You are on page 1of 1

Junelle B.

Barcena
2012-31465
THW1 Pan Pil 19
Ang Pinagkaiba
Bago lumago ang mga feminist theories, naniniwala ang karamihan na walang kapasidad ang
mga kababaihan na maging rasyonal sa pag-iisip, at ang prebilehiyong ito ay nakalaan lamang
para sa mga kalalakihan. Nabuo ang lipunan na may pagkiling sa mga lalaki dahil ang mga
gawain nila ay mas pinapahalagahan. Hindi agad agad napagtanto ng karamihan na
napakaimportante rin ng papel ng babae sa mundo.
Sa liberal feminism unang ipinaliwanag na ang babae ay may kapasidad na mag-isip ng
rasyonal, at may mga bagay lamang na naghadlang sa kanila na magawa ang mga bagay na
nagagawa ng mga kalalakihan, at ito ang mga batas ng lipunan at kultura, katulad nalang ng sa
mga batas ng simbahan, sa paaralan, at maging sa loob mismo ng pamilya.
Sinasabi rin sa liberal feminism na ang bawat isa sa atin ay may kapasidad na magkaroon ng
karunungan kahit na ihiniwalay tayo sa lipunan. Kahit na nagkakaroon tayo ng interaksyon sa
ibang tao, hindi daw ito mahalaga para madagdagan ang kaalaman natin. Sa teoriyang ito
hinihimok ang bawat isa na makamit ang pinakamataas na lebel ng karunungan na maaabot ng
bawat isa.
Sa Marxist feminism naman, sinasabi na hindi mga batas ang nagiging dahilan sa pag-aapi sa
mga babae kundi ang pagkakaroon ng sariling ari-arian. Karamihan sa mga ipinahayag sa liberal
feminism ay kinokontra ng Marxist feminism, katulad nalang sa pagsabing ang pinakamataas na
antas ng karunungan ay maabot sa sarili lamang (individualistic). Sinasabi ng Marxist feminism
na ang tao ay may mga materyal na pangangailangan, kung kayat ang mga bagay na
kinakailangan niya para mabuhay ay nakukuha niya sa kanyang kapaligiran. Nagkakaroon din
ang tao ng karunungan, ayon sa Marxist feminism, dahil sa mga karanasan niya sa buhay na
nakukuha niya sa kanyang pakikipag-interact sa kanyang kapaligiran.

You might also like