You are on page 1of 3

PINAL NA PANGKALAHATANG PROYEKTO NG KATAGA-MANILA

2014-2015
1. Ang opisyal na t-shirt ay magsisilbing proyekto ng Sentral para sa
buong kasapian ng Kataga at hindi proyekto na lamang ng SangayMaynila. Bukas ito sa mungkahing disenyo.
2. Isang bagsak na palihan/seminar ang pangunahin at pinakamalaking
proyekto ng Sangay-Maynila para sa taong ito. Ang seminar ay
nakatuon sa NCR at primaryang ibubukas sa mga guro at sekundarya
ang mga estudyante.
2.1. Maraming palihan/seminar ang ibinubukas sa mga estudyante
ngunit walang ibinibigay sa mga guro ng panitikan. Kailangang
igpawan din ang audience na PNU lamang para marating ang
mas malawak na hanay ng mga guro-manunulat.
2.2. Mungkahing ang palihang ito ay gawing dalawang araw
2.3. Pokus ng palihan ang abanteng pag-aaral sa larangan ng
panitikan at malikhaing pagsulat: politika ng pagsulat,
panunuring pampanitikan, pedagohiya sa panitikan at
malikhaing pagsulat.
2.4. Mungkahi rin ang pagsasangkot sa usapin ng K12, ASEAN integ
at iba pang usaping makaapekto sa pagtuturo/kalagayan ng
panitikan sa edukasyon at bansa.
2.5. Pag-uusapan pa ng sangay: Mga tiyak na paksa, speakers, petsa,
lugar, tema at pangalan ng palihan.
3. Buwanang pulong at impormal na bahagian/sharing ng mga kasapi ng
sangay ukol sa kanyang poetiks at plano sa pagsusulat.
3.1. Isasagawa rin sa mga gawaing ito ang palihan sa mga
inuugnayang org at sa kasapian ng sangay kung may nais
ipaworksyap
3.2. Pagpasyahan ang pagkakasunod-sunod ng tagapagsalita,
iskedyul ng magpapaworksyap, oras at lugar ng pulong/palihan
at pangalan ng buwanang pulong.
4. Pagpapalawak ng mga ugnayan at pakikipagtulungan sa iba pang
organisasyon sa U-Belt sa Maynila at maging sa tie-up sa anibersaryo
ng CYWA
4.1. Kailangang isagawa ang mga courtesy call/pag-uusap para
tiyakin ang mga pangangailangan/kalagayan ng organisasyong
uugnayan at limitasyon ng proyekto.
4.2. Target para sa taong ito: PUP (Makoy), PNU (Kevin at Jolly),
UST (Jonats) at CYWA (Emman B.)
5. Pagsasagawa ng mga fundraising para makapangolekta ng pondo sa
pamamagitan ng maliliit na palihan, tulaan sa shirt at iba pa.
PAALALA: Sa susunod na pulong, maglalagay na po tayo ng
mga chair para sa mahahalagang gawain at plano natin sa
buong taon.
Sentral na Gawain:
1. KATAGA 2
1.1. Pagsusulat sa uri at sektor ng lipunan
kailangang kilalanin ang isusulat)
1.2. Target na paglulunsad: Setyembre 2015

(kapag

sumulat

1.3.

Napagpasyahan ang Editorial Board: Reuel Aguila, Ferdie Jarin


at Mark Angeles
1.4. Kailangang magsagawa ng hiwalay na worksyap/pagkikinis sa
sangay pa lamang bago isumite sa EB. Gayundin, mungkahing
may point person sa sangay na mangangmusta sa larga ng
pagsusulat. June magsisimula ang paghahanda gaya ng
immersion.
2. Websayt
2.1. Popularisasyon ng organisasyon
2.2. Target na paglulunsad: Setyembre 2014
2.3. Nilalaman ng websayt: piling akda ng mga kasapi, updates,
reviews events at statement sa mga isyu/ press release
2.4. Maaaring magpasa ang bawat kasapi ng sangay at may hiwalay
na tagapangasiwa/editorial board magpapatibay at magsusuri
ng mga isusumite para sa website.
2.5. Napagpasyahang editorial board: Patrick Bautista, Mark
Angeles, Reuel Aguila at Daniw Santiago
3. SILABUS
3.1.

Antas ng Pag-aaral: Aplikante (Pangkalahatang Introduksyon at


Kasaysayan ng Panitikan/Oryentasyon sa Organisasyon); Ganap
na Kasapi (Intermedyang Pag-aaral ng Panitikan: Politika at
Poetika
ng
Pagsulat);
Kasapi
(Abanteng
Pag-aaral:
Pamamahalang pangkultura, Pag-oorganisa at Pamumuno sa
Larangan ng Panitikan), at Elektib (Pagtatanghal ng
Sining/Teatro). Nililinaw na tentatibo pa ang mga pangalan.
3.2. Bawat sangay ay may ED officer na magsisilbing kasapi ng core
group sa pagbuo ng silabus ng buong Kataga. Naitakda sina:
Alvin (Lucena), Marco (Tanghal), Abby (Maynila), Erick (QC) at
Bote (KOL)
3.3. Magkakaroon ng mga hiwalay na planning at pulong ang mga
kasapi ng core group para sa pagsasapinal ng silabus ng sangay.
4. Kataga Library
4.1. Para sa pisikal at online library, gagawa ng mga tuntunin/rules
ang mga naitalagang tagapangasiwa
4.2. Naitalagang tagapangasiwa: Ipe Soco at Emman Halabaso
4.3. Pangmatagalang plano sa Library: mga pisikal na kagamitan
gaya ng printer, scanner, photocopier
4.4. Ang pisikal na library ay itatayo sa HQ
5. COOP Registration
5.5. Ang bayad ng bawat sangay na nagkakahalaga ng 5k
(pangungunahan ang pangongolekta ng mga ingat-yaman/treasurer)
6. Konsyerto
6.1. Ang disenyo ay parang writers night
6.2. May mga musikero sa Kataga kaya magandang opurtunidad ito
6.3. Binabalak na lugar: Lucena o UPD
6.4. Pakikipag-ugnayan sa Ugat at OICA para makakuha ng
grant/pondo
6.5. Tagapangasiwa: Abet, Ferds at Marco
6.6. Target na petsa: Setyembre 2014 kasabay ng paglulunsad ng
websayt.
6.7. Ang bawat sangay ang mangunguna para sa marketing at iba
pang taskings para sa paghahanda at aktwal na konsyerto.

Inihanda nina
Jonathan Vergara Geronimo
Mark Angeles
*Ang dokumento ay alinsunod sa naging unang pulong ng KatagaSentral
Kataga Head Quarter, Hardin ng Rosas
Mayo 22, 2014

You might also like