You are on page 1of 3

BREASTFEEDING

A.

BENEFITS of BREASTFEEDING:
B onding
R esistance
E conomical
A llergy-free
S afe
T imesaving
Family planning
E nergy giving
E rror free formula
D igestible
I nexhaustible supply
N o vitamin needed
G uaranteed as best milk for baby

B.

Kahalagahan ng pagpapasuso:
Ang pagpapasuso ng ina sa kanyang sanggol ay
nagbibigay ng pinakamabisang proteksiyon, pagpapakain sa inyong
sanggol. Ang gatas ng ina ay may kalakip na sangkap, na mula sa
katawan ng isang ina, para sa kalusuganng sanggol laban sa mga
sakit. Ang pagpapasuso ay hindi na nangangailangan ng
karagdagan pang pagkain para sa sanggol, ang gatas ng ina ay
sapat ng pagkain para sa sanggol, marapat lamang na ito ay
patuloy na ibinibigay at nasa oras kung kailan ang sanggol ay
kailangan ng pakainin.
C.

Kailan dapat simulan at ipagpatuloy ang pagpapasuso sa


sanggol:

3 Es in Breastfeeding:
As Early as possible
Exclusive for 4-6 months
Extended up to 2 years
Ang pagpapasuso ay marapat na magsimula pagkalabas
pa lamang ng bata sa sinapupunan ng ina, pagtapos iaanak ang
sanggol na kung saan inilalagay ng mga doktor o ng kumadrona
ang sanggol sa dibdib ng ina matapos siyang iluwal (Latch-on).
Samantala, ang pagpapasuso ay dapat ipagpatuloy mula 4-6 na
buwan matapos ipanganak ang bata, at mas mainam kung
hanggang sa ang bata ay makarating na sa ikalawang taong gulang.
1.
2.
3.

Ang pagpapasuso ay hindi dapat biglaang itinitigil, marapat


na dahan-dahan ipakilala sa bata ang mga pagkain na kapalit ng
gatas ng ina, halimbawa, ang gatas na nabibili, lugaw, cereals
(cerelac), mga buong pagkain tulad ng mga carrots sticks, kanin at
iba pa. Habang ang bata ay kumakain pa sa pamamagitan ng
pagsuso, ang bata ay hindi dapat bigyan ng pacifiers, dahil ito ay
nagpapalito sa bata sa utong ng ina, dulot nito ay mas matinding
pagkagat ng bata sa utong ng ina habang nagpapasuso, dahilan

upang masugatan ang utong ng ina at ang isa pang dulot nito ay
ang pagsipsip ng bata sa kanyang daliri (thumb-sucking).

ng bata. Dapat ang utong hanggang sa brown na balat ang sakop


ng bibig ng sanggol para sa mas epektibong pagsuso.

D.

G. Paano malalaman kung busog na si baby?


Kapag busog na si baby, titigil na siya sa pagsuso at kahit
alukin pa sya ng pagsuso ay hindi na niya ito isusubo. Ang sanggol
ay maari ring mabusog na sa loob ng 10 minuto ng pagpapasuso.

Paghahanda para sa pagpapasuso:


PAGLILINIS NG UTONG:
Ang utong ng ina ay nililinis ng tubig at
hindi ginagamitan ng sabon dahil magdudulot
ito ng pagkatuyo ng utong resultang ng
medaling pagkakasugat ng utong. Linisin ang
utong palabas, mula sa brown na palibot na
balat sa utong palabas ng dulo ng utong.
Gumamit ng basing tela sa paglilinis at iwasan
ang bulak at tissue dahil maaring maiwan ang
mga hibla nito sa utong na maaaring makain ng
sanggol sa pagsuso.
Mahalagang linisin ang utong ng ina upang maiwasan ang
kung anu-anong maaring masama sa pagsuso ng sanggol at para
na rin maiwasan ang impeksyon sa suso ng ina at ang paglipat nito
sa sanggol sa pamamagitan ng pagsuso.
Bago pasusuhin ang sanggol at ayaw tumulo ng gatas,
maaring lapatan ng towel o tela na basa ng mainit na tubig ang suso
ng ina. Ilapat ang tela sa suso hindi sa utong ng ina. Ito ay mabisa
para lumabas ang gatas gayundin sa pababawas ng pagsakit ng
suso.
E.

Paano malalaman kung kailan dapat pasusuhin ang


sanggol at ilang beses?
Tuwing umiiyak ang sanggol, hindi ito nangangahulugan na
gutom ang bata. Dapat malaman ng ina kung ano ang daing ng pagiyak ng sanggol. Kung ang iyak ng bata ay malakas at hindi
tumatahan kahit sa pagkarga at pag-alok ng suso para sa
pagpapadede, malamang may ibang daing ang bata at hindi siya
nagugutom.

H.

May dapat ba kong gawin pagtapos dumede ni baby?


Pagtapos sumuso ni baby maari rin siyang padighayin para
maiwasan ang kabag at pagsuka. Maraming paraan
para gawin ito:
Hawakan ang sanggol padapa sa balikat at
dahan-dahan tapikin ang likuran ni baby hanggang siya
ay mapadighay. Maari rin gawin ito habang nakadapa si
baby sa hita at saka tapikin ang kanyang likod. Gawin
ito tuwing matapos pasusuhin si baby.
I.

