You are on page 1of 16

NANGINGIBABAW NA HINAING SA LIHAM NG MGA OFW: ISANG

IMBESTIGASYON AT KOMPILASYON BATAY SA TULANG LIHAM NI PINAY MULA


SA BRUNEI NI ELYNIA RUTH S. MABANGLO

Iniharap nina:RUDY C. LOREN


JOAN MIRZI D. RESUS
MAREEA ELEONORE A. SIMBULAN

Iniharap kay:

MARSO 2014

PANIMULA
Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging masipag, masinop, matiyaga, at tapat sa
pagtatrabaho. Sa kadahilanan ng kahirapan sa Pilipinas, marami sa atin ang
napipilitang lumawas ng bansa upang makipagsapalaran at makatulong sa pagbigay
ginhawa sa pamilya.
Taon-taon, parami ng parami ang bilang ng mga Pilipinong nagnanais na
makahanap ng ginhawa sa ibang bansa. Karamihan sa kanila ay ang mga nars, care
giver, midwife, domestic helper at iba pa na nag-aalaga ng mga taong hindi naman nila
kaanu-ano.
Sa kabila ng hinahanap na ginhawa, may mga pamilyang naiwan, nangungulila
at naghahanap ng pag-aaruga. Sa pagsikat at paglubog ng araw, nagtatrabaho man o
nagpapahinga, walang segundo, minuto o oras na hindi nila naiisip ang kanilang naiwan
na mahal sa buhay. Kaya kahit sa mga simpleng bagay, nagagawa pa rin nilang
makahanap ng oras upang mapunan ang kanilang pangungulila.
Pangunahing paraan sa pakikipag-komunika ay ang pagsulat ng liham. Mapa
social networking sites man tulad ng Facebook, Twitter, Yahoo Messenger at Skype.
Itoy ilan sa mga paraan upang maipalabas ang mga nararamdaman at mapaabot sa
mga minamahal sa buhay.
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga liham ng mga Pilipinong nagtatrabaho
sa ibang bansa o tinatawag nating mga OFW. Tutuklasin ang mga nangingibabaw na
emosyon sa mga pinapadalang liham o mensahe ng OFW, kahit itoy nasa papel, sa
Facebook, o sa mga direktang mensahe sa Twitter. Ginamit ang mga social networking
sites sa pag-aaral na ito upang mapadali at makakuha ng sapat na datos.
Sisikapin ng pag-aaral na ito na maibahagi at ipaalam ang mga nakatagong
saloobing, emosyon at damdamin sa liham.

LAYUNIN
Layunin ng pag-aaral na ito na maunawaan ng mga mambabasa ang mga
nangingibabaw na emosyon sa liham at ang mga nararamdaman ng mga OFW sa
ibang bansa.
Tiyakang isasagawa ng pag-aaral ang mga sumusunod:

Makakalap ang mga liham ng OFW


Masuri ang mga nilalaman ng liham
Malaman ang mga nangingibabaw na hinaing o damdamin
Malaman ang kahalagahan ng komunikasyon ng mga OFW sa kanilang pamilya

SAKLAW AT DELIMITASYON
Nasasaklaw ng pananaliksik na ito ang ibat-ibang klaseng manggagawang
Pilipino. Ang mga OFW ay nagtatrabaho mula sa taong 2004 hanggang sa kasalukuyan
(2014).
Bukod dito, napapasailalim din dito ang isang kompilasyon ng mga liham mula sa
OFW para sa mga naiwang pamilya nila sa bansa. Ang pananaliksik na ito ay tutuon sa
mga nangingibabaw na emosyon na nakatago sa liham.
Isinagawa ang pananaliksik na ito mula buwan ng Enero hanggang Marso, taong
2014.

