You are on page 1of 7

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

F
I
P
I
N
O
5

ANTAS NG PANG-URI

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION


2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City

Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.
This material was originally produced by the Bureau of Elementary
Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.

ANTAS NG PANG-URI
Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang makagagamit ka na
ng ibat ibang antas ng pang-uri sa paghahambing ng katangian ng
tao, bagay, pook at pangyayari.

A.

Basahin mo ang tula.


ANG BATANG MAGALANG
(Pinagkunan: Filipino V Wika at Pagbasa)
Ang batang magalang, kailanman, saan man
Kinatutuwaat lugod ng sinuman
Mabining kumilos, salitay magalang
May kababaang-loob, kilos-mapitagan.
Sa loob ng silid ay tahimik siya
Pagtawag ng guro po ang sagot niya
Ano po iyon Maam? tanong agad niya.
Kung may iniuutos, sabihin po nila.
Sadyang malumanay kung mangusap siya
Kung siyay nakikiusap, maaari po ba?
Kung may tinatanggap, salamat po aniya
Anupat magalang ang bawat tugon niya.
Piliin mo ang mga pang-uri sa tula a t Isulat sa sagutang papel.
____________
______________
_____________
____________
______________
_____________
Ito ba ang iyong napili?
magalang
may kababaang-loob
tahimik
mabini
mapitagan
malumay

B.

Magaling!!!
Gamitin mo sa sariling pangungusap ang mga pang-uri sa kahon. Gawin ito sa isang
sagutang papel.

tahimik
malumanay
magalang

A.

mapagmahal
masayahin
masipag

Basahin mo ang talaarawan sa ibaba. Pag-aralan ang mga salitang may


bilog, nakakahon at may salungguhit.
Disyembre 16

Disyembre 18

Malamig
Unang gabi ng misa de gallo.
ang simoy ng hangin. Nakita ko si Lolo Jose,
Nagmano agad ako sa kanila ni Lola Soledad.
Pumunta kami sa

bagong

bahay ni Tiya Aida

sa Bulacan Mas sariwa ang hangin doon.


Di gaanong
Disyembre 21

malaki ang bahay.

Binisita namin ni Lola Soledad ang puntod ni Ate Minda.


Pinakamalungkot si Lola Soledad habang nagdarasal kami.
Di hamak na masakit

pa rin sa kanya ang pagkawala ni Ate

Minda.
Disyembre 23

Namista kami sa bayan ni Kuya Mark

Magkasinsaya

Ang pistang ito at ang pista ng San Juan. Ubod ng dami ang mga
tao.
Disyembre 25

Pasko na! Nagsimba kami pag-uwi ng bahay nagnoche-buena


kami. Napakasaya ng aming pamilya.

Anong antas ang mga pang-uring nakabilog? Lantay di ba? Walang nagawang
paghahambing kaya masasabing nasa antas lantay.
Nasa anong antas naman ang mga pang-uring nakakahon? May naisagawang
paghahambing ng dalawang bagay/pangyayari kaya ito ay nasa antas pahambing.
Ano naman ang antas ng mga pang-uring may salungguhit? Naghahambing din ito
subalit ang paghahambing ay mahigit sa dalawa. Pareho ba ito sa naunang dalawang antas?
Hindi, di ba? Pagkat ito ay nasa pasukdol.
Itala mo ngayon ang mga pang-uri ayon sa hanay sa ibaba:
Lantay

Pahambing

Pasukdol

Kung ganito ang sagot mo, tama ka!


Lantay
malamig
bago

B.

Pahambing
di-gaanong malaki
di-hamak na masakit
magkasinsaya

Pasukdol
ubod ng dami
napakasaya

Isulat sa patlang kung lantay, pahambing, o pasukdol ang mga pang-uring may
salungguhit.
_____________ 1.
_____________ 2.
_____________ 3.
_____________ 4.
_____________ 5.

Si Richard ang pinakamabait sa tatlong magkakapatid.


Wagas ang pagmamahal ng mga anak sa kanilang
magulang.
Di-gaanong malaki ang bahay nila sa nayon di-tulad sa
bahay nila sa bayan.
Ang tanawin sa kanilang bukid ay kalugod-lugod.
Magkasintaas ang magkapatid.

Ganito ba ang sagot mo? Kung tama, Mahusay ka talaga kid!


1.
4.

pasukdol
lantay

2.
5.

lantay
pahambing

3.

pahambing

May tatlong antas ng pang-uri na ginagamit sa paglalarawan ng mga katangian


ng tao, bagay, lugar o pangyayari.
1.
Lantay katangian ng isang tao, bagay, lugar o pangyayari ang
inilalarawan.
2.
Pahambing - dalawang bagay, tao, lugar, o pangyayari ang
pinaghahambing.
3.
Pasukdol - higit sa dalawang tao, bagay, lugar, o pangyayari ang
pinaghahambing.

Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pang-uri.


Gawin ito sa sagutang papel.
1.

pinakamalakas

9.

sobrang ganda

2.

lalong mabisa

10.

maingat

3.

ubod ng yaman

4.

di-gaanong mabigat

5.

magkasinlinis

6.

parehong matapang

7.

ubod ng liit

A. Itala sa wastong hanay sa ibaba ang bilang ng mga pangungusap na


kinabibilangan ng kaantasang nito.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Mas magaan ang panyo kaysa balabal.


Higit na bata si Jerry kaysa kay Freddie.
Pinakamalusog si Nelson sa tatlong magkakapatid.
Tahimik na bata si Roel.
Ako na ang may pinakamagarang bahay dito.
Higit na maunlad ang bukas na darating.
Masaya ang buhay sa probinsya.
Napakahuli na para magsisi
Di masyadong matigas ang ice cream gaya nitong ice drop.
Kami ay mabuting mamamayang.
LANTAY

Mga pangungusap bilang


_________ _________ at
_________

PAHAMBING
Mga pangungusap bilang
_________ __________
_________ at _________

PASUKDOL
Mga pangungusap bilang
________, _________ at
_________

B. Magtala ng tatlo mong alagang hayop at ilarawan ito gamit ang ibat
ibang antas ng pang-uri.

Kung nagawa mo nang wasto ang mga gawain, binabati kita! Ipakita mo sa iyong guro
nang malaman mo kung pumasa ka!

You might also like