You are on page 1of 3

ULAN

~~~Ang pagmamahal parang ulan yan. Hindi mo alam


kung kalian papatak at huhupa. Minsan sa isang di mo pa
inaasahang panahon mangyayari. At kahit anong gawin
mo para hindi mabasa, nababasa ka pa rin kasi
pagmagmamahal ka, kahit ayaw mo, masasaktan ka. Pano
mo nalaman na nagmahal ka kung hindi ka nasaktan?
Paano malalaman kung umulan kung walang nabasa?
~~~~~~
Maaga pa lang ay nakatanggap na ako ng isang text mula kay
Jano. Inaanyayahan nya ako na magkita sa Panda Caf sa tapat
ng University kahit walang pasok. Ako bilang bestfriend, hindi
makatangi kay umoo na lng ako sa hiling niya.
February 14. Romantic day right? Isa sa mga pinakahinihintay na
araw ng mga may relasyon. Nang mag-girlfriend at boyfriend.
Kung ako ang tatanungin, isa lamang sana ito sa mga ordinaryong
araw ng buhay ko ngunit iba ito ngayon e. Magtatapat ako ng
nararamdaman ko kay Jano. Bestfriend ko siya loob ng 12 years.
Ayoko ko ng ganito. Na may tinatago ako sa kanya. Ayoko ko dahil
parang niloloko ko lang ang sarili ko na sa araw araw na palagi ko
siya kaharap ay pinepeke ko ang mga sinasabi ko sa kanya.
Sa pagpasok ko pa lng sa Panda Caf ay tanaw ko na si Jano,
kasama ang isang babae na kung di ako magkakamali ay ang
babaeng palagi niya kinukwento niya na kanyang kababata.
"Hi Jano and pagbati ko ng may pag-aalinlangan sa kanila.
"Annika Bes. Pagtuloy ni Jano sa sinabi ko.
"Hi Annika. Bes, hindi mo naman sinabing may kasama ka pla.
Napatawa naman si Jano tsaka sabi BES. Kasama ksi siya sa
surprise ko."
"Talaga?
"Naalala mo ba ang mga kwento ko tungkol sa kaababata kung
umalis dahil nagmigrate sila sa US ng family niya? Well, that
childhood friend is Annika and .."
"Welcome Back Annika" pagbati ko ulit kay Annika.
"Thanks Sydney, right?" tumango naman ako sa kanya. Mukang
angel siya. Maputi, Mapula ang labi, itim na itim ang mahahabang
buhok nito. Ang Ganda niya. Wala akong laban.

"and shes MY GIRLFRIEND . ANNIKA my GIRLFRIEND" nakangiti


pang sabi ni Jano sa akin. habang ako pinipigilang umiyak.
ngumiti ako sa kanya ng pilit at saka nag salita ng
"Talaga! CONGRATs. Talagang sinakto nyo pa monthsary nyo sa
VALENTINES DAY" sabay tingin ko sa labas. Ayaw ko namang
makita nila akong umiiyak. at saka pinagpatuloy sinasabi
ko. "BAGAY KAYO" batid na rin sa boses ko na pinipigilan kong
umiyak.
"Bes, ok ka lang?" nag-aalalang tanong ni Jano.
"Yeah, yun lang ba sasabihin mo? Aalis na kasi ako. May
nakalimutan kasi ako sa university. Kailangan ko pang balikan."
"Oo. Bes. Akala ko may sasabihin ka rin sa akin?"
"Yun? Kalimutan mo na yun.Hindi naman iyon importante." Atsaka
ako tumayo para umalis.
"CONGRATS nga rin pla sa INYO" tuloy tuloy lang ang paglakad ko.
Hanggang sa makalabas ako. At habang naglalakad ako palayo sa
kanila bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong
payong. Wala akong panangga. Hindi man lang ako napagsabihan
na mababasa pala ako ngayon. Habang umiiyak, patakbo akong
bumalik sa bahay.
Ang sakit. ang sakit sakit na naghintay ako ng 4 na taon para lng
masabi ito nararamdaman ko, yun pla wla rin namang kwenta
kahit na sabihin ko pa dahil ayun na nga siya masaya sa piling ng
iba.
Siguro lahat ng mga sweetness na ginawa niya sa kin. Mga
pagpaparamdam niya na may gusto rin siya sa akin ay pawing
ilusyon ko lamang. Siguro nalunod lang sa ideya na baka
pwedeng maging kami ang isip ko kaya kahit anu na lang ang
iniisip ko.
Siguro ito ang sinasabi nila na maraming namamatay sa maling
akala. Tayo kasi assume lang ng assume e. Kaya tayo nasasaktan.
Siguro may mga bagay talaga na akala natin ay para sa atin pero
hindi naman. May mga bagay na nakakapagpasaya sa atin pero
kahit anung pilit nating maangkin ay kailanman hindi
mapapasaatin. May mga salitang hindi dapat sabihin dahil
kailanman hindi mapapakikinggan.
~~~Ang pagmamahal parang ulan yan. Hindi mo alam
kung kalian papatak at huhupa. Minsan sa isang di mo pa
inaasahang panahon mangyayari. At kahit anong gawin
mo para hindi mabasa, nababasa ka pa rin kasi
pagmagmamahal ka, kahit ayaw mo, masasaktan ka. Pano
mo nalaman na nagmahal ka kung hindi ka nasaktan?
Paano malalaman kung umulan kung walang nabasa?
~~~~~~

