You are on page 1of 12

PRAYMER

Inihanda ng;

Sa pakikipagtulungan sa;

MARSO 2013

MGA TUNGKULIN AT
PAKIKIBAKA SA
HACIENDA LUISITA SA
KASALUKUYANG YUGTO

UMA

Introduksyon
Layunin ng praymer na ito ang mga sumusunod:
1. Mailinaw sa lahat ng mga Manggagawang Bukid (MB) sa
Hacienda Luisita (HL) ang antas ng pakikibaka pagkatapos
ng pinal na desisyon ng Korte Suprema at paano isusulong
ang laban sa gitna ng mga maniobra at sabwatan ng pamilya Cojuangco-Aquino at DAR.
2. Mapalakas ang hanay ng mga MB na maharap at masiguro
na madedepensahan at maisulong ang mga inisyal na
tagumpay.
3. Mailinaw sa publiko, mga kaibigan at alyado ang laban sa
HL para sa tuloy-tuloy na suporta at maging bahagi sila ng
pakikibaka sa HL.
4. Magsilbing gabay upang magamit sa propaganda at
edukasyon sa hanay ng mga MB para sa tuloy-tuloy na
pagpapalawak at pagkokonsolida ng kanilang hanay.
5. Lubusang mailantad ang Hacienderong pangulong Aquino
bilang kontra magsasaka at kinatawan ng PML at malalaking burgesya komprador sa ating bansa.
6. Maging tuntungan ito sa patuloy na pagkakaisa at pagkilos
ng mga MB sa pagsusulong at pagpapaunlad ng kolektibong pagbubungkal ng lupain ng HL.
7. Mailinaw ang kabuuang pagsusuri, tungkulin at pagsusulong ng pakikibaka sa HL sa kasalukuyang yugto.
___________________________________________________________

1. Paano napunta sa mga Cojuangco-Aquino


ang Hacienda Luisita at ano ang maikling
kasaysayan nito?

Ang lupain ng Hacienda Luisita ay binubuo ng 6,453


ektarya. Sumasaklaw ito sa 10 baranggay sa mga bayan ng
La Paz, Concepcion at Tarlac City sa Probinsya ng Tarlac.
Ang Hacienda Luisita ay dating pagmamay-ari ng Compania General de Tabacco de Filipina o TABACALERA,

Sa mga nais tumulong sa mga magsasaka at manggagawang


bukid sa Hacienda Luisita ay maaring kumontak o magsadya
sa UMA sa mga ss:
Office Address: # 56, K-9th St. West Kamias, Quezon City
Contact no. (02) 426-9442
Website: http//umaphilippines.wordpress.com
Email: uma_pilipinas@yahoo.com.ph
Hanapin kami sa Facebook: uma_pilipinas05@yahoo.com

UMA

na reporma sa lupa sa buong bansa.

Buong lakas na idepensa at ikonsolida ang mga nakamit


nang tagumpay. Buong tatag na ipagtanggol at huwag
payagang mabuwag ang matibay na muog ng Pampulitikang
Muhon ng Bungkalan na dinilig ng dugo ng mga Martir ng
HL.

Buong giting na labanan at biguin ang lahat ng imbing pakana, mapanlinlang at mapanghating maniobra, pakana at
iskema ng pamilyang Cojuangco-Aquino na naglalayong
bawiin ang mga tagumpay at pahinain at gapiin ang nagkakaisat nakikibakang hanay ng masang magsasakat manggagawang bukid ng HL.

Magpursigi sa paghamig pa ng mga posibleng pinakamalawak at pinakamalakas na pakikiisa at simpatiya para sa


lehitimo at makatarungang pakikibaka ng masang magsasaka at manggagawang bukid para sa lupa, hustisya at katarungang panlipunan sa HL.

Higit pang paglalantad sa katangian ng Rehimeng USAquino II bilang pangunahing papet ng Imperyalismo sa
bansa, kinatawan ng panginoong may lupa at burgesya
ANG ATING MGA PANAWAGAN:
IPAGLABAN ANG LIBRENG PAMAMAHAGI SA LUPAIN NG
HACIENDA LUISITA!
ILANTAD AT LABANAN ANG KONTRA MAGSASAKA AT
HACIENDERONG PANGULONG AQUINO!
CARPER IBASURA! GARB ISABATAS!
TUNAY NA REPORMA SA LUPA IPAGLABAN!
Mga Sanggunian:
Praymer ng AMBALA at sa praymer sa isyu ng HL na tinipon ng KMU
Mga talakayan kay Atty. Jobert at SENTRA
Praymer ng GARB sinulat ng KMP at ANAKPAWIS PARTYLIST
Talakayan mula kay Ka Paeng kinatawan ng ANAKPAWIS Partylist
Mga Talakayan ng UMA at HL All Leaders Conference

isang kompanyang Espanyol.


