You are on page 1of 6

KASAYSAYAN

NG
WIKANG PAMBANSA
WIKA nag-uugnay ng sambayanan.
Pangulong Manuel L. Quezon -pangulo at kinatawan ng Pilipinas
napaghulo na dumating na ang takdang panahon
pambansang wika.

upang tayoy magkaroon ng isang

gumawa ng paraan upang maisakatuparan ang itinadhana ng ating Saligang Batas.


PAANO IPINALIWANAG NG MGA DELEGADO SA KOMISYONG KONSTITUSYONAL NG
1986 ANG WIKANG FILIPINO NANG KANILANG TALAKAYIN AT PAGTIBAYIN ANG
TADHANANG PANGWIKA NG KASALUKUYANG KONSTITUSYON?
Nakalahad sa katiktikan ng Pulong ng Komisyong Konstitusyonal (CONCOM) noong Setyembre
10, 1986 ang mga pahayag at paliwanag ng ibat ibang delegado sa Komisyong Konstitusyonal
na kabilang ang mga sumusunod:
.Komisyoner Wilfredo Villacorta: Ito po ang isang umiiral na wikang pambansa, at ang
nukleo nito ay Pilipinosapagkat ito ay isa nang malaganap na umiiral na wika, na Pilipino na P.
Sinasabi rin natin na mayroong isang wikang umiiral na pinalawak at pinaunlad na tinatawag na
Filipino at ang formalisasyon nito ay kailangang isagawa sa sistemang pang-edukasyon at iba pa,
subalit hindi nangangahulugan na dahil hindi pa ito formalisado ay hindi ito umiiral. Ito ay isang
Lingua Franca.
PAANO IPINALIWANAG NG MGA DELEGADO SA KOMISYONG KONSTITUSYONAL NG
1986 ANG WIKANG FILIPINO NANG KANILANG TALAKAYIN AT PAGTIBAYIN ANG
TADHANANG PANGWIKA NG KASALUKUYANG KONSTITUSYON?
Komisyoner Ponciano Bennagen: Kailangan nating pagkaroon ng isang midyum ng
komunikasyong magbibigkis sa atin at iyon ay ang Filipino, na binigyang kahulugan ng isang
pangkat ng mga pantas sa wika at mga organisasyong pangwika bilag isang lumalawak na
versyon ng Pilipino.
Komisyoner Francisco Rodrigo: Itong Filipino ay hindi isang bagong kinatha o kakathaing
lenggwahe. Ito ay batay sa Pilipino. Palalawakin lamang ang saklaw ng Pilipino. Kaya ngat ang
Pilipino ay batay sa Tagalog, at ang Filipino ay batay sa Pilipino.
MGA KATAWAGAN O PARIRALANG GINAMIT SA PAGTUKOY SA WIKANG PAMBANSA
BAGO ITO TINAWAG NA FILIPINO
Pambansang wika ng Pilipinas na batay sa Tagalog
-unang pariralang ginamit sa pagtukoy sa wikang pambansa sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na inilagda ng Pangulong Manuel L. Quezon noong Disyembre 30,
1937.
Memorandum Pangkagawaran Blg. 7

-nag-aatas sa paggamit ng katawagang Pilipino sa pagtukoy sa wikang pambansa upang


maikintal sa wikang pambansa ang di mapapawing katangian n gating pagkabansa.
Konstitusyon ng 1937
-nagtatadhana na dapat magsagawa ng mga hakbang ang Batasang Pambansa tungo sa
paglinang at formal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging
Filipino.
PAANO NAGSIMULA ANG PAGLINANG NG WIKANG PAMBANSA?
-

Konstitusyon ng 1935 Artikulo XIV, Seksyon 3

Pambansang Asemblea

Pangulong Manuel L. Quezon

Batas Komonwelt Blg 184

Nobyembre 19, 1936

Surian ng Wikang Pambansa

MGA BUMUBUO NG UNANG LUPON NG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA


-

Tagapangulo (Samar-Leyte) -- Jaime C. de Veyra

Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap (Tagalog) -- Cecilio Lopez

