You are on page 1of 2

Meshes of the afternoon

Timothy James S. Reyes


CEE 12

Sa panaginip niya hinahabol niya ang nakaitim na damit, na


nirerepresenta ang ating mga panaginip dahil hindi niya nahabol ang
nakaitim na damit dahil huminto siya, tulad nalang sa ating mga panaginip
palaging kulang o hindi tapos sa simpleng salita ay bitin. Maraming bagay
ang ipinakita sa palabas na ito tulad ng susi, telepono, kutsilyo, anino at
bulalak bawat isa ay may simbolo. Ang pagbasak ng susi sa kamay ng babae
ay sumisimbolo sa kawalan ng balance, pwede itong mga paghihirap katulad
ng pag akyat niya sa hagdanan nung sa pangalawang panaginip. Ang
kutsilyo ay sumisimbolo sa proteksyon o nakakasakit o lalaki dahil ang laging
sinasabi ng ibang mga babae na, sinasaktan lang sila ng mga lalaki pero
hindi lahat ng lalaki ganun meron din na mga lalake na prinoprotektahan ang
babae. Ang telepono ay sumisimbolo sa panaginip. Ang susi ay sumisimbolo
sa panibagong simula, kung mapapansin niyo sa bawat simula mayroong
susi. Ang simbolo naman ng Bulaklak ay ang pag ka babae. Ang anino
naman ay sumisimbolo sa mga problema at mga negatibong katangian. Ang
napansin ko sa palabas na ito ay hindi masaya ang babae sa kanyang
kasintahan na lalaki. Maaring sinasaktan siya ng Asawa o inaalis ang
karapatan ng babae sa mga bagay na dapat may karapatan siya. Makikita
niyo din na gusto niya ng magpakamatay dahil sa mga pinapakita sa
panaginip niya. Mapapansin nyo sa pangatlong panaginip nung sinaksak ng
babaeng naka salimin ang babaeng nakaupo marami pa itong dinaanan,
nirerepresenta nito ang mga narating o mga karanasan ng babae at biglang
nagising ang babae at nakita niya ang lalaki. Sa pang apat na panaginip ang
bulaklak ay naging kutsilyo ibigsabihin ay mas nanaig ang kapangyarihan ng
lalaki kesa sa babae. Nung sinaksak ng babae ang mukha ng lalaki naging

salamin ito at nabasag at lumabas sa salamin ay dagat na sumsimbolo sa


kapayapaan, walang hangganganan, at Malaya, ibigsabihin ay Malaya n gang
babae. Sa reyalidad ay dumating ang lalaki at nakita niya na nag pakamatay
na ang babae.

You might also like