1957 magkasabay na napasakamay
ni
Jose
Cojuangco Sr. una, ang
Central Azucarera de
Tarlac (CAT) mula sa
TABACALERA sa pamamagitan
ng
pangungutang sa Manufacturers Trust Company mula sa New York na
ginarantiyahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Pangalawa, ang
6,453
ektaryang Hacienda Luisita na ipinangutang naman sa GSIS
upang mabayaran ito.
Sa kalaunan ay inilipat ang CAT at HL sa Tarlac Development Corporation (TADECO) na pag-aari ni Cojuangco Sr.
Sa pagbili ng nabanggit na lupa ng HL, may kondisyon na
pagkalipas ng sampung taon ay ipapamahagi sa malilit na
mga magsasaka na siyang nakatira sang-ayon sa programa
ng Hustisyang Panlipunan ng administrasyong Magsaysay.
Lumipas ang 10 taon ay walang lupang naipamahagi.
1985 nagdesisyon ang Manila RTC at inutusan ang mga
pamilya Cojuangco na ilipat ang kontrol ng Hacienda Luisita sa Ministry of Agrarian Reform ng rehimeng Marcos
upang ipamahagi sa mga magsasaka.
Subalit taong 1988 ay ipinawalangsaysay ng Rehimeng Cory
Aquino ang utos ng korte at inatras ang kaso laban sa mga
Cojuangco. Sa taon ding ito naisabatas ang Comprehensive
Agrarian Reform Program o CARP. Sa ilalim nito imbes na
ipamahagi ang lupa ng HL, ipinasok ito sa iskemang SDO.
August 1988 nabuo ang Hacienda Luisita Incorporated o
HLI. Matapos ang dalawang referendum noong 1989 dito
na pinatupad ang SDO sa HL.

UMA

Ang Stock Distribution Option o SDO ay isang iskema na


mag-iiwas sa pamamahagi ng lupa dahil ginawang kompanya ang Hacienda at naging stockholders ang mga
manggagawang bukid (MB). Kaakibat sa iskemang SDO
ay ang pagpapalit gamit ng lupa, kaya ang HL ay naging
komersyal, residensyal at industriyal ang ilang bahagi nito.
Dahil sa tindi ng kahirapan at pagsasamantala na idinulot
ng iskemang SDO, madaling nagkaisa ang mga MB sa pamumuno ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Hacienda Luisita(AMBALA) para ipaglaban ang kanilang
karapatan.
Disyembre 2003, may mahigit limanglibong (5,000+) MB na
kinakatawan ng AMBALA na naghain ng petisyon sa DAR
upang ipawalang bisa ang SDO at para ipamahagi ang lupa
sa kanila.
Nobyembre 2004, naglunsad ng welga ang mga MB kasama
ang mga manggagawa sa loob ng Central Azucarera. Ang
welga ay marahas na binuwag sa utos ng pamilya
Cojuangco-Aquino gamit ang mga militar at pulis, na
nagresulta sa madugong masaker sa Hacienda Luisita
noong Nobyembre 16, 2004. Pito (7) ang patay at
maraming sugatan at mahigit isang daan ang ilegal na
ibinilanggo.
Disyembe 2005, naglabas ang Presidential Agrarian Reform
Council o PARC ng resolusyong nagpapawalang bisa sa
SDO ng HLI. Inoobliga nitong ipailalim sa CARP ang lahat
ng lupaing saklaw ng SDO.
Hunyo 2006, naglabas ng Temporary Restraining Order
(TRO) ang Korte Suprema na pumipigil sa PARC at DAR na
ipawalang bisa ang SDO. Tumagal ang TRO ng halos limang taon. Pinakamatagal na TRO sa kasaysayan ng Pilipinas.
August 2010 nagsagawa ng ilegal na referendum ang pamilya CojuangcoAquino sa loob ng HL. Gamit ang panun-

UMA

nasanay sa cash at hindi sa matiyagang pagpapaunlad


ng sakahan. Gayun man, sa tiyaga at masusing pag-aaral ng
mga bago at siyentipikong pamamaraan gamit ang prinsipyo at praktika ng sustainable agriculture, mapapangibabawan nila ang mga kahirapan.

23. Ano ang mga dapat gawin para


mapalawak at mapalakas ang pakikibaka sa HL?

