You are on page 1of 15

ARALIN 1

PRINSIPYO NG EKONOMIKS

Ang Katuturan ng Ekonomiks


A. Kasaysayan ng Ekonomiks

Ang ekonomiks ay unang nakilala bilang


political economy na sentral na paksa ng
pag-aaral ng mga pilosopo (philosopher).
Nang hindi pa ipinapanganak ang disiplina,
hindi malinaw ang kaisipan ng ekonomiks
dahil ito ay nakatuon sa pag-aaral ng
kaugnayan ng politika at ekonomiya ng
bansa.

Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa alawang


salitang Greek na OIKONOMIA na ang ibig
sabihin ay pamamahala o pamamalakad ng
sambahayan (household). Ang pagkakaroon
ng ibat-ibang gawain sa lipunan ng mga tao
ang nagbigay aan sa pagkilala sa larangan ng
ekonomiks. Ang pagsibol ng mga kaisipan sa
ekonomiks ay nagsimula nang nagpahayag si
Plato ng ideya ukol sa espesyalisasyon at
produksiyon sa kanyang aklat The Republic.
Sinundan ito ng pananaw ni Aristotle ukol sa
pagmamay-ari ng yaman. Ngunit ang
paglathala ng mga aklat na Inquiry into the
Nature and Causes of the Wealth of Nations
ni Adam Smith ang nagbigay daan sa

Ekonomiks bilang isang disiplina ng pag-aaral.


Binigyang pansin ni Smith ang doktrinang
Laissez Faire at espesyalisasy on. Ang Laissez
Faire paniniwala na ang pamahalaan ay I apat
na makialam sa pagpapatakbo ng industriya
ng pribadong sektor. Ang kaisipan ng
ekonomiks ay nahiwalay sa kaisipan ng
political economy dahil pinagtuunan ng pansin
ang eknomiks ang mga gawain ng tao na may
kinalaman sa pangkabuhayan at paraan ng
pamumuhay. Sa ngayon, patuly na pinagaaralan sa ekonomiks ang mga bagay na
nakaaapekto sa ekonomikong pamumuhay ng
mga tao at sa buong bansa.

B. Kahulugan ng Ekonomiks
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na
mayroong layunin na pag-aaralan ang mga
pagkilos at pagsisikap ng mga tao at paraan
ng paggamit ng mga limitaong
pinagkukunang-yaman, upang matugunan
ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan sa buhay dahil sa kailangangkailangan piliin ng mga tao /pamahalaan kung
saan gagamitin ang kanilang likas-yaman.

ARALIN 2
Ang Agham ng Ekonomiks at
ibang Agham ng Pag-aaral

Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan

kung saan sentral na pinag-aaralan ang mga


kilos, gawi at lahat ng pagpupunyagi ng tao
na maghanapbuhay at pagsisikap ng
pamahalaan na ayusin ang ekonomiya na
nakaapekto sa pamumuhay ng tao at lipunan.
Ang psg-aaral ng ekonomiks, isinasagawa sa
siyentipikong pamamaraan (scientific
process) upang suriin ang mga suliranin at
kaganapan na may ugnayan at epekto sa
ekonomiya.

MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA


NG SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN
Pagtukoy ng Suliranin
Pagbibigay ng Hinuha
Pangangalap ng mga impormasyon at datos
Pagsusuri ng mga impormasyon at dat os
Pagbibigay ng konklusyon at
rekomendasyon

B. Kaugnayan ng Ekonomiks at iba


pang Larangan ng Pag-aaral
Ang ekonomiks ay agham pa nlipunan dahil

masusing sinusuri nito ang kalagayan ng


lipunan. Pinag-aaralan dito ang mga kilos
at pagsisikap na ginagawa ng tao upang
matugunan ang mga pangangailangan at
mapaunlad ang ekonomiya. Dahil tao
lipunan ang
sentro ng pag-aaral may
kaugnayan ito sa ibang lar angan ng
pag-aaral sa agham panlipunan.

Ekono miks sa Agham Panlipunan


at Sosyo lohiya
Ang sosyolohiya ay ang pag-aaral

ng pinagmulan at estruktura ng ating


lipunan. Ang mga kilos ng tao bunga
ng mga batas , gawi , paniniwala, at
kultura na umiiral sa lipunan ay
nakakaapekto sa uri ng hanapbuhay
.

Ekonomiks at Kasaysayan
Ang kasaysayan ay ang mga nagawang

pagpupunyagi upan g labanan ang


kasalukuyang sitwasyon na ginawa ng
tao sa ibat-ibang panahon. Ang
ekonomiks at kasaysayan ay
magkaugnay sapagkat ang gawaing
desisyon ngayon sa pamumuhay ay
ibabatay sa nangyari sa nakaraan. Kaya
masasab i na ang kasaysayan ay bahagi
ng anumang pangyayari sa ekonomiya.

Ekonomiks at Etika
Ang etika ay may kinalaman sa

moralidad at paggawa ng tama o mali sa


buhay. Ang kaalaman sa mga tama at
maling ginawa ng tao , disiplina at
wastong moralidad ng tao ay
mahahalagang elemento na kailangang
taglayin ng bawat mamamayan upang
maging kabalikat ng pamahalaan sa
pagsasagawa ng mga wastong hakbang
upang umunlad ang ekonomiya.

Ekonomiks at Agham
Pampolitika
Ang pag-aaral ng mga balangkas o

estruktura ng pamahalaan, mga


tungkulin, responsibilidad at mga
batas na itinakda ng pamahalaan
ay mahalaga sapagkat ang lahat ng
mga ito ay may epekto
at impluwensiya sa ating
pamumuhay at kabuhayan ng bansa.

Ekonomiks at Natural Sciences


Ang pag-unawa sa mga kaganapan sa ating

kapaligiran ay matutuhan sa ibat-ibang


sangay ng pag-aaral ng natural science.
Ekonomiks at Pisika
Ang pisika ay ukol sa pag-aaral ng mga
bagay at ener hiya. Ang anumang
teknolohiya na ginagamit upang paunlarin
ang enerhiya ay bibigyang pansin ng agham
ng pisika.

Ekonomiks at Kemistri
An g kemistri ay may kinalaman sa pag-

aaral ng ibat ibang kemikal na kailangan


sa paglikha ng isang bagay.
Ekonomiks at Biyolohiya
Ang biyolohiya ay pag-aaral ukol sa mga
bagay na may buhay tulad ng
tao,halaman,hayop at iba pa. Ito ay may
kaugnayan sa ekonomiks dahil ang tao ay
kailangan sa ekonomiks.

You might also like