You are on page 1of 2

Isa sa mga dahilan ng pagiging tamad ng mga Pilipino na nabanggit ni Rizal

ay ang mainit na klima. Nakakatamad nga naming kumilos at magtrabaho


kapag mainit ang panahon. Ang mainit na klima raw ang dahilan ng
katamaran ng mga Pilipino.
Sino nga ba ang mas tamad? Ang isang mahirap na empleyado na
pumapasok ng alas-otso ng umaga at umuuwi na ng hapon upang
magtrabaho para sa kanyang amo o ang kanyang amo na pumapasok ng
alas-diyes ng umaga at umaalis na bago mag-tanghali na walang ginawa
kundi ang magbasa ng diyaryo habang nakataas pa ang mga paa sa mesa?
Ang isang katulong na nagsisilbi sa kanyang amo sa buong araw o ang amo
niya na tatanggalin na lang ang sapatos ay ipag-uutos pa sa kanyang
katulong?
Ayon kay Rizal, ang mga mananakop na rin daw ang mas nagbigay ng
pagkakataong maging tamad ang mga Pilipino. Hindi pinapayagan ng mga
Kastila na magtrabaho ang mga Pilipino o gawin ang anumang gawain dahil
sa Polo y Servicio o sapilitang paggawa. Isa pa ay ang pagsusugal tulad ng
pagsasabong. Ang mga Pilipino ay nahilig sa pagsusugal kaya naman sa halip
na magtrabaho ay umaasa na lang sila sa suwerte nila sa sugal.
Dahil dumarami na naman ang naghihirap na mga Pinoy, muling nabubuhay
ang usapin hinggil sa katamaran ng mga Pilipino. Noong taong 2005,
nagsagawa ang isang malaking pahayagan ng isang poll survey na sumusuri
sa kasipagan ng mga Pinoy. Ayon sa kapuwa Pinoy, talagang tamad ang mga
Pilipino at napatutunayan ito sa napakarawal na kalagayan ng nakararami
mga taong nasa iskuwater, yaong hindi halos kumakain ng tatlong beses
isang araw, at marami pang ibang mga bagay na nagpapatunay diumano ng
katamaran nating mga Pilipino.
Sa tingin ko, sa panahon natin ngayon, hindi naman talaga tamad ang mga
Pilipino. May ilan na kahit hirap na sa buhay ay nagsusumikap pa ring
maghanap ng trabaho matutustusan lamang ang kanilang pangangailangan.
Marami ang walang trabaho, hindi dahil tamad sila, kundi walang sapat na
oportunidad para sa kanila.Dahil dumarami na naman ang naghihirap na mga
Pinoy, muling nabubuhay ang usapin hinggil sa katamaran ng mga Pilipino.
Noong taong 2005, nagsagawa ang isang malaking pahayagan ng isang poll
survey na sumusuri sa kasipagan ng mga Pinoy. Ayon sa kapuwa Pinoy,
talagang tamad ang mga Pilipino at napatutunayan ito sa napakarawal na
kalagayan ng nakararamimga taong nasa iskuwater, yaong hindi halos
kumakain ng tatlong beses isang araw, at marami pang ibang mga bagay na
nagpapatunay diumano ng katamaran nating mga Pilipino.
Ayon naman sa IBON Foundation, Inc. ang sahod ngayon ng karaniwang

manggagawang Pinoy ay hindi man lamang nakaabot sa kalahati ng tunay na


presyo ng pang-araw-araw na pamumuhay (daily cost of living) sa
kasalukuyan. Sa pagtaya ng IBON, nasa P957 ang kailangan ng isang
pamilya, araw-araw, para mabuhay sila nang maayos. Ang sweldo ngayon ng
Pinoy na trabahador sa MaynilaP404 ang minimum at iyon namag iba,
swerteng mataassila yaong nasa call centers at iba pang mga kumpanyang
may kakayahang magpasuweldo ng malaki. Ang siste, mataas ang rekisitos
para makapasok sa sinasabing sunshine industry ng bansa: kailangang
nakapagkolehiyo ka, mahusay sa pagsasalita ng Ingles, at higit sa lahat:
kailangang mahusay na maka-quota.
Sana maisip natin ang mga bagay na nagpapabulag sa atin. Tandaan, ang
pag-asenso ng isang tao ay nakasalaylay sa kanyang sariling mga kamay.
Ang pagpapakita at paggawa ng tamang diskarte, mabuting pag-uugali, sipag
at tyaga sa buhay ay ang magdadala sa iyong sariling tagumpay.

You might also like