You are on page 1of 2

Reaction paper

Apolinario J. Katipunan
Deparment of Mining Metallurgical and Materials Engineering
University of the Philippines, Diliman, Quezon City, Philippines
Instructors Name: Sharon Pangilinan
Isa sa mga natatanging pinag-kaiba ng dalawang dokumentaryong pinanuod sa klase ay ang motibo ng pag pag bibigay
edukaysyon sa isang komunidad. Maliban pa rito, isa ring malinaw na tunggalian sa pagitan ng dalawang dokumentaryo ay ang
pag papahalaga ng tradisiyon at kultura, at pag papayaman nito sa loob ng isang komunidad.
Sa unang dokumentaryo, may ilang mga kontradiksyon ang pumapaibabaw. May mga tanong na mahihinuha upang pag
nilayan ng mga manonood. Ilan na rito ay kung mayroon nga bang correlation ang pagiging edukado ng isang indibiwal sa lebel ng
kanyang kaligayahan. Masasabi ba na ang isang edukado ay may taglay na praktikal at social skills? Sa kanyang pagtatapos ng pagaaral siya ba ay makakahanap ng mabuting trabaho at hindi mag hihirap?
Ilan lamang sa mga kumento ng mga nakatatanda sa mga edukado sa video ay ang kakulangan nila sa tradisiyonal na mga
kaalamaan, at ang pagkawala ng mga values na kanilang pinapahalagahan tulad ng kindness at compassion. Masasabi na epekto ito ng
sistema ng pagtuturo na ipinakilala ng kanilang mga mananakop.
Maaaring natututo ang isang indibidwal, ngunit sa pamamaraan ng pagtuturo ng mga kanluranin, mga teknikal na
kaalaman lamang at walang ispiritwal na kaalaman ang nakapaloob sa kanilang mga aralin. Nalilimitahan ang edukasyon sa
pagbabasa at pag susulat lamang, at ang mga natatanging kaalamang bayan ay unti-unting nawawala at namamatay. Imbes na
pagyamanin, ang mga kaalamang bayan na ito ay binabale wala at isinasantabi bilang isang walang kwentang kaalaman sa pananaw
ng modernong pag-iisip
Maliban dito, ang mga paaralan ng mga kanluranin ay may ulterior na motibo. Ipinapasok sa mga eskwelahan ang mag
mamamayan ng isang bayan hindi upang matuto silang lumikha ng solusyon sa mga kasalukuyang krisis ng kanilang lipunan o
sumagot sa mga pang araw-araw na problema, bagkus ay upang maging docile laban sa kanilang mga mananakop.
Dito, masasabing may tunggaliang nagaganap sa pagitan ng edukasyon bilang isang sandatang mapagpalaya laban sa
kamangmangan at sa edukasyon bilang isang sandata ng mga mananakop upang limitahan ang kalayaan ng kanilang kolonya.
Maliban pa rito, inihahanda rin ng kanilang sistema ng edukasyong ang mga estdudiyante upang maging taga puno o
maging instrumento ng mga elitista sa kanilang industrial production system.
Samakatuwid, ang mga estudiyante ay nakikita hindi bilang isang vessel ng karunungan, bagkus, ay isa lamang produkto
ng mga mananakop. At dahil dito, sila ay nailalayo sa tunay na kahulugan ng edukasyon.
Dito sa Pilipinas, laganap rin ang ganitong pag iisip sa kamalayan ng ating mga mambabatas. Sa pag papatupad nila ng
programang K-12 sa ating sistema ng edukasyon, nilalayon nilang gawing produkto ang ating mga mamamayan upang mag silbi
sa karatig nating mga bansa.
Isang bagay na kailangang isaalala bago makapag bigay edukasyon sa isang komunidad ay ang kanilang geography o ang
relasyon ng isang indibidawal sa kanyang mundong ginagalawan. Na lahat ng tao ay may ibat ibang paraan ng pagkatuto na
nakabatay sa mga social at cultural norms na kinalakhan nito.
Tulad ng sa Pahiyom ni boye, sa pagbuo ng eskwelahan, kasama ang mga mamamyan sa pag konsulta at pag tatayo.
Malinaw rin ang motibo ng mga guro at ng chieftain ng bayan sa pag tatayo ng paaralan. Nagtatayo ng paaralan ang mga ito hindi
upang mag karoon ng mas marami pang material na bagay, bagkus, upang matutunan nilang depensayan, ipaglaban at i-preserba
ang kanilang mga karapatan patungkol sa kanilang mga ancestral lands and domains.
Maaring ang pamamaraan ng isang bayan tungo sa pag e-educate ng kanyang mga mamamayan ay epektibo para sa kanila
ngunit hindi nangangahulugang magiging epektibo ito para iba. Maaaring ang kultura ng isa ay hindi tatanggapin ng ibang
komunidad na may sariling kultura.

Isa sa pangunahing layunin ng edukasyon ay ang i-preserba ang kultura at heritage ng isang bayan. Ngunit sa pamamaraan
ng mga kanluranin sa unang dokyumentaryo, unti-unti nabubura ang kultura ng kanilang bayang sinakop. Isang magandang
halimbawa ng pag mo-moderno ng eduksayon sa Pahiyom ni Boye kasabay ng pag papayaman ng kanilang kultura ay ang pag
gamit nila ng kanilang sariling wika sa pag tuturo ng mga aralin.
Bilang pag tatapos, masasabi ko na sa pagitan ng dalawang dokyumentrayo, malinaw na may tunggalian sa kanilang
pamamaraan ng pag bibigay edukasyon Kung saan ang paraang isinasa alala ang kultura ng isang bayan ang siyang mas
makakatulong sa pag bibiga edukasyon sa mga mamamayan nito.

You might also like