You are on page 1of 4

1.

Kahit kayong mag-asawa lang ang nag-uusap, iwasan ang panunuya at


pagbibigay ng bansag. Sa sinaunang Israel, nagalit si Mical sa kaniyang
asawang si Haring David. May panunuya niyang sinabi na ito ay kumilos
na gaya ng isa sa mga taong walang-isip. Nasaktan si David, at hindi rin
natuwa ang Diyos sa kaniyang sinabi. (2 Samuel 6:20-23) Ang aral? Kapag
kausap mo ang iyong asawa, maging maingat sa iyong sinasabi. (Colosas
4:6) Si Phil, walong taon nang kasal, ay umamin na paminsan-minsan ay
nagtatalo pa rin silang mag-asawa. Napansin niya na may mga
pagkakataong mas lumalala ang sitwasyon dahil sa sinasabi niya. Naisip
ko na hindi mahalagang manalo sa argumento, dahil ang totoo, talo pa
rin ako. Mas kasiya-siya at kapaki-pakinabang kung patitibayin ko na lang
ang aming relasyon.
2. Tapat na mananamba ni Jehova si Natan, kaya buong-puso niyang sinangayunan ang plano ni David na itayo ang unang permanenteng sentro ng
dalisay na pagsamba sa lupa. Pero nang pagkakataong iyon, lumilitaw na
ipinahayag ni Natan ang sarili niyang opinyon at hindi siya nagsalita sa
pangalan ni Jehova. Nang gabing iyon, inutusan ng Diyos ang propeta na
maghatid ng naiibang mensahe sa hari: Hindi si David ang magtatayo ng
templo ni Jehova, kundi isa sa mga anak ni David. Pero isiniwalat ni Natan
na makikipagtipan ang Diyos kay David upang ang kaniyang trono ay
maitatag nang matibay hanggang sa panahong walang takda.2 Sam.
7:4-16.
Hindi kasuwato ng kalooban ng Diyos ang pangmalas ni Natan sa
pagtatayo ng templo. Pero sa halip na magreklamo, ang
mapagpakumbabang propetang ito ay nagpasakop at nakipagtulungan sa
layunin ni Jehova. Napakagandang tularan natin si Natan kapag itinutuwid
tayo ni Jehova! Ipinakikita ng mga ginawa niya nang maglaon na hindi
niya naiwala ang pagsang-ayon ni Jehova. Sa katunayan, lumilitaw na
ginamit ni Jehova si Natan, kasama ang tagapangitain na si Gad, para
tagubilinan si David sa pag-oorganisa ng 4,000 manunugtog sa templo.
1 Cro. 23:1-5; 2 Cro. 29:25.
3. Pag-usapan natin kung bakit ganito ang ginawa ni Natan. Kapag nahulog
ang loob ng isang indibiduwal sa isang tao, mahihirapan siyang mag-isip
nang tama. Lahat tayo ay may tendensiyang ipagmatuwid ang sarili kapag
kuwestiyunable ang ating ginagawa. Pero dahil sa ilustrasyong ginamit ni
Natan, di-sinasadyang hinatulan ni David ang kaniyang sarili. Kitang-kita
ng hari na napakasama ng ginawa ng lalaki sa ilustrasyon. Pero saka
lamang sinabi ni Natan na si David ang lalaking iyon matapos humatol si
David. Nakita ni David kung gaano kabigat ang kaniyang kasalanan. Kaya
naman nasa tamang kalagayan na siya ng isip para tumanggap ng saway.
Inamin niyang hinamak niya si Jehova dahil sa pangangalunya niya kay
Bat-sheba, at tinanggap niya ang kaukulang pagsaway.2 Sam. 12:9-14;
Awit 51, superskripsiyon.

