You are on page 1of 1

ASEAN SUMMIT 2015, MATAGUMPAY NA NAILUNSAD

Ginanap ang ika-26 na ASEAN Summit


noong Abril 27, 2015 sa Kaula Lumpur, Malaysia sa
resort island ng Langkawi at
ito ay dinaluhan ng 10
miyembrong bansa nito.
Isa
sa
mga
pangunahing adyenda ng
pulong na ito ay ang
pagsusulong sa Asean
Community 2015.
Ang ilan pa sa mga
bagay na naisakatuparan sa
gawaing ito ay ang
pag-follow up sa mga
deklarasyon na nasimulan
na sa nakaraang Asean
Summit sa Myanmar tulad
na lamang ng Langkawi
Declaration on the Global
Movement of Moderates, isa sa mga kontribusyon ng
ASEAN sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad;

gayundin ang Declaration on Institutionalizing the


Resilience of ASEAN and its Communities and People
to Disaster and Climate Change,
isang tugon sa patuloy na epekto
ng climate change.
Napag-usapan din sa
pulong na ito ang pagkakaroon ng
ASEAN ng iisang time zone na
GMT +8 batay na rin sa
suhestiyon ng Singapore, ang
pagpapalakas ng East Asia Summit,
ang planong gawin na lamang na
isang beses sa isang taon ang
Asean Summit at ang kuwestiyon
hinggil sa South China Sea, na
nagkaroon lamang ng kakaunting
progreso.
Inaasahan na ang mga di
pa napagdedesisyunang mga
adyenda ay masasagot na sa susunod na
pagpupulong ng mga kasaping bansa sa ASEAN.

SONA 2015: Ang Huling Ulat sa Tuwid na Daan


Ibinahagi ni Pangulong
Benigno Noynoy C.
Aq u i no Jr. a ng
kaniyang huling State
of the Nation Address
noong Hulyo 27,2015
para sa mga Pilipino
na ginanap sa House
of Representatives,
IBP Road., Batasan
Hills, Lungsod Quezon at dinaluhan ng mga
opisyal ng pamahalaan kabiilang ang kongreso
at senado.
Sa kanyang talumpati ay isinaad
niya ang mga proyektong nailunsad,
naisagawa at mga isasagawa pa bago matapos ang kanyang termino. Bagamat marami
pa rin ang pumuna at nakulangan sa kanyang

mga iniulat, hati naman ang opinyon ng


mga mamamayan sa kanyang
panunungkulan.
Ilan sa mga pangunahing
tagumpay na iniulat ng Pangulo sa
kanyang SONA ay ang mga sumusunod:
Muntinlupa-Cavite Expressway
(MCX) sa ilalim ng Public-Private
Partnership Project
GOCC dividends tumaas ng 131.86
billion pesos sa loob ng 5 taon mula
sa 84.18 billion siyam na taon bago
ang kanyang panunungkulan
Tax collection umabot na ng 1.5
trillion pesos sa loob ng 5 taon mula
sa 228 million noong 2008
Net foreign investments mula $2 B

noong 2008 ngayon ay nasa 6.2 bilyong


dolyar na; domestic investments 1.2
trillion pesos noong 2003 sa
kasalukuyan ay nasa 1.2 trillion pesos
Ang unemployment rate ay 6.8 %, ang
pinakamababa sa loob ng 10 taon
6.2 % GDP growth, pinakamataas sa
loob ng 40 taon
Ang ilan pa sa nilalaman ng
kanyang SONA ay ang PNP Enhancement
Programs/AFP Modernizations/K12/4Ps ng
DSWD/Philhealth benefits/ mga proyektong
imprastraktura at mga prayoridad na batas na
dapat maipasa ng kapulungan
Ayon pa sa Pangulo, ito ay simula
pa lang ng pagbabago. Ngunit kung siya ang
tatanungin sa kanyang mga nagawa, ito lang
ang kanyang masasabi: I have fought a good
fight, I have finished the race, I have kept the
faith.
- Gigi L. Mondelo, T1, BHNHS

You might also like