You are on page 1of 7

"BROKEN FAMILY"

(TAHIMIK NA HAPAGKAINAN)

KALIGIRANG KASAYSAYAN
Broken family o pamilyang nagkahiwalay. Halos karamihan ng mga pamilya ay
nakakaranas ng ganitong klase ng problema. Hindi lang dito sa ating bansa kundi sa
buong mundo rin. Maaaring nagsimula ang ganitong problema sa "third party" o
pagpasok ng panibagong tao sa buhay ng mag asawa. Maaari rin namang dahil sa
pagkawala na ng pagmamahal o pagkasawa ng mag asawa sa isa't isa. Broken family ang
kadalasang problema ng isang pamilya kaya't napapabayaan na nito ang mga miyembro
ng pamilya (anak). Ang mga taong nanggaling sa ganitong pamilya ay nagiging mailap na
sa pakikipagrelasyon sa iba. Ito rin ang isa sa mga problema ng mga eskuwelahan sa mga
kanilang estudyante kung saan natututo ang mga estudyante/bata na maging rebelde,
nawawalan ng paggalang sa nakakatanda, nawawalan ng tiwala sa sarili lalong lalo na sa
mga abilidad nito, at ang mas malala ay ang pagpapakamatay.

PANGUNAHING PANGUNGUSAP
Si Ana at si Lori ang mga butihing anak nina Mang Ernie at Aling Maria. Si Ana
ang panganay at dalawang taon ang tanda niya kay Lori. Si Mang Ernie ay isang trycicle
driver samantalang si Aling Maria naman ay mananahi sa isang Tailoring shop.
Ang pamilyang Rodriguez ay isang napakasaya at mapagmahal na tahanan kung
ituturing kaya naman pinagmamalaki ito ng lubusan ng dalawang magkapatid lalo na sa
kanilang mga kaibigan. Pinalaki ang magkapatid na hindi nakakaramdam ng inggitan sa
isa't isa. "Dalawa kaming magkapatid kaya dalawa rin kaming mahal ni mama at papa",
ang laging isinasagot ni Lori sa kaniyang mga kaibigan. "Para nga kaming kambal eh",
yan naman ang ani ni Ana.
Ang bahay nila ay laging maingay dahil sa harutan, tawanan at walang humpay na
kakulitan. Magsisimula ang umaga nila sa pagsigaw ni Aling Maria ng " Gising na!
Gising na Anaaa... Loriiii!!! pandesal at kape nakaready na oh?". Magmamadali naman
ang dalawa sa pagtakbo at pagpunta sa lamesa para lang makakain ng mabilisan dahil
paniguradong mahuhuli na naman ang dalawa sa klase. Wala kasing ginawa sa gabi kundi

magkwentuhan patungkol sa mga "crush" nila sa eskuwelahan, magdadalaga naman na


kasi sila, katorse si Ana at dose naman si Lori. " Oh, huwag magmadali at ako naman ang
bahala sa paghatid sa inyo, katulad ng nakasanayan bibilisan ko nalang ang pagdrive...
Puro kasi crush crush eh", biro ni Mang Ernie. "Nako papa, ang pogi naman kasi Rico eh
natutunaw ako hahahaha", pagpapantasya ni Ana. " Ang landi talaga ni ate... nako nako,
pero huwag ka mag alala ate... suportanta ka dayyy", sagot naman ni Lori. Maingay hindi
ba? Ganyan ang bumubungad sa kanilang umaga puro biruan at tawanan.
Tatlong oras lang ang trabaho ni Aling Maria dahil hindi naman mahirap masyado
ang ginagawa niya kaya naman hindi pa rin siya nagkukulang sa pag aasikaso sa kanyang
asawa at anak. Pagkatapos ng pananghalian ay didiretso na sya sa kanyang
pinagtatrabahuhan at makakauwe siya ng banda alas kwatro o kaya alas singko na may
dala dala ng pinamili sa palengke para sa kanilang hapunan. Si Mang Ernie naman ay
sampu hanggang labing dalawang oras namamasada sa kanyang trycicle. Tumitigil lang
siya ng pamamasada pag oras ng tanghalian para sunduin sa eskuwelahan sina Ana at
Lori at sabay-sabay manananghalian sa kanilang bahay. Uuwe naman siya ng bandang
alas siyete o alas otso para na rin makahabol sa hapunan at turuan sa pag gawa ng
takdang aralin ang kanyang mga anak. Ang gabi naman nila ay madilim, madilim dahil
nakapatay ang lahat ng ilaw dahil sila ay nasa sala para panuorin ang mga palabas na
parati nilang sinusubaybayan, telebabad ika nga.
Isang gabi bandang alas sais sa pamamasada ni Mang Ernie nagkaroon siya ng
pasaherong napakaganda, " Kuya, sa kanto lang po malapit sa victory", ani nito.
Pagkababa ng babae nagbayad ito ng singkwenta. " Miss, ito po ang sukli", habang
inaabot niya ito sa babae. "Nako kuya... Huwag na po at maayos naman kayo magdrive..
tip na lng ang sukli." ngiting sagot nito. Bigla namang natulala si Mang Ernie ng biglang
may sumigaw "TRYyycicleee!!! hoy trycicle!! huyyy!!". "Ay pasensya na po at d ko kayo
narinig", sagot naman nito nang bumalik na siya sa katinuan. " Nakatitig ka kasi sa
kasintahan mo eh... ang ganda niya eh", sagot naman nito. Hindi naman alam ni Mang
Ernie ang isasagot dahil mukang good vibes na ang pasahero niya pagkatapos niyang
hindi marinig sa pagkatulala.
Sa mga nagdaang gabi naging suki niya na ang magandang babae sa pagpapasada.
Nagkagusto na rin si Mang Ernie sa kanya dahil rito. Rose ang pangalan niya at may
nakakaalindog na katawan na pag hinawakan mo nakakatinik talaga. Isa siyang G.R.O. sa
isang bar malapit sa victory. Nung nalaman naman ito ni Mang Ernie ay hindi siya
mapakali, di mo malaman kung ano ang gagawin niya at pumasok sa isip niya na gusto
niya maging kostumer ni Rose.

