You are on page 1of 2

Ang Kahalagahan ng Pagkasugo ng mga Apostol

Ptr. Osie Quillao


Gaano kahalaga na sampalatayanan ang Kanyang mga isinugo? Sumagot si Jesus at sa
kanila'y sinabi, Ito ang gawa ng Dios, na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo. Juan 6:29
Gawa pala ng Dios yaong ang tao ay paniwalaan ang Kanyang mga sinugo at kung
paniwalaan ng tao ang Kanyang mga isinugo ay magagawa ng tao ang gawa ng Dios
sapagkat ang itinuturo ng mga sugo ng Dios ay ang kalooban ng Dios. Ang nakikinig sa
inyo, ay sa akin nakikinig: at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang
nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki'y nagsugo. - Lucas 10:16
Kaya ang diablo ay nagnanais na sirain at tutulan ang pagsusugo ng Dios at ito'y hindi
pahalagahan. Sa ngayon ang tao ay mabigo sa paggawa ng kalooban ng Dios, sapagkat ang
pagtatakwil sa sugo ng Dios ay pagtatakwil sa Dios.
Gaano kahalaga ang mga sugo ng Dios? 1. Sila'y mahalaga sa pagtatamo ng kaligtasan ng
tao
Paraan ng Dios na ang pagliligtas ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa evangeliong
ipinapangaral.
Sapagkat yamang sa karunugan ng Dios ay hindi nakilala ng sanlibutan ang Dios sa
pamamagitan ng kaniyang karunungan ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga
nagsisisampalataya sa pamamagitan ng pangangaral - 1 Corinto 1:21
Kung walang isinugo ang Dios, walang pangangaral at kung walang pangangaral, wala ring
pagliligtas. Kaya bahagi o tungkulin ng mga sugo ng Dios ang ipangaral ang evangelio
upang ang sasampalataya ay magtamo ng kaligtasan mula sa Dios. Ang mga sugo lamang
ng Dios ang may karapatang mangaral ng evangelio (Roma 10:14-15).
2. Sila ang kasangkapan ng Dios upang ang tao ay ipakipagkasundo sa Kanya
Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namanhikan ang Dios sa
pamamagitan namin; kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y
makipagkasundo sa Dios
- 2 Corinto 5:20 Ang taong hiwalay kay Cristo ay patay dahil sa pagsalangsang (Efeso 2:1, 1
Timoteo 5:6, Mateo 8:22). At ang tao ring hiwalay kay Cristo ay kaaway ng Dios dahilan sa
kasalanan (Colosas 1:21). Ang ang hiwalay kay Cristo, ayon sa Efeso 2:12, Na kayo nang
panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga
taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa
sanglibutan.
Maliwanag na ang taong hiwalay kay Cristo ay hindi magtatamo ng pangako ng Dios na ito'y
ang buhay na walang hanggan (1 Juan 1:25). Kaya sa pamamagitan ng mga sugo ng Dios
sila ay nailalapit sa Panginoon. Sila ang may dala ng mensahe ng pagkakasundo ( 2 Corinto
5:19).
3. Sila ay mahalaga sa wastong paglilingkod ng tao sa Dios
Hindi lamang sapat na ang tao ay maging tapat na tagapaniwala.
Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa
kanila, upang sila'y mangaligtas.
Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi
ayon sa pagkakilala.
- Roma 10:1-2
Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang
pinakaaral ng mga utos ng mga tao. Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong
pinanghahawakan ang sali't-saling sabi ng mga tao.
- Marcos 7:7-8
Kaya maging si Cristo man at ang Kanyang mga apostol ay pinaalalahanan ang Kanyang
mga alagad na mag-iingat sa aral ng mga hindi isinugo (Mateo 16:12, Galacia 1:8, 2 Juan
1:9-10). Subalit ang aral ng mga sugo ng Dios ay hindi mula sa tao (Galacia 1:11-12). Kaya

ang susunod sa kanilang aral ay may wastong paglilingkod.


