You are on page 1of 2

Laguna College of Business and Arts City of Calamba

Isang Pananaliksik tungkol sa Pagsasaling-wika sa Iba't-ibang Linguahe


Ang Pagsasalingwika
Dominguez, Celina III-A2
Introduksyon:
Ang pagsasaling-wika ay paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa panimulang wika
papunta sa tunguhang wika.
Maraming kaalaman ang dapat taglayin ng bawat mag-aaral na tulad natin at isa na rito ang malawak na
kaalaman sa pagsasalin wika. Nasubukan niyo na bang makipag-usap sa iyong kamag-aral o guro ng
ingles? Naging madali ba para saiyo ipahayag ang nais mong sabahin?
Kaakibat ng pag-unlad ng bansa ang pakikipag-ugnayan natin sa mga banyaga dahil ang ingles ang ay
tinatawag na unibersal na lenggwahe, na nararapat lang na tagayin ito ng bawat isa.
Sa pag-aaral naming ito, ilalahad namin ang mga pangunahing batayang pagsasalin. At kung anu nga ba
ang pagsasalin-wika ang mga dapat tandaan ng isang tagasalinwika.
Batayang Teorya
Nagsimulang magkaanyo ang pagsasalin noong panahon ng pananakop ng mga Kastila dahil sa
pangangailangang pangrelihiyon ang mga akdang Tagalog at ibang katutubong ang mga akdang
panrelihiyon, mga dasal at iba pa, sa ikadadali ng pagpapalaganap ng Iglesia Catolica Romana
(Kristiyanismo).
Nang pumalit ang Amerika sa Espaa bilang mananakop ng Pilipinas, nagbago na rin ang papel na
ginagampanan ng pagsasalin wika.Kung ang pangunahing paraang ginamit noong panahon ng Kastila ay
krus o relihiyon para masakop ang Pilipinas; edukasyon naman ang kinasangkapan ng mga Amerikano.
Ang mga Pilipino ay napilitang pag-aaralan at pagsulat ng ingles.
Ang maituturing na ikatlong yugto ng kasiglahan sa pagsasalinwika ay ang mga pagsasalin sa filipino ng
mga materyales, pampaaralan na nasusulta sa ingles, tulad ng mga aklat, patnubay, sangunian gramatika
atbp. Kaugnay sa pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon.
Ang maituturing nang ikaapat na yugto na kasiglahan sa pagsasaling wika ay ang pagsasalin ng mga
katutubong panitikang di tagalog.

Paglalahad ng suliranin Anu-anu ang mahahalagang batayan sa pagsalin. Ano-anung mga katangian
dapat taglayin ng isang tagapagsalin?
Mga Kaugnayan na literatura At Pag-aaral
Isang paraan ng paglalapat ng katumbas ng kahulugan ng isang wika(isinalin) ng tinutumbasang
kahulugan sa ibang wika(pinagsasalinan). Ang pagsasalingwika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang
wika ng pinakamalpit na natural na katumbas ng orihinal- ang minsaheng isinaad ng wika, una'y bata'y sa
istilo (Eugene Nida at Charles Tabera:1969)
Ang pagsasalin ay isang gawaing binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang wika ng gayon ding
mensahe sa ibang wika. (Pete Newmart:1988)
Ang pagsasalin ay isang prosesong komunikatibo na naganap sa loob ng isang
kontekstongbpanlipunan(Hatim at I. Masom)

You might also like