Newtonix

You might also like

You are on page 1of 5

PAGPAPAKILALA

IV-Newton, sa una pa lamang ay mapapanganga ka sa pangalan sapagkat maaalala


natin ang unang nakatuklas ng grabidad na si Sir Isaac Newton. Ang mga
estudyante sa seksyon na ito ay hindi mawawalan ng enerhiya pagdating sa mga
kwentuhan at tawanan sapagkat hinding-hindi masisira ang namuong samahan.
May the force be with you ika nga ng lahat dahil ang atraksyon ng grabidad ng
isat-isa ay pawang matibay. Kung maihahalintulad sa akselerasyon ng grabidad,
tayoy katumbas na 9.8 m/s^2 na nanatiling constant, hindi na magbabago ang
ating pananaw sa bawat isa. Sa klaseng ito, dito nagkaroon ng mga biruan,
kompetisyon, awayan, harutan, iyakan at hinding-hindi mawawala ang palakihan ng
bags sa mata. Naging parte rin ang mga guro na nagbigay nang malawak na
kaalaman sa amin. Siya ang may napakatalas na isip naming guro at siya rin ay ang
aming napakagandang tagapayo, Maam Shirly Ambalong. Siya ang aming guro sa
physics at gumagabay sa amin sa klase. Ang sunod na guro ay mayroong
magandang tindig at itinatak ang tawag sa kanyang Maria Clara Astig, Maam Mylah
Claire Tabano. Siya ang aming guro sa Filipino na nagbibigay sigla sa amin. Kasunod
nitoy isang guro na boses pa lang ay mabibighani ka na at ikay sasaya, Maam
Catherine Sua. Siya ang aming guro sa Ingles na nagtuturo sa amin ng buong puso.
PANIMULA
Apatnaput tatlong ulong tinadhana sa iisang bubong. Apatnaput tatlong pares ng
paang sumasalubong sa bawat hamong dumarating. Hindi natitinag anuman ang
pagsubok. Laging handa. Laging may ibubuga. Matusta man ang balat sa ilalim ng
matinding sikat ng araw, o daanan man ng mabugsong hangin at ulan, patuloy pa
ring lumalaban. Apatnaput tatlong pares ng mga mata. Apatnaput tatlong bibig.
Apatnaput tatlong pusong tumitibok at bumubuo sa IV-Newton.
Apat na taong nakipagsapalaran. Apat na taong nakipagbakbakan. Sino nga ba sila?
Apat napu't tatlong mga nilalang na hinubog upang maging MAS- sa lahat. Sa bawat
araw na pagpasok, sa bawat Sabadong nakalaan para matapos lang ang mga
requirements na ipapasa. Isang pamilya ang pinatatag. Apat napu't tatlong
kabataan mula sa iba't ibang mukha ng lipunan. Apat napu't tatlong mga kabataan
na magiging mukha ng lipunan.
Ang mahabang daan ng buhay ay hindi isang patag na lansangan. Itoy mabato at
baku-bako. Ngunit sa bawat araw na dumaraan, may mga aral na natututunan. Sa
pakikipagsapalaran ng IV-Newton, natututo silang magbuklod at magkaisa. Natuto
silang maging isang pamilya. Kung may bitak sa daan, bubuo sila ng tulay. Ang
laban ng isa ay laban ng lahat. Kapag ang isay lumulubog, apatnaput dalawang
kamay ang tutulong at silay magkasamang aahon. Sa kabila ng hirap, pagod, at
puyat, silay may lakas pa ring harapin ang lahat ng pagsubok nang may mga ngiti
sa labi at kislap sa mga mata.

Iisa lang ang pintig ng kanilang mga puso. Mga taong nakikisabay sa saliw at himig
ng buhay. Sa kanilang huling taon, mas lalo pang pinagyaman ang kung anumang
meron sila. Mga kabataang malayang nakikisayaw sa iisang musika. Mga taong
malayang nagpapamalas ng lakas at talino sa bawat biro ng tadhana. Ngayong
malapit nang maubos ang araw, oras, minuto at segundo sa entablado na silay
magkakasama, muli nilang bubuklatin at bubuhayin ang bawat pahina ng kanilang
mga pinakamasasayang kabanata sa kanilang paglalakbay.
Kilalaning mabuti ang mga Tonyo at Tonya.
At ito ang kuwento nila
PAGPAPAKILALA SA MGA GURO
Kapag sa kwela, siya'y bida,
Mga numero'y kanyang barkada.
Nakakatuwa ang matematika,
Kapag kasama si Mr. Randy Pendilla.