PAGBIBIGAY KAHULUGAN sa SALITANG GINAMIT


Upang higit na maging malinaw ang pananaliksik na ito, ang mga sumusunod na
termino ay binigyang kahulugan:
OFW Overseas Filipino Workers na nakakalat at nagtatrabaho sa ibat ibang panig ng
mundo. Tinuturi silang mga bayani ng sambayanang Pilipino. Sila ang mga taong
pinagkunan ng datos.
Liham Dito napakaloob ang mga mensahe na gustong sabihin ng mga OFW na may
nakatagong mga hinaing. Nagiging tulay upang makipag-ugnayan sa mga naiwang
pamilya sa bansa. Ito ang sentro ng pananaliksik.
Facebook isang social networking site na binuo ng isang undergraduate na si Mark
Zuckerberg. Isa rin sa mga tulay upang makipagkomunika sa mga mahal sa buhay sa
pamamagitan ng pag-chat. Isa sa mga pinakamadaling paraan ng pagkukomunika sa
panahon ngayon. Dito nanggaling ang mga mensahe o datos na sinuri sa pag-aaral.
Twitter - isang social networking site na ginawa ni Jack Dorsey. Isang paraan din upang
maipahayag ang nararamdaman sa pamamagitan ng pag-tweet.
Skype isang application sa kompyuter at cellphone. Mas mataas na antas ng
pagkukomunika kung saan hindi lamang pakikipag-chat ang pwede, kundi nakikita at
naririnig mo na rin ang boses at mukha ng taong nasa kabilang linya.
Chat isang modernong katawagan sa pakikipag-usap gamit ang social networking
sites.
Social Networking Site- naglalayong makabuo ng mga application upang mas
mapadali ang pakikipag-ugnayan ng mga tao o ang kanilang panlipunan realasyon.

Pagsulat isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin.


Application isang programa na ginawa upang matupad ang isang particular na
layunin.
SOF Survey on Overseas Filipino. Ang nangungulekta ng datos sa lahat ng mga OFW
na lumalabas sa bansa.

KATAWAN
OFW: Ang mga Karanasan
Ang mga OFW ay ang mga itinuturing na bayani sa panahon ngayon. Sa
katunayan, mayroong humigit kumulang 2.2 milyon ang nagtatarabaho sa buong mundo
ayon sa 2012 Survey on Overseas Filipino (SOF). Halos lahat silay nagsasakripisyo na
malayo sa kanilang minamahal upang mabigyan ng mataas na pamumuhay ang mga
ito.
Minsan, sa labis na kagustuhan na mapaunlad ang pamilya, mas mahaba pa ang
panahon na ginugugol sa pagtatrabaho kaysa sa pag-uwi sa bansa upang makasama
ang pamilya. Ayon kay Isabelo Lagrisola Jr. Halos lahat ng gusto ng mga anak ko ay
naibibigay ko ngunit ang downfall doon, hindi ako masyadong close sa kanila
Dagdag pa ng Polish Proverbs, Pwede kang magtrabaho habambuhay ngunit minsan
lang silang maging bata (Walker, 2009).
Sila ang mga taong nagpapakahirap, pilit na tinitiis ang lungkot, pangungulila at
pighati. Bawat gabi na hindi kasama ang kanilang mahal sa buhay, kumakain ng nagiisa at walang karamay sa pag-iyak. Katulad ni Larry Besas Jr. na isang laundry
technician na aniyay Sa work ko okay lang wala problema. Pero pag-abot ko sa
kwarto, ako nalang isa didto. Didto naga-umpisa ang homesick.
Ilan lamang iyan sa mga tinitiis na ating mga OFW kaya nga tinagurian silang
bayani ng bansa ngayon.

