyed in PhilHealths Anniversary Run
Urban Generation: Best buys for trendy outfits
A Journey to Wonderful
Papal Visit on the spot stamps design contest held

Search s
Home > Breaking News > Sawi sa pag-ibig: Kelot nagpasagasa sa tren, sugatan

Sawi sa pag-ibig: Kelot nagpasagasa


sa tren, sugatan
TINANGKANG wakasan ng isang lalaki ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagpapasaga
sa tren sa Taguig City.
Sa report sa radyo kaninang umaga, kinilala ang biktima na si Anjo Barriento na masuwerteng
nagtamo lamang ng mga galos sa mukha at mga braso.
Malapit sa istasyon ng tren naganap ang tangkang pagpapakamatay ng biktima kaya naman
wala pa sa full speed ang papaalis na tren.
Sa report, sinabi na ayon sa kaanak ng biktima ay ilang araw na itong naglalasing buhat ng
kalasan ng nobya noong Pebrero 22.
Tutulungan naman ng PNR ang biktima sa kanyang pagpapagamot kahit pa anila ay wala silang
kasalanan dahil ang biktima naman ang nagtangkang magpakamatay.

You might also like