GABAY SA PAG-AARAL SA ASIGNATURANG ARALING PANLIPUNAN 3 Inihanda ni: G. Ian M. Abao
Unang Markahan Aralin 1: Mga Simbolo sa Mapa
Aralin 2: Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Rehiyon Batay
sa Direksyon MGA PANGUNAHING DIREKSYON May apat na pangunahing direksyon: H--Hilaga T--Timog K--Kanluran S--Silangan Sa mapa ay karaniwang matatagpuan ang H o hilaga sa gawing itaas at ang T o timog sa gawing ibaba. Sa gawing silangan naman sumisikat ang araw at lulubog ito sa gawing kanluran .
MGA PANGALAWANG DIREKSYON
Narito naman ang mga pangalawang direksyon: HS--Hilagang-Silangan HK--Hilagang-Kanluran TS--Timog-Silangan TK--Timog-Kanluran TK
HK
HS
TS
Ngayong alam mo na ang mga pangunahin at pangalawang direksyon ay
kailangang alam mo na rin ang iba pang salitang magagamit sa pagtuturo ng lokasyon o kinalalagyan ng isang lugar o bagay tulad ng kaliwa, kanan, itaas, ibaba, harapan at likuran.
Aralin 3: Relatibong Lokasyon ng mga Lalawigan sa
Rehiyon
Rehiyon X Hilagang Kamindanawan (Northern Mindanao)
Ang Rehiyon X ay binubuo ng 5 Lalawigan ito ay:
Camiguin; Misamis Oriental; Lanao del Norte o Sentral Mindanao; Bukidnon at; Misamis Occidental ARALIN 4. Katangian ng mga Lalawigan sa Rehiyon