You are on page 1of 2

Tagalog Summary of Book VII

May tatlong masamang karakter ang isang tao: ang bisyo, kapusukan at ang
pagiging hangal. Kabaligtaran ng tatlong ito ay ang kabanalan, pagiging mahinahon
at kagalingan. Dito ay masusuri natin ang kapusukan at kahinaan, at ang kanilang
pagkakaiba, kalinisan at tibay.
Ang isang mahusay na suliranin ng hindi pagkakapare-pareho sa mga umiiral na
pananaw sa pagiging mapusok ng isang tao.Paano ng aba lumalabas ang pagiging
mapusok ng isang tao: ito ba ay sa pamamagutan ng kawalan ng kaalaman o sa
pagkakaroon ng kaalaman? Patungkol kung saan ang mga tao ay walang pagpipigil
o mapusok? Paano ang kawalan ng pagpipigil ay naiiba mula sa ibang bisyo tulad ng
kahalayan?
Si Aristotle ay naghanap ng apat na solusyon. Una, possible na alam ng tao kung
ano ang mali ngunit hindi niya ginugunita ang kamalian sa kanyang kaisipan, at sa
gayon ay nagkakamali nang hindi nag-iisip tungkol dito. Pangalawa, ang mapusok
na tao ay maaaring gumawa ng mga maling hinuha kapag gumagamit ng mga
praktikal na silohismo dahil sa kawalan ng kaalaman sa mga katotohanan. Ikatlo,
ang mapusok na tao ay maaaring nasasabik o nababalisa at samakatuwid ay hindi
nakakapag-isip ng malinaw. Ika-apat, ang pagnanais ay maaaring maging sanhi sa
isang tao upang kumilos ng dali-dali nang walang pagpipigil o higit na maingat na
pag-i-isip patungkol dito.
Ang taong nagpapakita ng labis na pagnanais para sa kasiyahan ng
pagtatagumpay, dangal, o kayamanan ay tinatawag na mapusok na mayroong
kwalipikasyon: Pagiging mapusok na may paggalang sa tagumpay, halimbawa. Sa
pagmamagitan ng kaibahan, ang isang tao na nagpapakita ng labis na pagnanais na
bumuo ng kasiyahan gamit ang kanyang katawan, tulad ng pakikipagtalik o
pagkain, ay pagiging mapusok nang walang kwalipikasyon. Ang pagiging mapusok o
kawalan ng pagpipigil na mayroong kwalipikasyon ay hindi totoong pagiging
mapusok, ngunit ay tinatawag lamang na kapusukan sa pagkakatulad ng kawalan
ng pagpipigil na walang kwalipikasyon. Ang kahalayan at kapusukan ay konektado
sa isat-isa, bagaman ang mahalay na tao ay gumaganap ng walang pagpipilian
habang ang taong mapusok ay kulang sa pagpipigil sa sarili.
Higit na mapapatawad kung ang pagiging mapusok ay isang resulta ng init ng ulo
kaysa sa pagnanais. Ang taong mainitin ang ulo ay makatwirang hanggang sa isang
punto, ngunit ang isang tao na nagbibigay ng isang pagnanais ay ganap na walang
katwiran. Higit pa rito, ang pagiging mapusok ay mas maganda kaysa sa pagiging
mahalay, dahil ditto mas maganda na gumawa nalang ng masamang bagay mula sa
kawalan ng pagpipigil sa sarili kaysa mula sa tao may pagpipilian. Ang pagpipigil ay
higit na mas mabuti kaysa sa pagtitiis, dahil ang pagpipigil ay nasasangkot sa hila
ng paghahangad sa halip na tiisin na lamay ito. Ang kabaligtaran ng pagtitiis ay
kahinaan ng kalooban, kung saan ang isang tao ay hindi natitiis ang sakit na kung
saan ang ibang tao ay kayang tiisin.
Ang mahalay na tao ay mas madalung mabago kaysa sa isang taong mapusok,
dahil sya ay gumaganap na mayroong pagpipilian at maaaring pangatwiranan. Ang

taong mahalay ay masama, habang ang taong mapusok ay gumagawa ng


masamang bagay nang hindi kusang-loob.
Maraming philosophers ay kritikal sa kasiyahan. May ilang nagsasabi na ang
kasiyahan ay palaging masama, nangangatwiran na ang mapagtimpi at mahinahon
na tao ay marunong umiwas sa kaligayahan, na ang kaligayahan ay tinatakpan ang
matinong pag-iisip at nilalayo tayo sa magandang kahhihinatnan. Sinasabi ng iba na
ang kaligayahan ay kahiya-hiya at mapanganib. Nguni tang sabi naman ng iba ang
kaligayahan ay hindi maaaring maging pinakatamataas na kabutihan, dahil ito ay
hindi ang pagtatapos mismo, ngunit ito ay isang proseso.
Si Aristotle ay tumogon na ang kasiyahan ay isang aktibidad, samakatwid ay isang
pagtatapos at hindi isang proseso. Ang kaligayahan ay nakapipinsala lamang sa
limitadong kahulugan, habang ang pinakamataas na kaligayahan, tulad ng
pagmumuni-muni, ay hindi nakapipinsala sa anumang kahulugan. Sa katunayan,
ang pagkamit ng kataas-taasang katapusan ng isang magandang buhay ay isang
kaaya-aya na aktibidad, at naghahangad tayo na ang magandang buhay ay tumpak
dahil ito ay kaaya-aya. Ang ganitong uri ng kasiyahan ay ang pinakamataas sa lahat
ng bagay. Ang kaligayahan sa katawan ay masama lamang kung gagamitin ng labis.
Gayunman, ang kaligayahan sa kaisipan ay mas kaaya-ayang tignan.

You might also like