Ano ang matututuhan natin dito? Tunguhin ng isang guro ng Bibliya na


tulungan ang kaniyang mga tagapakinig na makagawa ng tamang
konklusyon. Iginagalang ni Natan si David kaya naman naging mataktika
siya. Alam ni Natan na sa kaibuturan ng kaniyang puso, si David ay
matuwid at makatarungan. Sa pamamagitan ng kaniyang ilustrasyon,
inantig ng propeta ang puso ni David para lumitaw ang makadiyos na mga
katangiang ito. Matutulungan din natin ang taimtim na mga indibiduwal na
maunawaan ang pangmalas ni Jehova. Paano? Kung aantigin natin ang
kanilang pag-ibig sa katuwiran nang hindi nagmamagaling o nagbabanalbanalan. Ang Bibliya, hindi ang ating personal na opinyon, ang dapat
nating maging awtoridad pagdating sa tama at mali.
4. Bakit madaling nadaya ni Absalom ang mga Israelitang iyon? Marahil
ninasa nila ang mga bagay na ipinangako niya sa kanila. O baka naman
nadala sila ng kaniyang kakisigan. Anuman ang dahilan, ito ang tiyak:
Hindi sila matapat kay Jehova at sa kaniyang hinirang na hari. Sa ngayon,
ginagamit ni Satanas ang mga Absalom para nakawin ang puso ng mga
lingkod ni Jehova. Baka sabihin nila, Napakahigpit ng mga pamantayan ni
Jehova. Pero tingnan mo ang mga hindi naglilingkod sa kaniya. Ang sayasaya nila! Tatanggihan mo ba ang ganiyang kasuklam-suklam na mga
kasinungalingan at mananatiling tapat sa Diyos? Kikilalanin mo ba na
tanging ang sakdal na kautusan ni Jehova, ang kautusan ng Kristo, ang
aakay sa iyo sa tunay na kalayaan? (Sant. 1:25) Kung gayon, pahalagahan
mo ang kautusang iyan at gamitin ang iyong kalayaan sa paraang
nakalulugod kay Jehova.Basahin ang 1 Pedro 2:16.
5. Nang bandang huli, nakarating si David at ang kaniyang mga tauhan sa
lunsod ng Mahanaim. Doon, may nakilala silang tatlong matapang na
lalakisina Sobi, Makir, at Barzilai. Handa nilang isapanganib ang kanilang
buhay upang tulungan ang haring hinirang ng Diyos. Alam nila na kung si
Absalom ay tuluyang maging hari, tiyak na parurusahan niya ang
sinumang tumulong kay David. Yamang alam ng tatlong tapat na sakop na
ito ang kalagayan ni David at ng kaniyang mga tauhan, nagdala sila ng
mga kinakailangang suplay, gaya ng mga higaan, trigo, sebada, binusang
butil, habas, lentehas, pulot-pukyutan, mantikilya, at tupa. (Basahin ang
2 Samuel 17:27-29.) Ang namumukod-tanging katapatan at
pagkamapagpatuloy ng tatlong lalaking ito ay nakaantig sa puso ni David.
Hinding-hindi nga malilimutan ni David ang kanilang ginawa para sa
kaniya!
Gayunman, sino ba talaga ang naglaan kay David at sa kaniyang mga
tauhan ng kanilang mga pangangailangan? Kumbinsido si David na
nagmamalasakit si Jehova sa kaniyang bayan. Talagang kayang-kaya ni
Jehova na pakilusin ang kaniyang mga lingkod para tulungan ang kanilang
kapuwa mananamba na nangangailangan. Kapag binubulay-bulay ang
nangyari sa lupain ng Gilead, tiyak na naiisip ni David na ang kabaitang
ipinakita ng tatlong lalaking iyon ay kapahayagan ng maibiging
pagmamalasakit ni Jehova. Nang malapit nang mamatay si David, isinulat
niya: Isang kabataan ako noon, ako ay tumanda na rin, gayunmay hindi

ko pa nakita ang matuwid [kasama na siya] na lubusang pinabayaan, ni


ang kaniyang supling na naghahanap ng tinapay. (Awit 37:25) Nakaaaliw
ngang malaman na hindi maigsi ang kamay ni Jehova!Kaw. 10:3.
6. Hindi rin natin dapat hayaan ang pagkakaiba ng kultura, lahi, o etnikong
pinagmulan na maging sanhi ng pagtatangi o alitan. Sa halip, dapat nating
makita ang magagandang katangian ng iba. Pinatunayan ng halimbawa
nina Ittai at David na ang pagkakaroon ng kaalaman at pag-ibig kay
Jehova ay makatutulong sa atin na mapagtagumpayan ang pagtatangi.
7. Ang ulat tungkol kay Barzilai ay nagdiriin na kailangan nating maging
makatuwiran. Sa isang panig, hindi natin dapat tanggihan o iwasan ang
isang pribilehiyo ng paglilingkod dahil ayaw natin ng pananagutan o iniisip
nating hindi natin kayang gampanan ang isang responsibilidad. Kayang
punan ng Diyos ang ating mga kakulangan kung aasa tayo sa kaniya para
sa lakas at karunungan.Filipos 4:13; Santiago 4:17; 1 Pedro 4:11.
Sa kabilang panig, dapat nating tanggapin ang ating mga limitasyon.
Halimbawa, marahil ay labis nang abala ang isang Kristiyano sa
espirituwal na mga gawain. Napag-isip-isip niya na kung tatanggap pa siya
ng karagdagang mga atas, baka mapabayaan na niya ang makaKasulatang mga pananagutan gaya ng paglalaan para sa kaniyang
pamilya. Sa gayong kalagayan, hindi ba pagpapakita ng kahinhinan at
pagiging makatuwiran sa kaniyang bahagi kung tatanggihan niya ang
karagdagang mga atas sa kasalukuyan?Filipos 4:5; 1 Timoteo 5:8.
8. no ang kahulugan para sa atin ng mga salita ni David? Hindi nagbabago si
Jehova. (Santiago 1:17) Hindi nagbabago ang kaniyang mga pamantayan
at lagi niyang tinutupad ang kaniyang mga pangako. Sa isa pang awit ni
David, ganito ang sinabi niya tungkol kay Jehova: Hindi niya iiwan ang
kaniyang mga matapat.Awit 37:28.
Mahalaga kay Jehova ang ating katapatan. Pinahahalagahan niya ang
ating pagsunod sa kaniya, at hinihimok niya tayong tularan ang kaniyang
katapatan sa pakikitungo sa iba. (Efeso 4:24; 5:1) Kung magpapakita tayo
ng katapatan, makakaasa tayong hindi niya tayo pababayaan. Biguin man
tayo ng mga tao, makapagtitiwala tayong kikilos si Jehova nang may
katapatan para sa atin. Tutulungan niya tayong mapagtagumpayan ang
anumang pagsubok. Dahil dito, hindi ka ba lalong napapalapt kay Jehova,
ang Isa na matapat?Apocalipsis 16:5.
9. Alam ni Natan na si Solomon ang hahalili sa trono ng may-edad nang si
David. Kaya hindi nagpatumpik-tumpik si Natan nang tangkain ni Adonias
na agawin ang trono noong mahina na si David. Muling ipinakita ni Natan
ang pagiging mataktika at matapat. Una, hinimok niya si Bat-sheba na
ipaalaala kay David ang pangako nito na si Solomon na kanilang anak ang
magiging hari. Pagkatapos, humarap mismo si Natan sa hari para itanong
kung may pahintulot ni David ang paghalili ni Adonias sa hari. Nang
makita ng hari kung gaano kaselan ang sitwasyon, inutusan niya si Natan