Nangyari nga ang gusto ni Mang Ernie at nakasama niya nga sa isang silid si rose
at dun nagpakasarap ng lubusan. Nagkaroon sila ng relasyon ni Rose at ang pag uwi niya
hindi na gabi kundi madaling araw na.
Hindi naman siya nahuhuli ni Aling Maria dahil ang palusot niya ay para na rin sa
pagkokolehiyo ni Ana kaya ganoon na lamang siya oras umuuwe. Kumbaga iniipon niya
raw ang napapamasada niya sa bangko at bilang pruweba gumawa nga siya ng bank
account sa BPI para nga raw handa sila sa gagastusin kay Ana sa kolehiyo nito.
Nagdaan ang isang taon na ganon ang ginagawa ni Mang Ernie. Napakagaling
niya magtago ng baho sa totoo lang. Masyado namang tiwala si Aling Maria sa kanyang
asawa na kahit kulang ang binibigay nitong kita sa pamamasada. Ang importante raw ay
may naiipon naman sa bangko dahil kung ang hirap daw ay may tiyaga may nilaga rin
naman. Napagsasabay ni Mang Ernie ang pakikipagrelasyon kay Rose at pagiging asawa't
ama sa kanyang pamilya.
Hindi nagtagal naging iresponsable na si Mang Ernie at halos ginugugol niya na
ang oras niya kay Rose. Ang binibigay niyang kita sa pamamasada kay Aling Maria ay
nagkukulang na para sa pang araw araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.
Habang sobra sobra naman ang binibigay niya kay Rose. Minsan naman ay uuwe si
Mang Ernie na lasing at mag iingay sa kanilang bahay. Kung hindi naman mag iingay,
aawayin si Aling Maria ng walang dahilan. Samantalang si Ana naman at Lori ay
magkukulong sa kwarto at mag iiiyak sa takot. Dahil dito, unti-unti ng napapalayo ang
loob ng magkapatid sa kanilang ama.
Isang gabi na hindi namasada si Mang Ernie ay namasyal sila ni Rose.
Magkahawak ang kamay at naglalambingan sa daanan. Kumain naman sila sa Mang
Inasal sa Magsaysay, masayang kumakain at nagsusubuan pa nga. "Bali, kailangan ko na
plang umuwe", pamamaalam ni Mang Ernie matapos sialng mamasyal. "Hu..Huwag ka
ng umuwi... Dun ka nalang sa bahay ko umuwi.. Gusto kita maksama ngayong gabi"
pagpupumilit ni Rose. "Osige na nga.. mahal naman kita eh", sagot ni Mang Ernie na ang
ngiti ay halos hanggang langit pa. "Love you too", ani naman ni Rose.
Kinabukasan pag uwe ni Mang Ernie sa kanyang pamilya ay naabutan niya si
Aling Maria na nakaupo sa sala na nakatulala. "Oh bakit ka ganyan? Ang aga-aga tapos
yan makikita ko? Nakakawalang gana", panunumbat ni Mang Ernie. Naligo si Mang
Ernie nang pumasok si Aling Maria sa kwarto, inamoy-amoy ang damit at kinapkapan
ang bulsa ng pantalon ni Mang Ernie. Natapos ang pagligo ni Mang Ernie at umalis na ito
ng bahay para mamasada ng hindi man lang kinain ang hinandang almusal ni Aling Maria

