You are on page 1of 14

Aralin 1

Ang Konsepto ng Pag-aaral


ng Ekonomiks
Inihanda ni ARNEL O. RIVERA

Kahulugan ng Ekonomiks
Ang ekonomiks ay isang pag-aaral na nakatuon sa
pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunangyaman sa kabila ng walang katapusang
kagustuhan at pangangailangan ng tao.
Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at pagtugon
sa mga pangyayari o suliranin mula sa tinatawag
na economists perspective.
Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng tao
sa pagbuo ng matalinong desisyon.
Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa
suliranin ng kakapusan.

Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks


Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay
walang katapusan.
Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang
kagustuhan at pangangailangan ay may
hangganan.
Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya
upang matugunan ng tao ang kanyang
pangangailangan at kagustuhan gamit ang
kanyang limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay
nagdudulot ng suliranin ng kakapusan.

Mga Mahalagang Konsepto ng


Ekonomiks
Efficiency
Masinop na pamamaraan ng paggamit sa
limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
Pangunahing tuon ng pag-aaral ng
ekonomiks ang paglago ng ekonomiya
(economic growth) ng bawat bansa.

Mga Mahalagang Konsepto ng


Ekonomiks
Equality
Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao
at ang distribusyon ng pinagkukunang
yaman.
Ang yaman na mapapasakamay ng tao ay
nakabatay sa hirap at haba ng kanyang
pagpapagod sa pagkamit nito.

Mga Mahalagang Konsepto ng


Ekonomiks
Sustainability
Ang paggamit ng mga pinagkukunangyaman para tugunan ang mga
kasalukuyang pangangailangan at
kagustuhan nang hindi nanganganip ang
kakayahan ng susunod na henerasyon na
tugunan ito.

Ekonomiks bilang Isang Agham


Panlipunan
Ang agham panlipunan ay isang sangay
ng kaalaman kung saan pinag-aaralan ang
mga pag-uugali ng tao habang siya ay
nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at
kapaligiran.
Isang displina ng agham panlipunan ang
ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa
pagsasagawa ng tao ng mga desisyon
bilang pagtugon sa suliranin ng
kakapusan.

Ang Pamamaraang Siyentipiko


Paglalahad ng
Suliranin
Pagbuo ng hinuha
(Hypothesis)
Aktwal na
pagpapatunay o
pagsubok

Pagbibigay ng
kongklusyon

PAGLALAPAT

Dibisyon ng Ekonomiks
Ang ekonomiks ay nahahati sa
dalawang dibisyon:
maykroekonomiks at
makroekonomiks.

Maykroekonomiks
Ang maykroekonomiks ay tungkol sa
galaw at desisyon ng bawat bahay
kalakal at sambahayan. Ito ay
tumitingin sa bawat indibidwal na
yunit sambahayan, bahay-kalakal
at industriya. Ang mga desisyon ng
bawat indibidwal ay napakahalaga
sa pag-unawa ng ekonomiya.

Makroekonomiks
Ang makroekonomiks naman ay
tumitingin sa kabuuang ekonomiya
ng isang bansa. Sinusuri nito ang
pambansang produksyon pati na
ang pangkahalatang antas ng
presyo at pambansang kita. Ito ay
tumitingin sa kabuuan.

Paghahambing sa Dalawang
Dibisyon ng Ekonomiks
Dibisyon ng
Produksyon
Ekonomiks

Maykroekonimiks

Produksyon
ng bawat
industriya

Pambansang
Makroekonomiks Produksyon

Presyo

Kita

Presyo ng
bawat
kalakal

Distribusyon
ng kita ng
bawat tao

Kabuuang
lebel ng
presyo

Pambansang
kita

Bilang Pagtatapos..
Ang pag-aaral ng ekonomiks ay
nakatutulong upang magkaroon
ng tamang pagpapasya at
pagpili ang tao.

References:
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
www.WikiPinas.com

You might also like