You are on page 1of 2

Apes.

Homo Hablis.

Austratopithecines.

Homo Erectus.
Sinaunang tao sa pilipinas.
Unang pangkat.
Dalawang pangkat ng mga Indones ang unang
dumating sa sinaunang Pilipinas. Ito ay Una at Ikalawang pangkat.

Nagmula ang mga unang Indones sa Timog-silangang Asya. Maputi ang kanilang balat, balingkinitan
ang katawan, makitid ang hugis ng mukha may malapad na noo, may kalaliman ang mata ngunit
matangos ang mga ilong. Mas makabago ang kanilang kalinangan kung ihahambing sa mga
Negrito. Nagtayo sila ng mga bahay na may-hukay sa lupa o nasa tuktok ng mga puno. Marunong
silang pumana, mangisda, magkaingin at niluluto nila ang kanilang mga pagkain. Pinaniniwalaang
ninuno sila ng mga Ilongo ng Sierra Madre at ng Caraballo.

Ikalawang pangkat.

Kaiba ang pangalawang pangkat ng mga Indones sapagkat maitim ang kanilang balat, malapad ang
mukha, makapal ang labi, malaki ang panga, malaki ang ilong, bilugan ang mga mata at malaki ang
mga katawan. Nagmula sila sa tangway ng Indo-Tsina at Gitnang Asya, at tumira
sa mga baybay ng Luzon. Mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa
naunang pangkat. Pinaniniwalaang sila ang gumawa ng Hagdan-hagdang
Palayan ng Banawe.

Mga Negrito.
Ang mga Negrito ang bumubuo sa mga pinakamatanda o sinaunang mga
nabubuhay pang grupo sa Pilipinas. Tinatawag ding mga pygmy o pigmi (mga
maliliit na tao), at mabababa ang taas kaysa mga pangkaraniwang mga Pilipino.
Namumuhay pa rin sila sa pamamagitan ng pangangaso, pangingisda,
at pagtitinda ng mga produktong mula sa kagubatan. Matatagpuan sila sa mga
panloob na bahagi ng Luzon, Panay, at mga pulo sa Mindanao.

You might also like