You are on page 1of 4

Paano mapapangalagaan ang katawan kapag nagbibinata at

nagdadalaga
Sa mga Nagdadalaga
Malaking pagbabago ang nararanasan ng mga nagdadalaga. Kapansin-pansin ang ilang pagbabago. Halimbawa,
dahil sa ilang partikular na hormon, tutubuan ng buhok ang iyong ari. Bukod diyan, mapapansin mong lumalaki ang
iyong dibdib, balakang, at hita. Nagkakahubog na ang iyong katawan, kaya hindi ka na mukhang bata. Wala kang
dapat ikabahalatalagang normal ito. At indikasyon ito na naghahanda na ang katawan mo para sa pagdadalangtao sa hinaharap!
Bahagi ng pagdadalaga ang pagkakaroon ng buwanang dalaw. Kung hindi ka handa, baka ikatakot mo ang malaking
pagbabagong ito sa iyong buhay. Ganito ang naalaala ni Samantha: Nabigla talaga ako nang una akong datnan.
Ang dumi-dumi ng pakiramdam ko. Kinukuskos kong mabuti ang katawan ko kapag naliligo at diring-diri ako sa aking
sarili. Takot na takot ako kapag naiisip kong buwan-buwan na akong magkakaroon sa loob ng maraming taon!
Pero tandaan na ang pagkakaroon mo ng buwanang dalaw ay indikasyon na nadedebelop na ang iyong mga
sangkap sa pag-aanak. Bagaman maraming taon pa naman ang lilipas bago ka maging handa sa pagiging isang
magulang, unti-unti ka nang nagiging isang ganap na babae. Pero talagang nakababalisa pa rin kapag dinatnan ka
na. Ang pinakamalaking hamon para sa akin ay ang pagiging sumpungin ko, ang sabi ni Kelli. Hindi ko talaga
maintindihan kung bakit napakasaya ko sa buong maghapon, pero mamumugto naman ang mga mata ko
kinagabihan dahil sa kaiiyak.
Kung ganiyan ang nadarama mo ngayon, huwag kang masiraan ng loob. Masasanay ka rin. Ganito ang sinabi ng 20anyos na si Annette: Dumating sa punto na natanggap ko ring kailangan ito para maging ganap na babae ako at na
binigyan ako ni Jehova ng kakayahang magkaanak. Mahirap talaga itong tanggapin sa una, at malaking hamon ito
para sa ilang babae; pero sa kalaunan, matututuhan mo ring tanggapin ang mga pagbabagong ito.
Nararanasan mo na ba ang ilan sa pisikal na mga pagbabagong tinalakay sa itaas? Sa mga linya sa ibaba, isulat ang
anumang naiisip mong tanong hinggil sa mga pagbabagong nararanasan mo.

Sa mga Nagbibinata
Kapag nagbinata ka na, malaki ang magiging pagbabago ng iyong hitsura. Halimbawa, baka maging masyadong
malangis ang iyong balat, kaya maaaring tagihawatin ka at magkaroon ng blackheads.* Nakakairita at
nakakadismaya kapag tinagihawat ka, ang sabi ng 18-anyos na si Matt. Mahirap kalaban ang tagihawat. Hindi mo
alam kung maaalis pa ito o kung mag-iiwan ito ng peklat o kung mamaliitin ka ng mga tao dahil dito.
Sa kabilang panig, maaaring mapansin mo na mas lumalaki at lumalakas ka na. Lumalapad na rin ang iyong mga
balikat. Maaaring tubuan ka ng bigote, balahibo sa binti at dibdib, at ng buhok sa kilikili. Siya nga pala, hindi sukatan
ng pagkalalaki ang pagiging balbon; namamana lang yan.
Dahil hindi sabay-sabay ang paglaki ng mga bahagi ng iyong katawan, baka maasiwa kang kumilos. Asiwa akong
kumilos. Para akong nag-i-skating na giraffe, ang naalaala ni Dwayne. Hindi agad makasunod ang mga bisig at
binti ko sa sinasabi ng utak ko!
Kapag tin-edyer ka na, unti-unting llak ang boses mo. May pagkakataong baka mapahiya ka dahil bigla ka na lang
mapapapiyok habang nagsasalita. Pero huwag kang mag-alala, pansamantala lang iyan. Kaya kung mapapiyok ka
man, tawanan mo na lang ang iyong sarili para hindi ka masyadong mapahiya.
Habang gumugulang ang iyong mga sangkap sa pag-aanak, llak ang iyong ari at tutubuan ito ng buhok sa palibot.
Magsisimula na rin itong gumawa ng semilya. Ang likidong ito ay may milyun-milyong pagkaliliit na punlay, na
lumalabas sa panahon ng pagtatalik. Kayang pertilisahin ng punlay ang selula mula sa obaryo ng babae upang
makabuo ng sanggol.
Naiipon ang semilya sa iyong katawan. Ang ilan ay natutunaw na lamang sa loob ng katawan, pero paminsanminsan, nailalabas ito sa gabi samantalang natutulog ka. Wet dream ang karaniwang tawag dito. Normal lamang ito.
Binabanggit pa nga ito sa Bibliya. (Levitico 15:16, 17) Palatandaan ito na gumagana ang iyong mga sangkap sa pagaanak at malapit ka nang maging ganap na lalaki.

