You are on page 1of 1

Ako ang

Gumagawa
By : Queennie Hope Legaste
Imulat ang mga mata
Masdan ang yong paligid
Hindi k aba nakadarama ng pangamba?
Kahirapan at Kagutuman, talamak na.

Mga batang palaboy-laboy sa kalye,


Mga binatilyo at dalagitang nalulong sa droga,
Kabataan sanay nasa eskwela at nag-aaral,
Ngunit dahil sa kahirapan,silay napabayaan.
Sino ang may sala?
Sino ang dapat sisihin?
Sa problema ng bayan,
Sa isang suliranin, hindi malutas nino man?
Sa iba, gobyerno raw ang may pakana
Sa kabila, magulang na pabaya ang may sala,
Ngunit sa atin bang ginagawa
May nalutas ba sa ting problema, ni isa?
Mga kababayan, atin sanang isipin
Huwag iasa sa iba ang dapat nating ginagawa
Ikaw ang nagdidikta ng yong kapalaran,
Ang siyang gumagawa ng paraan upang kasaganaan ay
makamtam.

You might also like