sa lamesa. Hanggang sa may tumulo na luha sa mga mata ni Aling Maria habang
nakatitig sa hawak hawak na resibo ng Mang Inasal na nakita niya sa bulsa ng pantalon ni
Mang Ernie. Napag alaman niya kasi ang nangyari dahil mayroong kapit bahay na
nagsabi, "Uy Maria! Nakuuu.. Nakita ko si Ernie may kasamang magandang babae sa
Mang Inasal... ang sweet sweet nilang dalawa at nagsusubuan pa habang kumakain".
Inalam ni Aling Maria kung sino ang babae. Inaabangan niya ang mga lugar kung
san namamasada si Mang Ernie. Nagmistulang imbestigador si Aling Maria para
malaman ang katotohanan. Dahil hindi niya matiyempuhan kung saan at pano, sumuko
nalang siya. Habang naglalakad sa Kings papuntang paradahan ng jeep na asul ay nakita
niya ang prangkisa ng kanyang asawa. Nakita niya ang muka at ito nga ang kanyang
asawa. Sinundan niya kung saan tumigil ang trycicle at nakita niya ang magandang babae
na bumaba at hinalikan sa labi si Mang Ernie. "Pag na-bored ka mahal, pasok ka lang sa
bar namin ha at i-entertain kita ha?", pagkarinig ni Aling Maria sa babaeng nakita niyang
humalik sa kanyang asawa. Tinakpan niya ang kanyang mukha ng biglang napalingon sa
direksyon niya si Mang Ernie.
Gabi nung araw na iyon at walang ginawa si Aling Maria kundi umiyak. Hindi na
rin siya nakapaghanda nghapunan nina Ana at Lori kaya naman pumasok si Ana sa
kwarto ng kanyang Ina. " Mamaaaaa... Anong pagkain natennnnn???", habang biglang
binuksan niya ang pinto ng kwarto. Nakita ni Ana ang namamagang mata ng kanyang ina.
"Ma, bakit ano nangyare? Ma.. Ma... Mama..", hindi niya alam ang gagawin niya kaya
pati siya ay napaiyak na. "Anak..anak.. pasensya ka na ha..pasensya ka na". Si Lori
nalang ang naghain ng pagkain nilang magkapatid habang ang kanilang ina naman ay
hindi lumabas ng kwarto nito. "Ate, totoo kaya yung sinasabi ng kapitbahay natin?",
tanong ni Lori. "Bakit ano yun? Ano ba yung sinasabi nila?". " Si papa daw kasi may
ibang babae, nakita daw sila ni Aling Tinay tapos sinabi na rin daw kay mama yung
tungkol dun". Nagalit si Ana sa sinabi ni Lori at "Ano ka ba? hindi magagawa ni papa
yun! naglalasing siya... inaaway niya si mama pero hindi siya nambababae". Natulala
naman si Lori dahil nasa likod ni Ana ang kanilang ama at narinig ang mga sinabi ni Ana.
Napalingon si Ana sa likod niya at nakita ang ama na naglakad lang na parang walang
narinig. "Pa! pa! narinig mo naman ako diba? Umiiyak si mama... pa bakit umiiyak si
mama", sigaw ni Ana sa ama niyang umiinom ng tubig na parang hindi naririnig si Ana.
"Papa??? sagutin mo ko.. hindi naman totoo yun diba? Tsismis lang ng mga kapitbahay
yun diba?", pagpupumilit ni Ana. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama pero
tinaggal naman ito ni Mang Ernie at tinulak si Ana. "Tama na! Eh ano ngaun kung may
babae ako? Tsaka wala kang karapatang sigawan ako ha?", galit na sagot ni Mang Ernie.
Nakita ni Aling Maria ang ginawa ni MAng Ernie hanggang sa nag away na sila.