Maam Powers ang bansag sa kanya,


Sa kagandahat katalinuhan, dyan siya kilala.
Ang disiplinadong guro ng IV-Newton,
Maam Jocelyn Gahum ng Values Education.

Pagdating sa kompyuter at pagne-negosyo,


Lahat ng aspetoy kabisadong-kabisado.
Sa kabaitan at katiyagaan walang tatalo,
Sa aming guro na si: Mrs. Latreia Estabillo.

Pagdating sa pabilisan siya'y panalo,


Maging ang pagmamakatay kanyang sakop.
Wala nang hihigit pa sa kanyang astig na anyo,
Mrs. Mylah Claire S. Tabano, guro sa Filipino.

Astig na guro kung siyay itinatangi,


Taglay niya ang kabutihang mahal ng marami.
Mapeh teacher ng Newton, matapang at walang takot,
Walang iba kundi si Maam Justice Marie Magbalot.

Kapag siya ay nagtuturo, hindi matatawaran,


Ang kanyang kawaleyan ay walang hanggan.
Sabihin mang masarap itulog ang araling panlipunan,
Itoy hindi totoo, kung guro niyo si Sir Gabriel, Emman.

Pagdating niya sa pananaliksik ay napakatinik,


Kanyang ring mga birit ay nakakapahagikhik.
Pagiging ate, nanay at kaibigan ay naipamalas,
Itoy walang iba kundi ang mahal naming, Kathy Lyn Daga-as.

Dating niya sa amin ay inang- ina,


Mga anakis ang turing sa bawat isa.
Peanut Butter at kung anu-ano pang niluluto,
Ang guro sa agrikultura, Maam Rose Molarto.

Kung ang tapik niyo ay electric circuit,

Ang gurong ito ay napakamalupit.


Maging sa rakrakan at tugtugan,
Sir Jose Joel Moso, modelo ng dagsikan.

Sa kanyang pagtuturoy laging may sayawan.


Bawat banat nyay puno ng kaalaman.
Mahigit dalawang taon kaming sinubaybayan,
Maam Elisa Sansolis, aming guro sa kapnayan.

Thirdy o Moley ang tawag sa kanya,


Taglay niyay ugaling nakakatuwa.
Ang natatanging lider ng IV- Newton,
Ang gwapong Presidente, Catipay, Nelson.

Pilya, makulit at nakakaliw,


Iilan lamang sa kanyang ugaling nakakabaliw.
Siyay ibinoto bilang pangalawang pangulo,
Ivy Grace Oca, saktong sakto.

Pagdating sa pag-iingles siya'y bihasa,


Mga balarilay kanyang hinuhulma.
Sa pagbigay ng gawain, siya'y natutuwa,
Iyan ay walang iba kundi si Ms. Cathy Sua.

Mga late sa kanya ay patay, sigurado,


Ang pintuan at orasan ay bantay-sarado.
Ang aming seksing kalihim sa taong ito,
Umaalab at umaapoy, na Ms. Jenny Rose Navarro.

Sa larangan ng agham, liknayan ang espesyalidad,


Paggabay sa amin, iyan ang kanyang abilidad.
Siya man ay magalit, mahal na mahali pa ring ng Newton,
Ang biba at masayahing tagapayo, Mrs. Shirly Ambalong

PANGWAKAS
Walang kasiguraduhan ang bawat bukas. Sinumay hindi masasabi kung saan ka
tutungo. Kaya tayo nahihirapan magpaalam. Dahil walang makakapagsabi kung
kalian ang muling pagkikita.
Daranas ang lahat ng pagbabago sa buhay. Madaragdagan pa ang mga taong
makikila natin sa ating buhay. Darami at darami ang ating kaibigan. At lalawak pa
ang mundo natin. Sa mga pangyayaring ito mahirap magbitaw ng pangako. Bagkus
tayoy magiwanan ng mga karanasan na ating napagsaluhan. At muling sasariwain
sa susunod na pagkikita.
Gaano man kalawak ang kolehiyo lilikha at lilikha parin ang Newton MMXV ng ingay
sa mundo gamit ang katagang May the force be with you

You might also like