Sa nakaraang yugto ng Laban ng HL, mas lalong napatunayan na pinaka epektibo at susing pampulitikang sandata ang
mahigpit na pagkakaisa na nagtataglay ng solidot konsolidadong lakas ng nakikibakang masa, na nagtitiwalat umaasa pangunahin sa sariling lakas at determinasyong lumaban
at
magtagumpay. Itoy
naging inspirasyon
at
halimbawa na sa
pakikibaka ng
uring magsasaka
sa buong bansa
Mapangahas na
patuloy na magorganisa, patuloy na pag- abot
sa
malawak
pang hanay ng
mga manggagawang bukid sa
loob ng HL.
Tipunin sila at pakilusin para isulong ang interes ng uring
magsasaka at iugnay sa kabuuang pakikibaka para tunay

UMA

pagkunan ng pagkain o
pagkakitaan ng konti gaya
ng kambing, manok, baka,
baboy, bibe, gansa at itik
na sa noon ay bawal ang
pag-aalaga ng mga hayop
bago ang welga.
Dapat
pag-aralan
at
kumbinsido ang mga magsasaka sa tinatawag na
sustainable agriculture. Sustainable agriculture o natural
farming ay isang paraan ng pagsasaka kung saan ang
binibigyan diin ay ang pagpapayaman sa lupa gamit ang
mga organikong pataba na hindi nakakasira sa mga elemento sa lupa at sa kalikasan.

Ang ganitong paraan ay nagluluwal ng malulusog na tanim


na hindi madaling tamaan ng sakit at mga peste at maganda para sa kalusugan ng tao.
Layunin nito na himukin ang magsasaka na umasa sa sarili
gaya ng paggawa ng sariling seedbank, sariling organikong
pataba, pampatay peste at iba pa. Taliwas ito sa agrikulturang inilalako ng imperyalistang mga bansa at ng gobyerno na umaasa sa mga imported, GMO- hybrid seeds na
nangangailangan ng napakarami at napakamahal na mga
chemical fertilizers, pesticides, fungicide. Resulta nito ibinabaon ang mga magsasaka sa utang, sinisira ang kalikasan.
Ang sustainable agriculture o organic farming sa simula
ay mukhang mahirap o imposibleng gawin dahil ang lupa
mismo sa deka-dekadang paggamit ng mga commercial fertilizers ay napaka-acidic na at said na said na sa natural na
pataba. Malaki ang igugugol ng mga magsasaka upang
bumalik ang natural nitong sigla. Isa pa ang mga MB ay

UMA

uhol, matinding intimidasyon at harassment, pwersahang napapirma ang nakararaming mga MB na manatili sa
SDO, at tinawag nila itong COMPROMISE DEAL. Subalit
sa ilalim ng kasunduan na ito ay maraming hindi sinunod
ang HLI. Nalantad sa mga MB ang tusong pagkilos at panlilinlang ng pamilya Cojuanco-Aquino, kayat sama-sama
muling kumilos ang mga MB at nanawagang ibasura ang
compromise deal.
Isinumite ng HLI ang
di umanoy COMPROMISE DEAL na ito sa
Korte Suprema upang
kilalanin. Subalit hindi ito kinilala ng korte
Suprema at tuluyang
naibasura ito mula sa
sama
samang
pagkilos ng mga MB.
Taong 2010 hanggang
2011 ay nabuksan ang
kaso at nagkaroon ng mga oral arguments sa Korte Suprema. Inilibas ang pinal na desisyon ng Korte Suprema
noong Abril 24, 2012.

2. Ano ang laman ng desisyon ng Korte


Suprema noong Abril 24, 2012?

Iniutos ng Korte Suprema na ipamahagi na ang 4,915


ektaryang lupa ng Hacienda Luisita (mula ito sa sakop ng
Stock Distribution Plan) sa 6,296 manggagawang bukid na
nagtrabaho simula Nobyembre 21, 1989 kung saan umiral
na ang SDO.
Ayon sa korte ay dapat din na mabayaran ang mga MB sa
Php 1.33 Bilyon mula sa pinagbentahan ng 500 ektarya sa
RCBC at LIPCO at 80.51 ektarya sa SCTEX.

UMA

Gayundin, ang magiging sukatan ng balwasyon ng lupa para sa kompensasyon sa pamilya Cojuangco-Aquino ay
magmumula sa taong 1989 kung kailan inaprubahan ang
SDO sa HL.
Sinasabi rin ng korte na wala ng babayaran ang mga MB at
hindi na maaring bawiin ng pamilya Cojuangco-Aquino sa
mga manggagawang bukid ang mga Homelots na natanggap nila.

3. Sino ang tunay na may-ari ng lupa ng


Hacienda Luisita?

