MARIBEL: A ng hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." Ito ang tanyag na katagang nagmula sa atingpambansang bayani na si Gat.Jose Rizalna nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. EDWARD: Tama Maribel. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigaybuhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isangbansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. MARIBEL: Higit sa lahat Edward, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang ibat ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pa gkatao ng mgamamamayan. EDWARD AT MARIBEL: Isang mapagpalang hapon sa inyong lahat! Maligayang panood ngPagtatapos na Programa ng Buwan ng Wikang Pambansa! EDWARD: Tumayo po tayong lahat at ating awitin ang Pambansang Awit sa kumpas ni Meriam Berana,Magaaral sa Ika-anim na Baitang. MARIBEL: Manatiling nakatayo para sa Panalangin na pangungunahan ni Karylle Joyce Esquivel, Mag-aaral sa Ika-apat na Baitang. EDWARD: Maraming salamat Meriam at Karylle! Para magbigay ng pambungad na mensahe, tawaginnatin si Elisabet Lonsame, Mag-aaral sa Ika-anim na Baitang. MARIBEL: Salamat Elisabet! Tiyak na mangingibabaw ang mga palakpakan at hiyawan sa susunod nabahagi ng ating palatuntunan. Isa- isa na nating kilalanin ang mga kalahok sa patimpalak-kagandahan ngLakan at Lakambini ng Wika. EDWARD: Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang ating mga kalahok sa kanilang malikhaingkasuotan! At para parangalan ang mga nagwagi sa Pinakamagaling sa Malikhaing Kasuotan, narito siGng. Sharmaine H. Esperida. MARIBEL: Ang Pinakamagaling sa Malikhaing Kasuotan (Primarya) ay sina: ________________________________________, Munting Lakan ng __________ Baitangat ______________________________________, Munting Lakambini ng __________ Baitang EDWARD: Ang Pinakamagaling sa Malikhaing Kasuotan (Intermedya) ay sina: ________________________________________, Lakan ng ___________ Baitangat si ____________________________________, Lakambini ng __________ Baitang. MARIBEL: Ngayon naman ay kilalanin natin ang mga kalahok na nagpamalas ng angking galing sapag-indak sa kanilang Pambungad na Bilang. Tawagin natin si Bb. Jennifer Perez para parangalan angmga nagsipagwagi. EDWARD:
Ang Pinakamagaling sa Pambungad na Bilang (Primarya) ay
sina: _________________________________________, Munting Lakan ng __________ Baitang