Professional Documents
Culture Documents
Process Ioan L
Process Ioan L
1st
Ama, kami ngayon ay nagkakatipon
Upang kami sa Iyo ay sumamba,
At batid naming ikaw samiy naghihintay
Narito na kami, sa Iyoy nagpupuri.
2nd
Ito namay araw na aming hinihintay
Upang sa Iyo, kami ay maglingkod
Ngunit kamiy may nagawang kasalanan
Nangangambang baka di Mo kalugdan.
1st Koro
Ama, kami sa Iyoy tumatawag
O kamiy dinggin, Ikaw ay mahabag
Naway aming makamtan ang
kapatawaran
Paglingap Moy aming hinihintay.
3rd
Sa Iyoy inilalapit ang aming ligalig
At ang pagal din naming kalulwa
Kamiy muling bigyan ng kapayapaan
Dagdagan mo po ang aming pag-asa.
4th
Ang aming puso at isip ay tanglawan,
Ang masamang lakad ay hadlangan
Tulungan po kami na magbagong-buhay
Upang sa Iyoy hindi na mahiwalay.
2nd Koro
Ngayon sa aming pagsamba sa Iyo
Iyong dinggin, Ama, kamiy lapitanMo
Huwag Mong iiwan ang Iyong mga
hinirang
Naway manatiling sa Iyo.
5th
Batid namin, Ama ngayoy paghuhukom