Pinatunayan na sa kasaysayan, moral at legal na sa mga MB


ang lupain ng HL. Gumamit ng mga panloloko, maniobra
at pandarahas ang pamilya Cojuangco-Aquino upang patuloy na maipagkait ito sa mga MB.
Pinagtibay ng dalawang desisyon ng Korte Suprema noong
November 2011 at April 2012 na ang pagmamay-ari ng
lupain ng HL ay sa mga MB. Mula doon ay nag-uutos ang
korte na dapat na itong maipamahagi sa mga MB.
Dagdag pa pinababalik ng Korte Suprema ang Php 1.33B na
pinagbentahan ng lupa sa LIPCO, RCBC at SCTEX sa
pagkilalang sa mga MB ang lupa, kaya nararapat lamang na
ibigay ang halagang nabanggit sa mga MB.
Higit pa, lalong nagpatibay
ang pag-angkin ng mga MB
sa lupa ng HL sa huling
paglalabas ng pinal na master list ng mga pangalan ng
mga benipisyaryo o may-ari
ng lupa. Nangangahulugan
lamang ito na ipininal na ng
DAR na ang 6,212 na mga
benipisyaro ang mga nagmamay-ari na ng lupa at hindi

UMA

mga lupang sinasaka?

Maliban sa pagtanim ng tubo na nakasanayan, mas mahusay na magtanim gaya ng palay, mais at gulay. Ginagawa
na ito ng iilan at malaki naman ang kanilang kinikita.
Kailangang matutunan ito para hindi umasa sa pagsasangla
o pagpaparenta ng lupa. Kapag natutunan natin ito ay mas
malaki ang kikitain dahil wala nang ibang kahati sa
produksyon.
Dapat ding matutunan ng mga MB na ipinagbabawal ang
sistemang arendo o pagpaparenta ng lupa. Malaking pangangailangn na magkaroon ng suportang serbisyo ang mga
MB gaya ng credit facilities para sa kapital sa produksyon,
suportang binhi, makinarya, kalabaw, irigasyon at iba pa.
Gayon pa man huwag iaasa ang lahat sa mga ito sa
pagpapaunlad ng produksyon. Maging mapanlikha at mahusay sa pagpapalitaw ng mga rekurso.

22.Mainam ba ang tinatawag na


sustainable
agriculture
organic
farming?
AnoAno ang mga
sangkap nito?

Nasimulan na nating gawing produktibo ang lupa


ng iluwal ang bungkalan.
Sa mga baryo ng Bantog,
Asturias at bahagi ng
Cutcut ay umaani ng palay
mula 80-100 kaban/ekt dahil sa natural na suplay ng
tubig na nanggagaling sa
sapa at bukal. Ang iba ay nakaasa sa sahod ulan at water
pump. Dumami ang mga hayop na inaalagaan upang

UMA

kapasidad magbungkal dahil sa maysakit at matatanda na o kaya wala na dito ang kanilang kapamilya.
Ang organisasyon ng AMBALA at ULWU ang siyang may
karapatan at tungkulin na maipwesto ang ganitong mga
magsasaka sa kanilang komunidad.

20. Sa oras na ipamahagi ang lupa,


bakit mainam ang Collective CLOA
kaysa sa Individual CLOA? Ano ang
mga bentahe nito?

UMA

4. Bakit kailangan libreng ipamahagi


ang lupain ng HL sa mga MB?

Dalawa ang paraan sa pamamahagi ng lupa sa HLI,


Individual CLOA o Collective CLOA. Mas mainam ang
Collective CLOA dahil mas malakas ang paninindigan kung
marami at kolektibong pinapahalagaan ang naangking lupa. Sa programang CARPER kung saan madaling mapatalsik at mabawian ng CLOA ang isang indibidwal lalo na
paghindi siya nakabayad ng amortisasyon sa loob lang ng 3
taon. Mas mahirap patalsikin at maniobrahin ang marami.

Collective CLOA at kooperatibong produksyon ay simula


ng isang makabuluhang sosyalisadong pag-iisip at pagkilos
kontra sa maliitan at hiwa-hiwalay na sistema ng pagsasaka. Mas mabilis, maraming ulo ang mag-iisip at puno ng
kasigasigan pag maraming tao ang kumikilos.

Isa pa, mas superyor ang gawaing sama-sama at kolektibo


sa usapin ng paglilinang sa lupa. Isabuhay natin ang sistemang damayan, mutual na tulungan at bayanihan na napatunayan na sa mahabang panahon na mas epektibo ito
kaysa hiwa-hiwalay, maliitan at indibidwalistang sistema
ng pagsaka.

21. Paano gagawing produktibo ang

na ang pamilya Cojuangco-Aquino.


Batay din sa makatarungan at likas na prinsipyo, kung sino
ang nagbubungkal ay siyang may karapatang magmay-ari
ng lupa.