Kagawad (Hiligaynon) -- Felix B. Salas Rodriguez

Kagawad (Ilokano) -- Santiago A. Fonacier

Kagawad (Bicol) -- Casimiro F. Perfecto

Kagawad (Cebuano) -- Filemon Sotto

Kagawad (Tausug); Kinatawan sa mga wika ng mga minoryang Pilipino -Hadjie Butu

MGA BINANGGIT NG MGA BANYAGANG ISKOLAR TUNGKOL SA WIKANG TAGALOG


Professor Apolinar Parale madali raw matutong magsalita at makaunawa ng wikang
Tagalog.
Mga Misyonaryong Kastila ang Tagalog daw ay sinasalita nauunawaan din iyon ng
ibang naninirahan sa ibang isla.
Prayle Domingo Navarete natutuhang magsalita ng Tagalog nang walang gaanong
hirap.
Mga Banyagang Iskolar napatunayan na ang Tagalog ang siyang pinakamalawak na
dayalekyo sa bansa.
David J. Doherty nagsabi na ang Tagalog ay may kapasidad na maging behikulo ng
pagpapatuloy ng kulturang katutubo.

Frank Blake ang wikang Tagalog daw ang siyang nababagay sa yaman at flexibility para
sa pag-unlad ng panitikan.
Henry Barlett ang Tagalog daw ay mas malawak sa base, malakas ang potensyal para
sa pag-aasimilasyon ng mga wikang banyaga.
PAANO NAGSIMULA ANG PAGTUTURO NG WIKANG PAMBANSA SA MGA PAARALAN?
*Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)
nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon na nagpapahintulot sa pagiimprenta ng Diksyunaryo at ng Balarila ng wikang pambansa
*Hunyo 19, 1940
ang pambansang wika ay tinuro sa pribado at pampublikong paaralan
*Kautusang Pangkagawaran Blg. 1 s. 1940
sa pamamagitan ni Jorge Bocobo, ang wikang pambansa ay itinuro sa mga
paaralang sekundarya at normal
PAANO NAGING WIKANG OFISYAL ANG WIKANG PAMBANSA?
*Batas Komonwelt Blg. 570 (Hunyo 7, 1940)
ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang ofisyal na wika simula Hulyo 4,
1946
*Konstitusyon ng 1973
Hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang
magiging ofisyal na wika.
*Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987)
Para sa mga layunin ng komunikasyona at pagtuturo, ang mga ofisyal na
wika ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles.
ANO ANG NAGING DESISYON NG HUKUMAN SA KASO TUNGKOL SA WIKANG PAMBANSA
NOONG 1963 LABAN SA MGA OFISYAL NG PAMAHALAAN NA GUMAGAMIT AT
NAGPAPALAGANAP NG FILIPINO?
Pinawalang-saysay ng Hukumang Unang Dulugan ng Maynila ang kaso na sinang-ayunan ng
Hukuman ng mga paghahabol at ng Kataas-taasang Hukuman.
MGA LEGAL NA BATAYAN PARA SA KASALUKUYANG PAMBANSANG AWIT O LUPANG
HINIRANG SA FILIPINO
Kautusang Pangkagawaran Blg. 5 pag-awit ng Lupang hinirang
Memorandum Blg. 5 nagtatagubilin na magsagawa ng hakbang upang malaganap ang pagawit sa Filipino ng pambansang awit.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 nag-aatas na ang pambansang awit ay dapat awitin sa


wikang Filipino.
POPULASYON NG PILIPINAS NA NAKAUUNAWA, NAKAKABASA, NAKAPAGSASALITA, AT
NAKASUSULAT SA WIKANG FILIPINO
92% - nakauunawa sa wikang Filipno
88% - nakakabasa
83% - nakakapagsalita
82% - nakakasulat
86% - kabuuang sambayanan na nakapagsasalita sa wikang Filipino
ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA
Proklama Blg. 12 (1954, Marso)
-nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanngang
Abril 4 taun-taon sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.
Proklama Blg. 186 (1955, Set.23)
-nasusog sa Proklama Blg. 12 serye 1954 na sa pamamagitan nitoy inilipat ang panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula ika-13 hanngang ika-19 ng
Agosto.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967, Okt.24)
-nagtatadhana na nag lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa
Pilipino.
ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA
Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968, Marso 27) - nagbibigay-diin sa pagpapairal ng
Kautusang Tgapagpaganap Blg. 96
-iniaatas din na ang mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay ng
pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.
-iniaatas din na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng
pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968, Agosto 5)
-nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa
pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika.
ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1968, Agosto 6)

-nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na


gamitin ang wikang Pilipino hanggat maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa
lahat ng ofisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
Memorandum Sirkular Blg. 277 (1969, Agosto 7)
-bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng
pamahalaan na dumalo sa lahat ng pook ay masaklaw ng kilusang pangkapulungan sa
pagpapalaganap ng Wikang Pambansa.
ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA
Memorandum Sirkular Blg. 384 (1970, Agosto 17)
-nagtatalaga ng may kakayahang tauhan upang mamahala ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat
ng departamento, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang
korporasyong ari at kontrolado ng pamahalaan.
Memorandum Sirkular Blg. 443 (1971, Marso 4)
-hinihiling sa lahat ng tanggapang pamahalaan ng magdaraos ng palatuntunan sa alaala ng ika183 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco Baltazar sa Abril 2, 1971.
ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (1971, Marso 16)
-magpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang kapangyarihan at
tungkulin.
Memorandum Sirkular Blg. 488 (1971, Hulyo 29)
-humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19.
Kautusang Panlahat Blg. 17 (1971, Dis. 1)
-ang panukalang Saligang Batas ng 1972 ay limbagin sa Pilipino at Ingles sa Official
Gazette at mga pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebisito para sa
ratifikasyon ng Saligang Batas noong Enero 15, 1973.
ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA
Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972, Dis)
-nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang-Batas ay isalin sa mga wikang
sinasalita ng may limampung libong (50,000) mamamayan alinsunod sa probisyon ng SaligangBatas. (Art. XV, Sec. 3 [1]).
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974, Hunyo 9)
-nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga
paaralan na magsisimula sa taong 1974-1975.
ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA

1974, Okt. 22
-nagpalabas ng pahintulot sa Surian ng Wikang Pambansa na makapagdaos ng mga
palingkurang pagsasanay, seminar, gawaing kapulungan at iba pang kauring Gawain
tungkol sa bilinggwalismo para sa mga pinunot tauhan ng lahat ng tanggapang
pamahalaan, sa lahat ng guro, professor, pinunot tagapangasiwa ng mga paaralan.
Kautusan Blg. 22 (1978, Hulyo 21)
-nagtatadhana na ang Pilipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo. Simula sa
unang semester ng taong 1979-1980, ituturo ang anim na yunit ng Pilipino sa kolehiyo:
Pilipino I (3 yunit) Sining ng Pakikipagtalastasan (Communication Arts) at Pilipino II (3
yunit) Panitikang Pilipino; Pahapyaw na Kasaysayan at mga Piling Katha (Surveys and
Readings Of Literature in Pilipino).
TADHANANG PANGWIKA SA KONSTITUSYON NG REPUBLIKA NG PILIPINAS,
1987
ARTIKULO XIV
Artikulo XIV, seksyon 6 (1987) -- Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at iba pang mga wika.
seksyon 6midyum ng opisyal na komunikasyon
seksyon 7 Wikang Opisyal ng PilipinasFilipino; wikang pantulong ng mga wikang opisyal
sa mga rehiyon at pantulong sa pagtuturo.

TADHANANG PANGWIKA SA KONSTITUSYON NG REPUBLIKA NG PILIPINAS,


1987
ARTIKULO XIV
Kautusang Blg. 52 Pinalabas ni Kalihim Lourdes Quisumbing ang pag-uutos na gamitin ang
wikang Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa paaralan kaalinsabay ng Ingles.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990) Iniutos ni Kalihim Isidro Cario na gamitin ang wikang
Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang batas at sa bayan natin.

You might also like