at ang iba pang tapat na mga lingkod na pahiran at iproklama si Solomon


bilang hari. Nabigo ang kudeta ni Adonias.1 Hari 1:5-53.
Batay sa maiikling ulat ng Kasulatan tungkol kay Natan, maliwanag na isa
siyang mapagpakumbaba pero masigasig na tagapagtanggol ng kaayusan
ng Diyos. Mabibigat na pananagutan ang ibinigay sa kaniya ng Diyos na
Jehova. Bulay-bulayin natin ang mga katangian ni Natan, gaya ng
pagkamatapat sa Diyos at matinding pagpapahalaga sa Kaniyang mga
kahilingan. Sikapin nating tularan ang gayong mga katangian.
Malamang na hindi ka naman aatasang sumaway ng mapangalunyang
mga hari o sumugpo ng mga kudeta. Pero sa tulong ng Diyos,
makapananatili kang matapat sa kaniya at maitataguyod mo ang kaniyang
matuwid na mga pamantayan. Puwede ka ring maging matapang pero
mataktikang guro ng katotohanan at tagapagtaguyod ng dalisay na
pagsamba.
10.Lalong sumam ang sitwasyon ni Solomon nang maging hari na siya.
Nakipag-alyansa [si Solomon] kay Paraon na hari ng Ehipto ukol sa pagaasawa at kinuha niya ang anak ni Paraon at dinala ito sa Lunsod ni
David. (1 Hari 3:1) Naging mananamba ba ni Jehova ang babaing
Ehipsiyo na ito, gaya ni Ruth? Hindi sinasabi ng Bibliya. Sa halip, sinasabi
nito na nagtayo si Solomon para sa babaing ito (at marahil para sa
kaniyang mga alilang Ehipsiyo) ng bahay sa labas ng Lunsod ni David.
Bakit? Sinasabi ng Kasulatan na ginawa iyon ni Solomon dahil hindi
angkop para sa isang mananamba ng huwad na mga diyos na manirahan
malapit sa kaban ng tipan.2 Cro. 8:11.
Baka iniisip ni Solomon na titibay ang ugnayan ng Israel at Ehipto kung
mapapangasawa niya ang isang prinsesang Ehipsiyo. Pero tama bang
katuwiran iyan? Malaon nang ipinagbabawal ng Diyos ang pakikipagasawa sa paganong mga Canaanita. Inisa-isa pa nga niya ang mga
bansang Canaanita na dapat nilang iwasan. (Ex. 34:11-16) Nagdahilan
kaya si Solomon na hindi naman kasama ang Ehipto sa mga bansang
binanggit ng Diyos? Kung ganiyan ang katuwiran niya, tama ba ito? Ang
totoo, ipinagwalang-bahala niya ang panganib na binanggit ni Jehovana
maitatalikod ng isang banyagang asawa ang isang Israelita mula sa tunay
tungo sa huwad na pagsamba.Basahin ang Deuteronomio 7:1-4.
Matututo ba tayo sa babalang halimbawa ni Solomon? Baka ipagmatuwid
ng isang sister ang pakikipagligawan sa isang di-kapananampalataya,
anupat ipinagwawalang-bahala ang utos ng Diyos na mag-asawa tangi
lamang sa Panginoon. (1 Cor. 7:39) Baka gumawa rin ng pagdadahilan
ang iba para makasali sa mga extracurricular na sport o club sa paaralan,
hindi magbayad ng tamang buwis, o magsinungaling tungkol sa
nakahihiyang mga bagay na ginawa niya. Ang punto? Nagdahilan si
Solomon para malusutan niya ang mga utos ng Diyos, at may panganib na
magkaganiyan din tayo.

You might also like