You are on page 1of 1

Name : ___________________________________________________

Topic: Araling Panlipunan Mga Karapatan at tungkulin ng Batang Pilipino

http://www.schoolkid.ph

Contributor: RFAquino

Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama o totoo. Isulat ang M kung ito ay mali.

_______ 1. Karapatan ng nata ang maglibang kaya siya ay nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan
pagkatapos mag-aral.
_______ 2. Karapatan ng bata ang tumira sa tahimik at mapayapang lugar kaya pinapanatili nilang malinis at
ligtas ang kanilang lugar.
_______ 3. Karapatan ng bata ang mag-aral kaya kinakalimutan niya mag-aral para sa pagsusulit.
_______ 4. Karapatan ng mga bata ang maisilang kaya ang ina ay hindi kumakain ng tama para hindi siya
tumaba.
_______ 5. Karapatan ng bata ang maging malakas at malusog kaya kumakain siya lagi ng masustansyang
pagkain.
_______ 6. Karapatan ng bata ang mahalin ng mga magulang kaya ginagawa ng mga magulang ang lahat
ng makakaya nila upang maalagaan ng husto ang kanilang mga anak.

Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama o totoo. Isulat ang M kung ito ay mali.

_______ 1. Tungkulin ng bata ang mag-ingay sa sa simbahan.


_______ 2. Tungkulin ng bata ang gawin ang kanyang mga takdang-aralin araw-araw.
_______ 3. Tungkulin ng bata ang huminto at tumayo ng tuwid habang kinakanta ang Pambansng Awit ng
Pilipinas.
_______ 4. Tungkulin ng bata ang pakikinig at pagsunod sa mga gabay ng kanilang magulang.
_______ 5. Tungkulin ng bata ang magtapon ng balot ng kendi sa daan.
_______ 6. Tungulin ng bata ang magdasal bago at pagkatapos kumain.
_______ 7. Tungkulin ng bata ang pakikipag-away sa mga kaklase.
_______8. Tungkulin ng bata ang maging malupit sa mga hayop.
_______ 9. Tungkulin ng bata ang pag-aaral ng mabuti.
_______ 10. Tungkulin ng bata ang magbigay galang sa nakakatatanda tulad ng kanyang mga magulang,
lolo at lola, tiyo at tiya.

Copyright 2008 www.schoolkid.ph All Rights Reserved. For Personal Use Only.

You might also like