Makatarungan lamang na libreng maipamahgi ang lupain


ng HL sa mga MB dahil mahigit kalahating siglo na silang
pinahirapan, pinagsamantalahan at pinigaan ng lakas paggawa ng pamilya Cojuangco-Aquino.
Ang pagsasamantalang ito ay nagresulta ng ibayong
pagyaman at paglobo ng mga ari-arian ng pamilyang
Cojuangco-Aquino mula sa mga paghihirap ng mga MB.
Dagdag pa, dapat naipamahagi na ang lupa sa mga MB batay sa kasunduan ng pamilya Cojuangco at Banko Sentral
noon pang 1957.
Walang isinasaad sa ating konstitusyon at sa desisyon ng
Korte Suprema na dapat bayaran ang lupang matatanggap
ng mga MB.
Wala ring dapat bayaran ang mga MB sa programang hustisyang panlipunan na reporma agraryo.

5. Ano ang batayan bakit hindi makatarungang bigyan ng kompensasyon o


kabayaran ang mga Cojuangco-Aquino?

Labis labis na ang pinigang yaman sa lupa at sa mga MB ng


pamilya Cojuanco-Aquino sa HL sapul pa noong 1957. Mula dito, nakalikha ng pundasyon sa pulitika ang pamilyang
ito (naging Presidente ng bansa si Cory at Noy-Noy,
Gov. si Ting-ting, Cong. Si Peping). Gayundin sa
ekonomiya, nagresulta ng ibayong pagsirit pataas ang mga
pribadong yaman ng pamilya Cojuangco-Aquino mula sa

UMA

lupa, pawis at dugo ng mga MB sa HL.


Lahat ng natatamasang kayamanan at kapangyarihan ng
pamilya Cojuangco-Aquino ay nagmula sa pang-aapi at
pagsasamantala sa mga MB sa HL. Ito ang mga batayan
kung bakit hinding hindi na kailangang bayaran pa ng
kahit singko sentimo ang pamilya Cojuanco-Aquino mula
sa kabang yaman ng ating bayan.
Bukod pa, pinagkakitaan na ang malaking bahagi ng lupa
mula sa pagbebenta sa LIPCO, Las Haciendas, DPCH atbp.

6. Bakit walang maidudulot na kabutihan ang CARP, CARPer sa mga MB sa


HL?

Ayon sa huwad na batas na CARPer ay kailangan kilalanin


ng diumanoy may ari ng lupa na dito ay ang pamilya
Cojuangco-Aquino ang mga magiging benipisyaryo sa lupa.
Dahil dito maari niyang ipagkait ang lupa sa mga MB na
lumalaban sa kanya.
Bukod pa, kailangang magbayad ng mataas na amortisasyon taon-taon sa lupa sa loob ng 30 taon ang mga benipisyaryo.
Nakaamba rin na maaring bawiin ang lupa kung hindi
makakabayad sa loob ng tatlong sunod sunod na taon ang
benipisyaryo nito.
Nariyan rin ang mga mapanlinlang na iskema tulad ng
SDO, Lease Back, Joint Venture at Corporative Scheme na
mag-iiwas sa pisikal na pamamahagi ng lupa. Pinapayagan
din ang kumbersyon mula sa agrikultural na gamit tungo
sa komersyal na magpapaalis sa mga magsasaka.
Maari pa ring kanselahin ang CLOA ng mga benipisyaryo
anumang oras na gustuhin ng gobyerno para bigyang daan
ang mga huwad na proyektong nais isagawa nito katulad ng
minahan, tourist attraction, golf course at iba pa.

UMA

ng gobyerno para sa interes ng kanyang pamilya at


uring kinabibilangan at pinaglilingkuran.

18. Anu-anong dapat gawin para maging


matibay ang paninindigan ng mga MB
sa pakikibaka sa lupa sa HLI?

Isa na dito ang BUNGKALAN bilang pampulitikang mohon


ng ating pakikibaka. Ang bungkalan din ay legal na ekpresyon ng paggigiit natin sa lupa. Nararapat lamang na
bungkalin ang malawak na agrikultural na lupa ng HL para
sa kapakinabangan ng libo-libong pamilya ng mga manggagawang bukid.
Habang naghihintay sa walang katiyakang pamamahagi ng
lupa mula sa DAR, nararapat lamang na saklawin natin sa
pinakamalawak na kakayanin natin ang mga lupang atin
nang nasimulang bungkalin. Ito ang magtitiyak na hindi
tayo mapapaalis at magsisilbing pundasyon ito ng ating
paggigiit sa karapatan sa lupa.
Gayundin magtitiyak ito na may pagkukunan ng ikabubuhay ang mga manggagawang bukid sa mga produktong
iluluwal ng bungkalan. Habang tuloy-tuloy at determinado
tayong nakikibaka para tuluyang mapasakamay natin ang
lupain ng HL.

