You are on page 1of 2

AKING INA

Gng. Perla R. Ragadio

Sabay na pumintig ang ating mga puso at isipan


Lubos akong iningatan habang ako'y nasa sinapupunan
Taimtim mong hangarin na mayakap ako at mahagkan
At ng aking masilayan ang liwanag dito sa mundong ibabaw
Mga ngiti sa iyong labi hindi na maparam at matumbasan

Sa gitna ng hatinggabi nahihimlay ako sa iyong tabi


Dahil sa pag aaruga pagal na katawan di mo alintana
Sa munti kong katawan walang sawa ang iyong pagkalinga
Ano mang panganib at pangamba tila baga walang lugar
Ang haplos ng iyong kamay dulot sa akin ay kapanatagan

Sa aking paglaki mga gintong pangaral sa akin ay ipinanday


Kaalamang hiram buong puso at pagmamahal mong ipinahiram
Kung kayat tunay na matatawag na biyaya ka ng Maykapal
Hindi ito kayang tumbasan ng ano mang gintong kumikinang
Pangarap ko ay binuo dahil sayong walang sawang pagmamahal

Sa pagdaan ng panahon nilugmok man tayo ng mga pagsubok


Sakripisyo mo ay di matawaran upang pamilya ay matulungan
Kinalinga at binantayan mo ang iyong anak ng walang pagtatangi
Mga kalungkutan mo at pagtangis sa akin man ay maikubli
Ngunit pintig ng puso mo ay pilit na nararamdaman ko

Bawat araw na di ka kasama dulot sa akin ay kapighatian


Hinahanap ko ang kalinga mo sa mga sandaling kay tanglaw
Sa mga mabigat at mahirap na sandali na aking pinagdadaanan
Tahimik kong nasasambit nasaan ka aking Inay
Sa aking tagumpay at kasiyahan tanging sa iyo inaalay

Ginto man o pilak di ka maipagpapalit di ka matutumbasan


Sapagkat aking Ina natatangi kang babae sa karamihan
Salamat po sa iyong kadakilaan at pagmamahal
Tunay kang pagpapala ng Poong Maykapal
Pasasalamat sa Panginoon walang sawang ibibigay

Dalangin ko sa Panginoon na ikaw ay kanyang ingatan


Habang ako ay nandito sa lupa ng karimlan
At ang pinakahihintay na tamang sandali
Ay muling masumpungan ang kumot ng iyong pagmamahal
Aking Ina Mahal Kita sana ito ay wag kalimutan

At kung tadhana ko man ay itakda na ng Panginoon


At kunin na niya ang buhay kung hiram
Tunay na plano ng Diyos walang makahahadlang
Huwag kang tatangis mahal kung Inay
Sapagkat sa piling ng Diyos ako ay may kapahingahan

You might also like