You are on page 1of 2

7 Keys to

Spiritual Renewal

Family Devotion : April 29,2015


Proverbs 6:
Mga Dagdag na Babala
v20Aking anak, utos nga ng ama mo ay sundin,
huwag mong tatalikuran, turo ng inang giliw.
v21Sa puso mo ay iukit, at itanim mo sa isip.
v22Pagkat ang aral na ito sa iyo ay patnubay,
sa pagtulog mo ay bantay, sa paggawa ay alalay.
v23Pagkat ang utos ay ilaw, ang turo ay tanglaw,
at daan ng buhay itong mga saway.
v24Ilalayo ka nito sa babaing masama,
sa mapang-akit niyang salita ngunit puno ng daya.
v25Huwag mong nanasain ang ganda niyang taglay,
ni huwag paaakit sa tingin niyang mapungay.
v26Babaing masama'y maaangkin sa halaga ng tinapay,
ngunit bunga'y kasamaan sa buo mong pamumuhay.
v27Kung ang tao ba'y magkandong ng apoy,
kasuotan kaya niya'y di masusunog niyon?
v28Kung ang tao ay tumapak sa uling na nagbabaga,
hindi kaya malalapnos itong kanyang mga paa?
v29Ganoon din ang taong sisiping sa asawa ng kapwa,
tiyak siyang magdurusa pagkat ito ay masama.
v30Ang sinumang magnakaw ay tiyak na nagkasala,
kahit iyon ay pamawi sa gutom na taglay niya.
v31Ang bayad ay makapito kung siya'y mahuli,
ang lahat niyang pag-aari ay kulang pang panghalili.
v32Ngunit ang nangangalunya ay isang taong mangmang,
sinisira ang sarili, buhay niya at pangalan.
v33Ang tangi niyang mapapala ay pahirap sa sarili,
ang kanyang kahihiyan, hindi na niya mababawi.
v34Sapagkat ang panibugho sa tao ay nag-uudyok,
ang puri nga ay ibangon, kahit buhay ay malagot.
v35Wala kang itutumbas para kamtin ang patawad,
kahit gaano pa kalaki ang sa kanya ay ibayad.

Introduction
Key #1: Seek God & Surrender To Him
(Part3)
(Hanapin Ang Diyos At Sumuko Sa Kanya)
v22Hindi ninyo kilala ang inyong sinasamba, ngunit kilala namin ang aming sinasamba,
sapagkat ang kaligtasan ay nagmumula sa mga Judio.
(Juan 4:22)

Surrendering & Knowing God


I.

God is Mysterious & God is Revealed


(Mahiwagang Diyos & Diyos Na Ipinakilala)
Isaiah 55:8-9
v8Ang sabi ni Yahweh,
"Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan,
ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan.
v9Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa,
ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan,
at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.
John 1:18
v18Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na
nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.
1

II. God Is Our Creator


Awit 139:13-18
v13Sapagkat hinubog mo ang aking mga nasa loob na bahagi,
at sa bahay-bata ng aking ina ako'y iyong hinabi.
v14Ako'y magpapasalamat sa iyo
sapagkat ang pagkagawa sa akin ay kakilakilabot at kamanghamangha.
Ang iyong mga gawa ay kahangahanga;
at iyon ay nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
v15Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo,
nang ako'y lihim na ginagawa,
mahusay na binuo sa kalaliman ng lupa.
v16Nakita ng iyong mga mata ang aking wala pang anyong sangkap;
at sa iyong aklat bawat isa sa mga iyon ay nakasulat,
ang mga araw na sa akin ay itinakda,
nang wala pang anuman sa kanila.
v17Napakahalaga sa akin ng iyong mga pag-iisip, O Diyos!
Napakalawak ng kabuuan ng mga iyon!
v18Kung aking bibilangin, ang mga iyon ay marami pa kaysa buhangin.
Kapag ako'y nagigising, ako'y kasama mo pa rin.

III. God Is Good


Jeremias 29:11-13
. v11Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi
ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa
inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa. v12Kung maganap na ito, kayo'y
tatawag, lalapit, at dadalangin sa akin, at diringgin ko naman kayo. v13Kapag hinanap
ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin.

IV.

God Is Love: (1 Juan 4:7-10)


v7Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang
bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. v8Ang hindi umiibig
ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. v9Inihayag ng
Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang
kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. v10Ito
ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at
isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang
ating mga kasalanan.

V.

God Is Just: (Roma 2:1-3,6)


v1Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan.
Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ikaw na
humahatol ay gumagawa rin ng ganoon. v2Nalalaman nating makatarungan ang hatol
ng Diyos laban sa mga gumagawa ng mga iyon. v3Akala mo ba'y makakaiwas ka sa
parusa ng Diyos kung hahatulan mo ang mga gumagawa ng masasamang gawaing
ginagawa mo rin naman? v6Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa
kanilang mga ginawa.
Mga Tanong Sa Talakayan:
1. Ano ang iyong mga hakbang na ginagawa upang lalo mo pang makilala ang
Diyos?
2. Maliban pa sa iyong katawan, ano pa ang sapalagay mo ang lubos na kahanga
hangang ginawa ng Diyos?
3. Anong pangyayari sa buhay mo na nasabi mong napakabuti ng Diyos
o napasigaw ka ng God is Good!?
4. Kailan o saan mo lubusang naramdaman ang pag-ibig ng Diyos?
5. Magbibigay ng pagkakataon na nagtatanong ka na tungkol sa pagiging
makatarungan ng Diyos?
6. Base sa ating pag aaral, ano ang iyong isasagot sa taong nagtatanong:
Bakit pinapahintulutan ng Diyos ang mga Kalamidad? Kahirapan? Terrorismo?
7. Ikaw bilang mananampalataya, ano ang iyong maibabahagi upang malunasan ang
mga problema nakasaad sa tanong number 6.
2

You might also like