You are on page 1of 2

Horoscope

*Note from editor- idadagdag ko lang yung panimula. Aniway,


bahala ka kung gusto mo isama HAHA ilagay niyo yung dates
nung bawat sign kasi di ko alam.*
Magandang bati sa inyo mga mambabasa! Narito ako, si Madam Mayaman, upang
ibigay sa inyo ang nababalot na mensahe sa mga tala ng Noli Me Tangere.
Padre Damascorpio
Di ka magpapatalo sa bawat diskusyon at mataas ang kumpyansa mo sa sarili. Kahit mabilis
kang mainis sa maliit na bagay, iginagalang ka pa rin ng mga tao at lahat ng sinasabi mo. Maging
maingat sa mga salita at gawa at baka mabuking ang mga sikreto.

Maria Clancer
Makikita mo ang kagandahan sa ibat-ibang bagay at napupuno ka ng pagmamahal ng mga tao sa
paligid mo. Ikaw ay madalas kagiliwan at madali mong mapapalapit sayo ang kung sino mang
nais mo. Sanay ka rin na ikaw ang napapansin ng karamihan.

Kapitan Tiagemini
Bagamat tama ang mga intensyon mo, mag-ingat dahil maaring mali ang kalabasan ng mga ito.
Dahilan nito ang mga maling akala. Mabilis kang maiimpluwensiyahan ng ibang tao. Katangian
mo ang pagiging mapagmahal at responsable.

Tenyente Guevaries
Isa kang taong naniniwala sa hustisya at katotohanan. Ginagawa mo ang tama kahit alam mong
hindi maganda ang dulot nito sa iyo. Higit sa lahat, isa kang matapat na kaibigan at
responsableng lider.

Crisostomo Libarra
Biniyayaan ka ng talino at bukas na isip upang malaman kung ano ang dapat gawin sa isang
sitwasyon. Hinahangaan ka ng karamihan dahil sa pagsasakatuparan ng iyong mga bisyon.
Matulungin ka kaya marami rin ang maaring tumulong sayo, ngunit mag-ingat dahil baka
lapitan ka ng disgrasya.

Piscelias

Marunong kang tumanaw ng utang na loob at hindi ka naghahangad ng kasikatan. Maparaan ka


at madiskarte sa mga bagay-bagay. Isa sa katangi-tangi mong katangian ay ang pagsasakripisyo
para sa iba. Alalahanin mo rin ang mga tao sa paligid mo na pinagwawalang-bahala mo lang.

Padre Salvirgo
Tahimik at misteryoso, napupukaw mo ang interes ng karamihan. Hindi madaling malaman ang
itinatago mo dahil ikaw ay masikreto. Madalas kang hamakin dahil sa panlabas na anyo ngunit
hindi nito masusukat ang iyong kakayahan magimpluwensiya.

Padre Sibyleo
Mahusay kang magsalita at madali mo naipagtatanggol ang paniniwala mo. Biniyayaan ka rin ng
talino at malawak na isip para malaman kung kailan dapat magsalita. Mag-ingat sa mga pag-ibig
na natatamo dahil minsan, itoy hindi karapat-dapat.

Donya Victorinaquarius
Matayog kang mangarap at mahilig ka sa mga magagarang bagay. Lagi mong gusto na nasa uso
ka dahil hangad mong makuha ang respeto ng nakararami ngunit wag itaas masyado ang tingin
sa sarili.

Sisagittarius
Napakabuti at inosente, kaya mong tiisin ang lahat ng paghihirap para sa iyong mahal. Kaya
mong isakripisyo ang sariling kasiyahan at kapakanan para sa iba. Sa kasawiang palad marami
ang maaaring umabuso sa kabutihan mo.

Pilosopo Taurus
Marami kang pananaw sa buhay na taliwas sa ibang tao, ngunit hindi ka sumusuko sa sarili mo
prinsipyo. Isinasabuhay mo kung anuman ang tama para sa iyo. Mabilis mong nakikita ang
kamalian sa isang lipunan.

Donya Capricornsolacion
Malakas ang kumpyansa mo sa iyong sarili. Kaya among paniwalain ang sarili sa kung ano man
ang gusto mong kalabasan. Kaya mo rin mabuhay sa isang pantasya. Wag palakihin ang ulo dahil
tao ka lang din tulad ng iba.

You might also like