19. Maaari bang makasama sa bungkalan kahit ang mga hindi nakasama sa
pinal na listahan ng mga benipisyaryo?

Oo. Ang pagbubungkal ng lupa ay hindi lang sa mga MB


kundi sa mga magsasakang handang magbungkal at aktibo
sa pakikibaka sa HL. Maaari silang isama sa mga kolektibong pagsasaka lalo na sa mga MB na papasok sa Collective CLOA o Certificate of Land Ownership Award.
Maaari din silang magsaka sa mga lupa ng MB na wala ng

UMA

ng kompensasyon ang
Cojuangco Aquino dahil
naangkin nila ang lupa ito
sa pamamagitan ng panloloko, maniobra, dahas at
pagsasamantala sa mga
MB.
5. Pagbabayad ng 1.33 Bilyon
sa
mga
MB
bilang
kabayaran sa kanila ng lupang ipinagbili ng HLI sa RCBC at SCTEX. Atpagtiyak na
ang mga MB ang pipili ng audit firm.
6. Pagbabantay sa ginagawang survey. Huwag itong ipaubaya
sa surveying firm lamang, bagkus ang mga MB ang siyang
may malaking kaalaman sa mga hangganan ng lupa.
7. Militanteng pagigiit sa kawalang aksyon ng DAR sa
Petition to Recall Conversion Order at Petisyon para sa
Cease and Desist Order sa pagbabakod ng RCBC. Sagot
natin ang organisadong paggi-giit sa karapatan sa ilegal na
pag-angkin ng lupa ng RCBC.
8. Pagpapawalang bisa sa mga isinampang gawa-gawang kasong kriminal laban sa mga lider-magsasaka sa Hacienda
Luisita at pagpapalaya sa mga lider na ilegal na ibinilanggo.
9. Hustisya para sa mga biktima ng Luisita Masaker at iba
pang mga biktima ng EJK at Human Rights Violations sa
Hacienda Luisita. Pagtanggal sa mga detachments ng Militar sa loob ng HL at itigil ang pagrerekluta ng mga CAFGU.
10.Masusing pagmamanman at pagsusuri ng mga nakapaing
iskemang patibong tulad ng joint venture arrangement,
corporative, leaseback, ARC, ang SDO- type or SDO-clone
courtesy of CARPer Law (RA 9700).
11. Pagtindi pa ng mapanghatit mapanlinlang na pakana at
maniobra ng pamilyang Cojuangco- Aquino.
12.Habang nasa pwesto ang Hacienderong Pangulong Aquino
gagamitin nito ang poder pampulitika at lahat ng rekurso

UMA

7. Bakit kailangang ipaglaban na maisabatas ang GARB?

Dahil ang Genuine Agrarian Reform Bill o GARB ay isang


programa upang
kamtin ang panlipunang hustisya
para sa mga magsasaka.
Layunin nito ang
pagbuwag sa monopolyo sa lupa
ng mga PML,
dayuhang korporasyon at libreng
pamamahagi ng
lupa sa mga magsasaka at mga manggagaang bukid.
Layon din nitong pawiin ang pagsasamantalang pyudal at
malapudal sa kanayunan at likhain ang isang sistemang
magpoprotekta laban sa muling pagbawi o pag-agaw ng lupa
sa mga magsasaka.
Dagdag pa, tuloy tuloy na pagbibigay ng suportang serbisyo
sa mga magsasaka upang maiangat ang antas ng pamumuhay at pataasin ang produktibidad at kita ng mga magsasaka.

8. Anu-ano ang mga maniobra ng


C0juangco-Aquino para mapanatili ang
kontrol sa lupa?

Hanggat nananatili ang maka-panginoong may lupang batas


na CARPer ay laging may puwang sa maniobra ang
Cojuangco-Aquino para hindi maipamahagi ang Hacienda
Luisita. Patunay dito ang paghingi ng malaking kompen-

UMA

mahagi upang malinang at mapakinabangan sa


produksyon na papakinabangan ng bawat pamilya ng mga
MB.

Ngunit dahil ipinaubaya niya ito sa DAR maari pang magapila ang HLI hanggang sa Korte Suprema. Hindi basta papayag ang mga Cojuangco na hindi sila mabayaran sa presyong nais nila at magdudulot ito ng pagkabinbin o pagtagal ng pamamahagi ng lupa.
Tiniyak din ni Pnoy na kakampi nya ang Korte Suprema sa
pagtalaga niya kay CJ Sereno na kahit wala na siya sa pwesto ay maipagtatanggol pa rin ang interes nito.

17. Ano ang mga hakbangin para labanan ang mga maniobra ng mga
Cojuangco-Aquino at DAR?

9. Ano itong kailangan pirmahang


promissory note?

UMA

sasyon ng pamilya Cojuangco-Aquino kahit may desisyon na ang Korte Suprema na batay sa 1989 valuation
ang lupa.