4. Sila lamang ang may karapatang mangasiwa o magpatalima ng pananampalataya Na sa
pamamagitan niya'y tinanggap namin ang biyaya at pagkaapostol, sa pagtalima sa
pananampalataya sa lahat ng mga bansa, dahil sa kaniyang pangalan. - Roma 1:5
Sila ang nagtuturo ng mga daang na kay Cristo.
Dahil dito'y aking sinugo sa inyo si Timoteo, na aking minamahal at tapat na anak sa
Panginoon, na siya ang sa inyo'y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo,
gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa't iglesia.
- 1 Corinto 4:17
Walang karapatan ang mga hindi isinugo sapagkat ang sabi ni Cristo, sila'y mga bulag na
taga-akay (Mateo 15:14). Naipapaaninaw ng mga hindi sinugo ang mga bagay na pisikal o
materyal subalit hindi maipaunawa ang hiwaga ng Dios (Lucas 12: 54-56). Kaya sila'y bulag
sa Espiritu. Subalit ang mga sugo ng Dios ay may pagkakilala sa hiwaga ni Cristo (Efeso 3:5).
Sila'y taga-gising sapagkat sila'y may pagkaunawa sa hiwaga ni Cristo (2 Pedro 3:1-2). Ang
mga sugo ng Dios ay may panatag na Salita ng hula at sila lamang ang marapat na sundin o
talimahin (2 Pedro 1:19). Samakatuwid ang hindi isinugo ng Dios ay walang karapatan na
magpatalima ng pananampalataya. Ang mga sinugo lamang na siyang tinawag at binigyan
ng kaloob ng Espiritu ang nararapat na magpatupad ng mga iniutos ng Dios (Mateo 28:1920). Sila lamang ang inutusan ng Dios upang ipalaganap sa tao ang Kanyang kalooban.
5. Ang kahalalan ng Iglesia ay nakasalig sa kahalalan ng Apostol
Apostol ang kasangkapan ng Dios sa pagtatayo ng Iglesia. Ayon sa biyaya ng Dios na
ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at
iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni't ingatan ng bawa't tao kung paano ang pagtatayo
niya sa ibabaw nito.
- 1 Corinto 3:10
Na sa pamamagitan niya'y tinanggap namin ang biyaya at pagka-apostol, sa pagtalima ng
pananampalataya sa lahat ng mga bansa, dahil sa kaniyang pangalan. Sa mga ito naman
kayo ay tinawag kay Jesucristo. - Roma 1:5-6
Kung hindi tumanggap ng biyaya at pagka-apostol, nasaan ang batayan ng pagkahalal? Ang
isang Iglesia ay nauuna ang pagkatawag ng mga Apostol. Kung may natayong mga Iglesia
na hindi sa pamamagitan ng Apostol, ang gayong Iglesia ay hindi hinirang o inihalal. Ang
Iglesiang hinirang o inihalal ang magmamana ng kaharian ng Dios. Kaya, mga kapatid,
lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa pagkatawag at pagkahirang sa inyo:
sapagka't kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay hindi kayo mangatitisod kailan man:
Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang
hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo. - 2 Pedro 1:10-11
Kung sugo ang nagtayo, tunay na Iglesia. Kung hindi sugo ang nagtayo, hindi tunay na
Iglesia. Ang PMCC (4th Watch) ay sugo ang kinasangkapan ng Dios sa pagtatayo kaya ito'y
tunay na iglesia. Ang tumututol sa pagka-apostol ay hindi sugo ng Dios at hindi sa Dios. Ang
sugo ng Dios at ang sa Dios ay nakikilala ang gawa ng Dios at ang Kanyang kalooban.
Kaya ano ang nararapat nating gawin bilang mga alagad na pinangangasiwaan ng sugo ng
Dios?
Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo
ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan
ang kanilang pananampalataya.
Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang
nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang
ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo
mapapakinabangan.
- Hebreo 13:7, 17
Salamat sa Dios sapagkat sa Iglesia ng Panginoon sa kawakasan ng huling araw ay may
tinawag na apostol o sugo ng Dios at ang kanyang mga kasamahan upang ating sundin at
gawing halimbawa ang kanilang aral at pamumuhay .

You might also like