You are on page 1of 1

Da Bes Ka!

" Kamusta ? ", Pambungad kong bating nakangiti pa.


" Magandang araw sayo ! ", dagdag na bati ko. Sa oras na ito, nag iisip ako. Kinakalkal at pilit na binubusisi ang mga ideyang
ilalarawan sa iyo. Maganda, matalino at mabait na anak. Talagang
ikaw na !
Para kang anghel na hulog ng langit, bulaklak na mahalimuyak
sa harden ng pag - ibig. At higit sa lahat, isa ka sa mga
makabuluhang regalong hatid sa akin ng langit.
Teka, teka lang ha ! Hindi ito sulat ng pag - ibig, ito'y sinulat ko para
magpasalamat ng buong puso sayo. Lagi ka kasing kaagapay at handang
umalalay sa minsan kong pagkalumbay.
Lagi rin kitang hingahan sa panahong ako'y nahihirapan at
tumatambak ang pinagdadaanan. Pinapalakas mo ang loob ko sa mga
pagkakataong gusto kong sumuko.
Kaibigan ka talagang tunay, kahit minsan man tayong
nagkakatampuhan mas madalas pa rin ang kalokohan. Ngunit sa mga
seryosong usapan, lagi kang andyan at handang magbigay ng mga
payong aking talagang kailangan.
Kaya ito ang ikuros mo sa noo," Da bes ka at nag- iisa. O, kaibigan
ko. "
Isang
Pasasalamat

You might also like