Garapalang niluto ng Cojuangco-Aquino at DAR ang nakalalasong panlalansi na kailangan umanong pumirma ng
promissory note na nangangako at obligado ang bawat
benipisyaryo sa lupa na magbabayad sa lupang matatanggap nila. Ayon pa sa HLI at DAR Kung hindi umano
nila gagawin ito ay awtomatikong tatanggalin sila bilang
mga benipisyaryo sa lupa.
Walang sinasaad sa ating
saligang batas at maging sa
April 24, 2012 na desisyon ng
Korte
Suprema
na
kailangang pumirma ng
isang
promissory
note
upang maging benipisyaryo
sa lupa ang MB.
Kaya walang batayan na arbitraryo o bigla na lamang
tatanggalin
ang
isang
benipisyaryo sa lupa dahil
lamang sa pagtanggi nito na

Simulat-sapul ginawa ng mga Cojuangco-Aquino ang kaliwat-kanang mga maniobra para gipitin ang mga magsasaka sa HL at tuluyan ng mangibabaw ang kanilang
marahas, mapanlinlang at malagim na mga plano. Ngunit
nilabanan ito ng mga magsasaka hanggang makamit ang
panimulang tagumpay ng magdesisyon ang korte suprema
noong April 24, 2012.

Gayunpaman, HINDI PA TAPOS ANG LABAN sa HL.


Nananatili ang malalaking hamon at mabibigat na tungkulin
para gawing lubos at ganap ang tagumpay habang idinedepensa at kinokonsolida ang mga nakamit nang
tagumpay. Kailangang mapagpasyang harapin, igpawan, baklasin o gibain ang mga nakaharang na balakid tulad ng mga
sumusunod:
1. Pagpataw ng pagbabayad ng land amortization (Igiit natin
ang FREE LAND DISTRIBUTION o Libreng pamamahagi ng lupa!)
2. Pag-reject o pagtutol sa pagpapapirma ng promissory note
ng Cojuangco-Aquino at DAR.
3. Paglaban sa mga pakanang maniobra ng HLI hinggil sa
proseso ng pag-aaudit at pagpili ng auditing firm.
4. Pinal na determinasyon sa just compensation. Tutulan at
labanan natin ang ganid na 5 Bilyong piso na hinihingi ng
pamilya Cojuangco-Aquino. Hindi na dapat tumanggap

UMA

UMA

pirmahan ang isang promissory note.

sa HLI?

Alam na alam ng mga kumpanyang ito na may legal na


usapin at kasong kinakaharap ang HLI. Tusong pinagkaisahan nila sa pangunguna ng pamilya Cojuangco-Aquino ang
pagbenta at pagbili ng lupa sa loob ng Luisita upang ipasok
ito sa land conversionpara makaiwas sa saklaw ng ipapamahagi at magkaroon pa ng ibayong ganansya.
Naganap ang bentahan katatapos pa lang ng madugong
masaker sa mga manggagawang bukid ng HLI. Hindi nila
pwedeng sabihin na wala silang alam na may nagaganap na
tunggalian sa pagmamay-ari ng lupa samantalang alam na
ito sa buong mundo.

16. Bakit makatarungan na ipamahagi


at maibalik sa mga MB ang 500 ektarya
na ilegal na binili ng RCBC?

Una, hindi makatarungangan ang bentahan batay sa nasabi na sa taas.


Ikalawa, bilang bahagi ang mga manggagawang bukid na
may-ari ng HLI ay hindi sila nasabihan sa gaganaping
bentahan.
Ikatlo, hindi sinunod ng RCBC ang kondisyon na sa loob ng
limang taon matapos aprubahan ang kumbersyon (1996 pa
naaprubahan ang kombersyon sa lupa ay sisimulan nitong
idebelop ang lupa at maglilikha ng trabaho para sa mga
MB. 17 taon na ang nakakalipas subalit wala pa ring
debelopment.
Ikaapat, labag din sa batas sa Bangko ang magmayari ng
lupa lagpas sa limang ektarya ng hindi nito nasasakupan at
walang ginagawang debelopment.
Panghuli, nanatiling tiwangwang at agrikultural ang lupa
kayat nararapat lamang na maisama ito sa kabuuang ipapa-

10. Ano ang papel ng DAR sa mga maniobra?

Ang departamentong ito ang nagpapatupad sa huwad na


batas na CARPer at ang kalihim nito ay itinatalaga ng
pangulo. Bilang inaasahang kakampi at may utang na loob
sa pangulong Aquino, titiyakin nito ang pagiging sunod
sunuran sa mga utos nito.
Patunay dito ang kawalang aksyon sa mga inihain nating
reklamo kaugnay sa nararapat na bilang ng mga benipisyaryo sa lupa, rebokasyon sa kumbersyon order sa RCBC, pagpili sa auditing firm na tutuos sa Php 1.33 Bilyong piso na
pera ng mga manggagawang bukid, sa gaganaping pagsarbey at sa napakatagal na distribusyon ng lupa.
Nakatitiyak tayong ang DAR ay laging ang interes ng hacienderong pangulo ang uunahin bago ang mga magsasaka.
Halimbawa na lang ang mga papuring ibinibigay ng
pangulong Aquino na tiwala at suportado nito ang kalihim
na si Delos Reyes sa pamamalakad sa DAR.