LIHAM: Ang Kahalagahan


Isa sa pinakamatandang paraan upang maipahayag ang damdamin, hinaing at
saloobon ng isang tao. Dito nakapaloob lahat ng nararamdaman at mga gustong
sabihin para sa mga minamahal.
Sa nakalipas na panahon, ilang araw, lingo at buwan pa ang bibilangin bago
makarating ang liham sa pagbibigyan. Kasabay ng pag-usbong ng ating panahon, ay
ang paglawak ng ating kaalaman tungo sa mga makabagong teknolohiya. Dahil dito,
yumaman ang mga paraan sa pagkokumunika. Ilan sa mga ito ang facebook upang
makipag-chat, twitter upang magkamustahan at skype upang lubos na makita ang
minamahal. Hindi tulad sa facebook, twitter at skype napwedeng mabura, ang liham ay
hindi kumukupas. Kahit lumabo man ang mga tintang ginamit sa pagsulat ng mga salita,
nananatili pa rin ang halaga nito sa pusot isipan ng tao.

Dalawamput walong (28) letra man lang ang napapaloob sa alpabetong Pilipino
(26 sa ingles na alpabeto), ngunit kapag itoy pinagsama ng iisang damdamin at mithiin,
itoy magkakaroon ng malaking epekto sa puso ng tao. Ayon kay Tahereh Mafi, Words,
I think, are such unpredictable creatures. No gun, no sword, no army or king will ever
be more powerful than a sentence. Swords may cut and kill, but words will stab and
stay, burying themselves in our bones to become corpses we carry into the future, all
the time digging and failing to rip their skeletons from our flesh. Dagdag pa,

26 friends to tell my stories to.


26 letters are all I need. I can stitch them together to create oceans and
ecosystems. I can fit them together to form planets and solar systems. I can use
letters to construct skyscrapers and metropolitan cities populated by people,
places, things, and ideas that are more real to me than these 4 walls.
I need nothing but letters to live. Without them I would not exist.

Ito ang nagpapaalala ng mga bagay-bagay sa atin. Mga salitang nagbibigay ng


mga mabibigat na damdamin na nagpapatunay na tayoy may nararamdaman. Paulitulit na mga salitang patuloy na naghahatid ng inspirasyon sa pang araw-araw na buhay.

LIHAM AT OFW: Kahalagahan ng Liham sa Pagpapakita ng mgakaranasan ng mga


OFW
Sa bawat liham ng mga OFW, ang mga salita ay may kaakibat na nakatagong
damdamin na unti-unting nalalantad habang paulit-ulit na binabasa. Sa tuwing binabasa
ito, kusang nararamdaman ang mga nangingibabaw na hinaing ng liham.
Kahit sa simpleng mga salita, pabiro man o paalala, simpleng kumusta o payo,
naipaparating pa rin ang mga gustong ipahayag.
Ang mga liham na ito ang nagsisilbing boses ng mga OFW. Dito nila binubuhos
ang mga bagay na hindi nila masabi sa ibang tao o sa personal. Parte na ito ng
kanilang routine, ng kanilang buhay. At mahirap na ito alisin sa kanila.

Fig. 1:
2: Komparison
Bilang ng mga
base
ng OFW
bilang
ng mga OFW sa taong 2010

Fig. 3: Porsyento ng mga OFW sa ibat ibang


parte ng mundo.

INTERPRETASYON NG DATOS
Ang mga nakalap na liham ay pinag-aralan at masusing binusisi upang maipakita
at maunawaan ng mabuti ang mga nilalaman.
Ang mga nagpadala ng mga liham o respondente ay nakilala sa pamamagitan ng
mga taong may kapamilya na nagtatrabaho sa labas ng bansa.
Sa pag-aaral na ito, kailangang dapat isa-isahin i-dekunstrak ang mga liham
upang isa-isa ding malantad ang mga nakatagong emosyon.

Pangalan ng OFW

Parte ng Liham

Mga Nangingibabaw na
Emosyon/Damdamin

Ngayon sana ako


Junna Ramirez

magbili (ng laptop)


hindi man kami

Pagkadismaya

nagsahod
Pag sa tanaw niyo
Keeno Fernandez

nabudlayan na siya,

Pagmamalasakit/Pag

hindi mag duwa duwa

aalala

ipa hospital siya okay?