Papaano ko naman mapapasuso ang anak ko kung


kailangan kong magtrabaho?
Maari pa ring mapakain ang sanggol sa pamamagitan ng
gatas ng ina ang sanggol sa pamamagitan ng paglalagay sa bote ng
gatas mula sa suso ng ina.
Maglaan ng isang bote o anumang lalagyan maaring takpan.
Hugasan ito gamit ang sabon at mainit na tubig at banlawan gamit
ang mainit na tubig.
Pigain ang suso mula sa brown na balat at idiretso ang
gatas sa bote. Maari rin gumamit ng breast pump para kumuha ng
gatas mula sa dibdib ng ina. Ilagay lamang ang gatas sa bote na
sapat para sa isang pagdede ng sanggol.
Kapag ihahain na ang gatas sa bote, initin ito sa
pamamagitan ng tubig na mainit at ibabad ito sa
loob ng isang minuto. Iwasan painitan ito direkta
sa apoy o sa oven o sa microwave. Kung
humiwalay na ang mga laman ng gatas ng ina,
alugin ng bahagya ang bote para muling
magsama ang sangkap ng gatas ng ina.
Siguraduhing tama lamang ang init ng gatas
para hindi mapaso ang bata.

Samantala, ang bata ay maaring pakainin matapos ang 2


hanggang 3 oras matapos ang huling pagsuso. Ang unang suso
ginamit ng sanggol, Halimbawa ang kaliwang suso ng ina, ay
maaaring magpasuso sa loob ng 10 minuto, samantala ang
susunod o ipapalit na suso, halimbawa ng kanan ay maaaaring
gamitin sa loob ng 6 na minuto. Sa susunod na pagpapasuso
matapos ang dalawang oras, unahin ang suso na ginamit ng
sanggol na nauna niyang supsupin. Halimbawa sa naunang kaso,
unahin muli ang kaliwang dibdib.
F.

Papaano kung hindi marunong sumupsop ang bata sa dibdib


ng ina?
Maari turuan ng ina ang kanyang anak. Una, dahan-dahan
haplusin paikot ang pisngi ng sanggol gamit ang hintuturo ng ina,
dulot nito ay ang pagbuka ng bibig at paglabas ng dila ng sanggol.
Ipagpatuloy ang paghaplos hanggang ang bata ay kusang
magpakita ng kakayahan sa pagsipsip at patuloy na paglabas ng
dila, at ito ang pagkakataon na maaari ng ilapat ang utong sa bibig

Ang gatas ng ina ay maaring itago sa loob ng refrigerator


para sa mga susunod na panahon pagpapakain sa sanggol. Maaari
itong ilagay sa refrigerator na maaring magamit sa mga susunod na
panahon:
ITAGO SA:

MAARI ITONG MAKONSUMO SA


LOOB NG:

Room
temperature

8 10 hours

Refrigerator

48 hours

Freezer

3 months

Deep freezer

6 months

4. Ang mga pagkaing nagbibigay ng protina sa katawan na galing


kadalasan sa hayop ay nakakatulong sa mabilis na paglaki ng bata
at nagbibigay lakas sa katawan.
5. Peas, beans, nuts at seeds ay maganda rin para sa mga bata.

PAGKHAKAB (LATCHING) NI BABY


A.

MALING PAGHAKAB
X Sumususo ang Baby sa utong lamang

6. Ang mga gulay at mga dilaw na prutas ay nakakapagpalinaw ng


mata sa mga bata at naiiwasan nilla ang pagkakaroon ng
impeksyon.

8. Habang lumalaki ang bata dumarami din ang kanya kinakain.

X Ang pagsuso sa gabitong posisyon ay nagdudulot ng


sakit o kirot sa suso ng Mommy
B.

TAMANG PAGHAKAB
Malaki ang buka ng bibi ni Baby

School of Midwifery

7. Ang bata ay kailangang kumain ng 3 beses sa isang araw at 1


beses na meryenda. Maghanda ng ibat ibang pagkain sa araw na
kung saaan kasya ang budget ng pamilya.

X Malayo at hindi gaanong nakabuka ang bibig ni Baby


X Malayo ang baba sa suso

University of Perpetual Help


System Dalta

TAMANG PARAAN NG PAG-PAPASUSO AT


NUTRISYON NG BATA

9.
Kailangan ding matuto ang bata kumain ng hindi
tinutulungan ng iba at kailangan magkaroon ng mahabang pasesya
ang magulang ng bata.
10.
Kapag may sakit ang bata pilitin syang makakain upang
madali syang gumaling sa sakit nya.
Tamang Posisyon ng Pagpapasuso

Mas maraming itim na bahagi (areola) sa itaas ngbibig


ni Baby kumpara sa ilalim ng bibig
Nakalapat ang itaas at ibaba ng abi ni Baby
Ang baba ni Baby ay nakadikit sa suso ni Mommy
Walang sakit na nararamdaman sa paligid ng utong
habang nagpapasuso
KEY MESSAGE ON FEEDING BABIES OVER SIX MONTHS
1. Ang patuloy na pagpapasuso sa bata hanggang gulang 2 o
pataas ay nagkakaroon ng mas malakas at malusog na
pangangatawan.
2. Nakakatulong din ang pagbibigay sa bata ng ibat ibang pagkain
sabay ng pagpapasuso ng nanay kapag higit anim na buwan na ang
bata.
3. Pakainin ang bata ng pagkain na makapagbibigay lakas sa bata.

References: www.doh.gov.ph
www.scribd.com

Prepared by:
Midwifery II Students

August 26, 2015

You might also like