You are on page 1of 1

Maria Beatriz A.

Vergara

PI 100

2012 78816

30 Hunyo 2015
El Amor Patrio

Sa sanaysay na El Amor Patrio o Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, tinalakay ni


Rizal na may mga aspeto sa mundo at sa buhay ng isang tao na madaling mawala
at malimutan, ngunit, ang tunay na pag-mamahal ng isang tao sa kanyang bansang
tinubuan ang natatanging aspeto na hindi mawawala at malilimutan. Hindi
mapapantayan na anumang klaseng pag-mamahal ang pag-mamahal sa bansa.
Marami ang nagsasakripisyo ng oras, lakas, at buhay (tulad na lamang ni Rizal at ng
ibang mga indio na nagpapaka-dalubhasa sa Espanya at sa ibang bansa) para sa
bansa. Nasa bansang tinubuan namumuhay ang mga mahal sa buhay at lahat ng
alaala mula pagkabata. Pinakita ni Rizal sa sanaysay na ito na gagawin niya ang
lahat para sa Pilipinas. Makikita ang relasyon ng sanaysay na ito sa sinulat niyang
Hinihingan Ako ng Tula dahil sinasabi sa tula na iyan kung gaano niya kamahal
ang Pilipinas. Sinasabi niya na sa Pilipinas siya tunay na maligaya at lahat ng
ginagawa at sinasakripisyo niya ngayon ay para sa bansang tinubuan.

You might also like