70 ka kay nangopya
Loida Peneza

Wayne Lopez

Dante Ligo

Carmencita Josol

ka? Bawi bawi. Focus


(sa pag aaral) okay?
Permi ga ulan dira?...
Lutak dira eh
Sipag at tiyaga lang

Panghihinayang/Pagtan
ggap
Pag aalala

Nothing is impossible in

Pagbibigay pag-asa

this world
Ingat kayo lagi diyan

Pagmamalasakit/pag

ha. Be good always

aalala

Imee Morales

Rechiel Aguillon

Ready ka na? Manog


sleep ka na?
Proud gid ko sa imo.
Keep up the good work.

Pag aalala

Pagkatuwa

Miss you
Sa mga nakalap na datos, kapansin-pansin ang pagkakaiba sa damdaming
ipinapakita at sa paraan kung paano sinabi o kung sa paano pinadama. Ngunit
magkakaiba man ang paraan ng pag-abot, iisa pa rin ang gusto nilang ipahiwatig.
Sa pagsusuring ginawa, napagtanto ng mga mananaliksik na sa panahon
ngayon, nagiging praktikal na ang pag-iisip ng mga tao.
Sa na naipakitang table,may pagkakaiba at pagkakapareho ang mga naging
resulta ng pagsusuri. Hudyat ang pagkakapareho na totoong mayroong nangingibabaw
na damdamin o emosyon.
Binabalewala nila ang pagod para lamang makapagbigay ginhawa sa pamilya.
Sa simpleng pagtanong ng mga mabababaw na mga bagay, ay naipapakita nila
ang pagiging maalalahanin in nature. Ayaw nang ni isa sa kanila na may mangyari sa
mga naiwang kapamilya sa Pinas. Kahit simpleng katanungan sa ulan at putik, ay
nagpapahiwatig na ayaw silang mahirapan.

BUOD NG PANANALIKSIK
Noon pa man, isa na sa paraang pagkokumunika ng mga tao ay pagpapadala ng
liham o mensahe. Mas lalo na ngayon na sinabayan na ito ng pag-usbong ng mga
makabagong teknolohiya.
Sa pamamagitan ng pagsusulat para sa minamahal ay naipapakita o
naipapahayag ng isang OFW ang mga bagay bagay na kanyang gustong sabihin sa
mga naiwang kapamilya sa bansa. Ayon pa sa mga datos na nakalap sa mga liham na
ito ay ipinapapahiwatig o ipinapakita ang mga sikreto o hinaing na matagal na nilang
tinatago. Bukod sa pagkolekta ay sinuri din ng mga mananaliksik ang mga napapaloob
sa mgaliham at napag alaman na sa panahon ngayon, nangingibabaw na ang pagiging
praktikal sa mga Pilipino. Hindi man nawawala ang pag-aalala, pangungulilaat
pagmamahal sa teksto. Mas tinutuunan ng pansin ang mga konkretong bagay.
Ang pangunahing bahaging pag-aaral na ito ay ang pagtitipon ng mga liham na
kung saan ay naging tulong ang facebook. Pangalawang bahagi naman nito ang
pagsusuri upang malaman ang nangingibabaw na hinaing ng mga OFW.

KONKLUSYON

Napatunayan ng pananaliksik na ang pagsusulat ng liham ay importante sa ma


OFW sapagkat ito ang nagiging tulay upang hindi maputol ang ugnayan sa mga
kapamilya sa Pinas.
Bihira na lamang ang mga nagpapadala ng liham na sulat kamay sa kasalukuyan
dahil marami ng mas modernong paraan upang gawin ang mga ito.
Malayo man at walang karamay, iniisip pa rin ng mga OFW ang kapakanan at
unahin sila bilang prioridad. Kahit sa anong sitwasyon, mangingibabaw at
mangingibabaw pa rin ang pagiging maaalalahanin ng mga Pilipino.
Apat (4) sa siyam (9) na mga liham ay nagpakita ng pag alala sa mga naiwang
kapamilya sa bansa kaya makokonklud ng mananaliksik na ito ang namamayani sa
mga emosyong gustong ipahayag ng mga OFW. Tinatago lamang nila ito sa
pamamagitan ng pag tanong ng mga simpleng bagay.
Kahit saan mang parte ng mundo nagtatrabaho ang isang Pilipino,hindi pa rin
maiaalis sa kanya ang maging isang maaalalahanin na tao.

