You are on page 1of 1

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalagang maging bukas ang ating mga isipan
ukol sa ideya ng Stem Cell Treatment dahil ito ay may malaking epekto sa kasalukuyang
henerasyon

ng

medisina. At ganun din, magkaroon

ng

malawak na kaalaman

ang

bawat mambabasa ukol sa Stem Cell Treatment.

Naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito.


Makatutulong ito sa iba pang mag-aaral at mananaliksik na palawagin paang kaalaman
ukol sa nasabing paksa. Layunin din ng pagsasaliksik at pag-aaral ukol sa paksang
tatalakayin na maibahagi ng mga mananaliksik ang kaalaman nabunga ng mausisang
pananaliksik at pag-aaral ukol sa epekto ng makabagong teknolohiya sa larangan ng
panggagamot. Nakatutulong din ito sa pag-aaral ng isang mag-aaral na nais makapagtapos
ng isang kurso ukol sa pag-aaral sa mga sakit gaya ng medisina. Maaari itong maging
gabay sa pagtahak ng ibang mananaliksik tungo sa pag-aaral nila ng mga paksang may
kaugnay dito. Natatalakay ditto ang mga positibo at negatibong epekto ng mga
makabagong kagamitan sa panggagamot ng mga sakit. Ang pag-aaral o pananaliksik ukol
sa paksang ito ay nagtataglay ng malaking kahalagahan at impormasyon sa larangan ng
pangagamot. Naglalayon rin ito na matukoy ang mga epekto ng mga makabagong
teknolohiya sa panggagamot ng mga pasyenteng may malalang sakit.

Maliban dito, naniniwala din sila na maaari itong makatulong sa pagbibigay linaw
sa ilang mga katanungang naglalaro sa isipan ng mga mambabasa.

You might also like