Wastong Paggamit ng Teknolohiya


Ang computer ang siyang pinakatalamak na gamit ngayon lalung-lalo na sa mga kabataan,
sapagkat ito'y naglalaman ng halos lahat ng impormasyon na kailangan natin sa
pamamagitan ng internet. Ang gawaing ito ay higit na mabilis kaysa magbuklat pa ng libro.
Kaya lang kapag ika'y nalulong dito, nakatitiyak tayong may mga bagay na masakripisyo at
maaaring hindi na mabigyan pansin gaya halimbawa sa panahong dapat sana'y ginamit sa
sariling kagalingan at sa sariling kalusugan.
Ika nga, "Kabataan ang pag-asa ng bayan". Pero nasaan ang pag-asa kung mismo ang mga
kabataan ay unti-unting naaadik sa isang gadyet? Paano na ang kinabukasan ng lahat? Huli
na ba ang lahat para tayo'y magbago?
Dati-rati simple ang ating pamumuhay kaya natutong makibagay ang bawat tao. Sa mga
mag-aaral, tuwing may pananaliksik na gagawin ay gumagamit lamang ng mga aklat na
nasa silid-aklatan at iba pang babasahin. Naging kontento lang sa ganitong gawain kahit
makalumang sistema sa pagkuha ng impormasyon. Anupa't sa ganitong paraan ay natutong
mapalalim ang kaisipan ng mga kabataan at malayo pa sa tukso na siyang magsisilbing
hadling upang magbago ang imahinasyon ng mga kabataan.
Lumipas ang maraming taon, unti-unting umiinog ang daigdig. Nabuksan ang puso't isipan
ng mga tao sa makabagong imbensyon dulot ng agham at teknolohiya, isa na rito ang
computer. Maraming kabataan ang nalulong sa paggamit nito, kay mas madalas ay puro laro
na lamang ang inaatupag kaysa sa pag-aaral. Humahantong ang mga kabataan sa
pagkalulong sa computer at mas pinili ang mag-cutting classes o lumiban sa klase. Bukod sa
mga laro, ang internet ay may mga site na nakakasira sa mata at pag-iisip ng mga bata,
sapagkat marami rin ditong mga panoorin na masyadong mahalay na nagiging dahilan para
ang mga kabataan ay maagang na-expose ng maseselang gawain na nagiging dahilan rin sa
maagang pagpasan ng responsibilidad bilang magulang.
Ang pagkakaroon ng ganitong gadyet ay hindi naman masama kung gagamitin ito sa
tamang paraan. Pakaisipin nating mabuti ang idinudulot nito. Nawa'y mabigyang linaw ang
isipan ng mga kabataan kung paano gamitin sa tamang panahon at oras ang ganitong
klaseng teknolohiya. Nakababahala nga ito, kaya dapat na gabayan ng mga magulang ang
pagyakap ng mga kabataan sa computer. Sikaping mapatnubayan ang mga kabataan sa
paggamit nito. Manahan ang pagpapairal ng istriktong pagpapatnubay upang madisiplina
ang mga kabataan. Dahil may kasabihang, "Ang kahoy na liko at baluktot, hutukin habang
malambot, sapagkat kung lumaki at tumayog mahirap na ang paghutok."
Gayunpaman, bukod sa matamang pagdidisiplina ng mga kabataan ay dapat matutunan nila
na ang kaalamang panteknolohiya ay may malaking impluwensiya sa pagtuklas ng solusyon
upang maresulba ang mga hidwaan at hinaing ng mga kabataan. Sikaping mangibabaw ang
temang, "Campus Journalists: Championing Ethics in Social Media," na magsisilbing daan
para maimulat ng mga kabataan ang totoong tunguhin o layunin ng computer sa pagtuklas
ng kaalaman o impormasyon upang maisakatuparan ang tunay na diwa ng pagkakaisa.

You might also like