REKOMENDASYON
Sa Lipunan, sanay bigyang pansin ang mga hinaing ng mga OFW, pakinggan
ang kanilang mga problema, silay unawain at bigyang respeto dahil silay bayaning
maituturing at huwag kalimutan ang dating paraan ng pagpapadala ng liham at bigyan
pa sila ng importansya.
Sa mga OFW, patuloy nawa kayong magpapadala ng mga liham sa mga naiwan
ninyong kapamilya dito sa bansa at hindi niyo ito sana makakalimutan sa paglipas ng
panahon dahil babalik at babalik din tayo sa makaluma at tradisyunal na paraan. Ang
pagsusulat. Isapuso din sana ang mga sinusulat o nilalagay sa mensahe dahil
narereflect dito ang pakiramdam na maging malayo sa kinagisnang buhay.
Sa mga kamag anak ng mga OFW, bigyan niyo sana ng halaga ang mga
simpleng mensahe o liham na ipinapadala at kung maaari ay itago at alagaan ang mga
ito dahil parte na din ito ng pagkatao ng nagpadala at sa pamamagitan ng isang liham
ay nalalaman mo ang karanasan ng tao. At hinding hindi kakalimutan na kayo ang
kanilang iniisip habang sinusulat ang mensaheng iyon.
Sa mag-aaral, patuloy namagbasa ng magbasa, pahalagahan ang pagsusulat
dahil itoy makatutulong upang mapagtibay ang literaturang Filipino at palawakin pa ang
paraan ngpagkokumunika. Ugaliin ring maging ugali ang pagsulat.
Sa susunod na mananaliksik, magpursigi, linangin ang kaalaman, balanseheng
mabuti ang oras, maging masipag at matiyaga dahil kailangan angwalang humpay sa
pangangalap ng datos, walang sawang pagsusulat, maging maunawain, maging
maingat dahil kailangan masinop ang pagkakahimay ng mga datos, pahalagahan ang
liham at bigyan din ng importansiya ang bayani ng bansa

BIBLIOGRAPIYA
Aklat
Austere, Cecilia S.,et al.Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
RAJAH PUBLISHING HOUSE;Maui Oasis Sta.Mesa,Manila.2012.
Mafi, Tahera, Ignite metahereh mafi..new York..harpercollins publishers new york
city,USA.2013
http://www.census.gov.ph/content/statistical-tables-overseas-filipino-workersofw-2012-0
http://www.census.gov.ph/sites/default/files/attachments/hsd/article/TABLE
%201.2%20Distribution%20of%20Overseas%20Filipno%20Workers%20by
%20Age%20Group%2C%20Sex%20and%20Area%202012.pdf\
http://www.census.gov.ph/sites/default/files/attachments/hsd/article/TABLE
%201.1%20Distribution%20of%20Overseas%20Filipino%20Workers%20by
%20Sex%20and%20Region%202012.pdf
http://www.gmanetwork.com/news/story/199324/pinoyabroad/kwentongkapu
so/hinaing-ng-isang-ofw-tao-rin-kami-at-di-diyos
http://thepinoysite.com/2013/06/10/karaniwang-hinaing-ng-mga-ofw/

LINKS
http://www.unladkabayan.org/overseas-filipino-workers.html
http://www.census.gov.ph/content/total-number-ofws-estimated-22-millionresults-2012-survey-overseas-filipinos

You might also like