"Nakainom ka Ernie... Huwag mong saktan ang bata.. Itigil mo na yan", pagmamakaawa
ni Aling Maria. "Sumusobra na ang anak mo ha? Lintek na.. Magsama-sama kayo!!!".
Maraming nabasag na figurine, nakakalat na damit at wasak-wasak na gamit ang
makikita sa loob ng bahay nila Ana. Nag impake na ng damit si Mang Ernie at lumayas
na ng bahay. Iyak ng iyak ang magkapatid ganoon rin naman si Aling Maria.
Kinabukasan, wala ka ng maririnig na nagtatawag, nagtatawanan o nagbibiruan sa
hapagkainan. Napakatahimik ng bahay at nakakalat pa ang mga gulo-gulo at basag-basag
ng gamit sa bahay nila Aling Maria. Lumabas si Ana sa kanyang kwato at pinagmasdan
ang lamesang pinagkakainan ng kanyang pamilya. "Ang tahimik.... Ang tahimik", bulong
niya sa sarili habang may mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata.

PILING BAHAGI NG PANAYAM


Nung tinanong ko ang magkapatid patungkol sa nararamdaman niya sa kanilang ama at
kung mapapatawad niya pa ba ito o hindi ito ang kanilang isinagot:
"Umalis na siyang tuluyan at iniwan kami. Kasama niya na yung babaeng dahilan
kung bakit kami nagkaganito. Hiniwalayan niya na yung mama ko. Hindi na rin siya
nagpakita samin pagkatpos nun siguro wala na siyang mukhang ihaharap sa amin
pagkatapos niyang magwala nung gabing yun. Nakakalungkot kasi yung papa ko na
mahal na mahal ko noon ay yung taong pinakasinusuklaman ko na ngayon. Hindi
mawawala yung galit ko sa kanya kasi yung hirap at lungkot na pinadama niya sakin
lalong lalo na sa mama ko? Hindi ko siya papatawarin kahit anong mangyari". -Analyn
Salazar
"Hindi ko rin alam eh. Parang ayaw ko ng balikan yung masasakit na araw yon. Malaki
rin kasi yung pinagbago. Yung ate ko parang nawalan na ng tiwala sa mga lalaki tapos
yung galit niya kay papa parang wala na atang katapusan. Kahit ao rin naman nasaktan
dahil sa ginawa ni papa, hindi ko alam kung mapapatawad ko siya eh pero kung
pagsisisihan niya yung ginawa niya sa mama ko pati na rin sa ate ko siguro mapapatawad
ko siya. Siyempre tatay pa rin naman namin siya, minahal niya rin naman kami kahit
binaling niya na sa iba yun ngayon, alam ko minahala niya parin kami". -Lori Mae
Salazar
Hindi ko naman nakuha ang panayam ng kanilang ina. Pero may sinabi sakin si Lori.
"Mahal niya pa rin si papa kasi makikita ko si mama iiyak mag isa sa kwarto niya kaya
ang gagawin namin ni ate tatabi kami para mapawi yung lungkot niya".

PANGWAKAS NA PANGUNGUSAP
Ang ama ang itinuturing na haligi ng tahanan na nawala sa pamilya nina Ana at
Lori. Masakit ang naransan nila sa kanilang ama. Ang ubod akalain nilang mapagmahal
na ama ay biglang magbabago ng dahil lang sa ibang babae at nagawa pa silang ipagpalit.
Maaaring hindi na talaga tuluyang mapapatawad ni Ana ang kanyang ama sa ginawa nito.
Pero hindi natin alam ang pwedeng mangyari bukas o sa hinaharap. Hindi natin alam
kung mapapatawad ba talaga ng magkapatid pati ni Aling Maria si Mang Ernie. Kung
magsisisi ba si Mang Ernie sa huli. Puno ng surpresa ang baon ng bukas sa atin. Hindi
natin pwedeng asahan ang mga bagay bagay na mananatli na lamang. Katulad na lamang
ng pamilya nila Ana at Lori na masaya na napalibutan ng hirap at lungkot. Kung meron
man akong bagay na hinihiling para sa pamilya nina Ana at Lori (ganoon na rin sa mga
pamilyang humantong sa ganito) ay sana maging maayos din ang lahat. Na sana kahit
mahirap magpatawad ay sana magawa rin nila. Na kahit puno ng lungkot, hirap at luha
ang pinagdaanan natin ay sana makabangon pa rin tayo. Na sana ang mga pamilyang
katulad nito ay makaranas pa rin ng kasiyahan kung sakaling sila naman ang
magkakapamilya at huwag sana humatong sa ganitong klase ng trahedya. Makikita ang
pagmamahalan ng bawat pamilya sa kung anong klaseng hapagkainan ang mayroon sila.
Kung masaya, magulo, maingay, nagkakasundo, nagkakaintindihan, maingay o
malungkot.

You might also like