11. Bakit kailangang bantayan ang ginagawang pagsa-sarbey ng lupain ng HL?

May malinaw na planong paliitin ng DAR at Administrasyong Aquino ang ipapamahaging lupa sa mga MB. Maboladas nilang isinisigaw na kailangan umanong alisin pa
sa ipapamahagi ang common areas tulad ng mga kalsada,
kanal, at iba pang maiimbento nilang pwedeng itapyas sa
lupa.
Malinaw na isinasaad sa desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi ang 4,915 ektaryang lupaing agrikultural. At nagaatas din na hanapin pa ang mga tiwangwang na lupain na
maaaring maging produktibo sa agrikultura at isama sa
mga ipapamahagi.

UMA

Walang inuutos na tapyasin o bawasan pa ang lupang agrikultural,sapagkat 1989 pa lamang ay malinaw ng
natukoy at naalis sa sukat ng lupaing agrikultural ang mga
dapat tanggalin. Dito pa lamang ay naihiwalay na kung alin
ba ang mga komun na lugar tulad ng mga daan at residensyal.
Gayundin, lumitaw na overpriced ang kontrata ng DAR sa
mga surveyor na kinakatawan ng F.F. CRUZ Construction
Company. Dahil dito nabahiran na ito ng mga nilutong resulta, tiyak tayong paliliitin ang lupang paghahatian sa gagawing pagsasarbey.

12. Bakit kailangang pagbayarin ang


HLI ng Php 1.33 Bilyon sa mga manggagawang bukid?

Kinilala sa Abril 24, 2012 sa desisyon ng Korte Suprema na


sa mga mangagawang bukid ang lupain ng Hacienda Luisita. Dahil dito ipinababalik ng korte ang bahagi ng mga MB
at dapat silang bayaran mula sa pinagbentahan ng lupa sa
LIPCO, RCBC at SCTEX.
Para siguruhin na tama ang halagang tatanggapin ng mga
MB ay inatasan ng Korte Suprema ang DAR na kumuha ng
kwalipikado at mapagkakatiwalaang Auditing Firm, batay
sa kagustuhan ng mga MB upang mapag-aralan ng husto
ang libro ng HLI.

UMA

prema na nagastos na umano ang pera at wala ng


natitira.

14. Ano ang mga maniobra ng DARAquino sa proseso ng pag-aaudit?

13. Bakit kailangang i-audit mula 1989


ang HLI?

Titiyakin sa gaganaping audit ang paghahanap kung


lehitimo nga ba ang ginawang paggastos ng HLI sa Php
1.33B halaga na napagbentahan ng lupa. Dahil sa mga
naunang pahayag ng mga abogado ng HLI sa Korte Su-

Nais nating makita kung sa tama o lehitimo nga ba ginastos ito. Higit pa dito, nais nating hanapin kung paano
makakabayad sa mga manggagawang bukid ang HLI mula
sa mga natitira nilang mga ari-arian.

Binabraso ng DAR-AQUINO ang proseso ng panuntunan


ng pag audit. Nais nilang ang mag-aaudit sa HLI ay ang
mga tao nila mismo sa ngalan ng REYES-TACANDONG
audit firm. Ang mga tauhan nito ay dati ng nag-audit sa
HLI at nagsasabing lugi at walang kinikita ang HLI.
Sa ngayon kung ipipilit ng DAR-AQUINO na itong REYESTACANDONG audit firm ang mag aaudit sa HLI, nakatitiyak tayong walang makukuhang 1.33 Bilyon ang mga
mangagawang bukid.
Pinipilit ng DAR-AQUINO na bahagi umano sa pipili na
kung sino ba dapat ang mag-aaudit o tutuos sa HLI ay ang
HLI mismo sa pamumuno ng pamilya Cojuangco-Aquino.
Taliwas ito sa batas ng pag-aaudit na hindi dapat
makiaalam o sumali sa anumang proseso ng panuntunan
ng panglabas na audit ang ino-audit tulad ng HLI, dahil nawawala ang balanse at independence ng sinumang audit
firm na pipiliing tagapag-audit.
Dapat ang ultimong may karapatang pumili kung sino
dapat ang mag-audit ay ang mga benipisyaryo ng Php 1.33 B
at kung gayon ang 6,212 na mga MB na kinakatawan
mayorya ng organisasyong AMBALA ang siyang may
karapatan.

15. Bakit ilegal ang pagbili ng RCBC,


LIPCO at LRC sa 500 ektarya na lupa

You might also like