Nararanasan mo na ba ang ilan sa pisikal na mga pagbabagong tinalakay sa itaas? Sa mga linya sa ibaba, isulat ang
anumang naiisip mong tanong hinggil sa mga pagbabagong nararanasan mo.

Kung Paano Haharapin ang Pagbabago sa Iyong Damdamin


Habang nadedebelop ang mga sangkap sa pag-aanak ng mga lalaki at babae, nagkakaroon sila ng interes sa
kanilang di-kasekso. Nang magbinata ako, saka ko lang napansin na napakarami palang magagandang babae, ang
sabi ni Matt. Pero wala naman akong magawa kasi napakabata ko pa para manligaw. Mas detalyadong tatalakayin
sa Kabanata 29 ng aklat na ito ang aspektong ito ng paglaki. Samantala, tandaan na mahalagang pag-aralan mong
pigilin ang iyong seksuwal na pagnanasa. (Colosas 3:5) Bagaman waring mahirap itong gawin, makakaya mong
kontrolin ang iyong sarili!
May iba pang mga damdamin na kailangan mong harapin sa panahon ng pagbibinata/pagdadalaga. Halimbawa,
baka madali kang mainis sa iyong sarili. Karaniwan nang malungkutin ang mga kabataan, at paminsan-minsay
nanlulumo. Sa gayong mga pagkakataon, makabubuting makipag-usap ka sa iyong magulang o sa iba pang adulto
na pinagkakatiwalaan mo. Isulat ang pangalan ng adulto na maaari mong mapaghingahan ng iyong niloloob.

Higit na Mahalaga Kaysa sa Pisikal na Paglaki


May mas mahalaga pa kaysa sa iyong pagtangkad at pagbabago ng iyong hitsura o hubog ng katawan. Ito ay ang
pagsulong mo sa mental, emosyonal at, higit sa lahat, sa espirituwal na paraan. Sinabi ni apostol Pablo: Noong ako
ay sanggol pa, nagsasalita akong gaya ng sanggol, nag-iisip na gaya ng sanggol, nangangatuwirang gaya ng
sanggol; ngunit ngayong ganap na ang aking pagkatao, inalis ko na ang mga ugali ng isang sanggol. (1 Corinto
13:11) Maliwanag ang aral. Hindi sapat na magmukha kang adulto. Kailangang matutuhan mong kumilos, magsalita,
at mag-isip na gaya ng isang adulto. Huwag kang masyadong mabahala sa nangyayari sa iyong katawan anupat
hindi mo na nabibigyang-pansin ang iyong pagkatao!
Tandaan din na tumitingin [ang Diyos] sa kung ano ang nasa puso. (1 Samuel 16:7) Sinasabi ng Bibliya na si
Haring Saul ay matangkad at makisig, pero hindi siya naging mabuting hari ni naging mabuting tao man siya. (1
Samuel 9:2) Sa kabaligtaran, si Zaqueo ay maliit, pero may lakas siya ng loob na magbago at maging alagad ni
Jesus. (Lucas 19:2-10) Maliwanag, mas matimbang ang pagkatao kaysa pisikal na hitsura.
Isang bagay ang tiyak: Walang ligtas na paraan para pabilisin o pabagalin ang pisikal na paglaki. Kaya sa halip na
kainisan o katakutan ang mga pagbabago, tanggapin ito nang maluwag sa kaloobanat daanin na lamang ito sa
tawa. Hindi isang sakit ang pagbibinata o pagdadalaga, at hindi ikaw ang kauna-unahang dumanas nito. At huwag
kang mag-alala, hindi naman ito nakamamatay. Kapag nalampasan mo na ang mahirap na yugtong ito ng
pagbibinata/pagdadalaga, isa ka nang ganap na adulto!
SA SUSUNOD NA KABANATA
Paano kung ayaw mo sa iyong hitsura? Paano ka magkakaroon ng timbang na pangmalas sa iyong hitsura?
[Talababa]
Tinatagihawat din ang mga babae. Maiiwasan ang pagdami nito sa pamamagitan ng mabuting pangangalaga sa
balat.
TEMANG TEKSTO
Pupurihin kita sapagkat sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin.Awit
139:14.
TIP
Ngayong nagbabago na ang hubog ng iyong katawan, iwasan ang mapang-akit na istilo ng pananamit. Laging
manamit nang may kahinhinan at katinuan ng pag-iisip.1 Timoteo 2:9.
ALAM MO BA . . . ?
Maaaring magsimula ang pagbibinata o pagdadalaga sa edad na 8, 14, o mas huli pa rito. Nagkakaiba-iba ito sa
bawat indibiduwal.
ANG PLANO KONG GAWIN!
Ngayong nagbibinata/nagdadalaga na ako, ang katangiang kailangang-kailangan kong linangin ay
Upang maingatan ko ang aking kaugnayan sa Diyos, ang gagawin ko ay
Ang mga gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggil sa bagay na ito ay
ANO SA PALAGAY MO?

Bakit isang malaking hamon ang pisikal at emosyonal na mga pagbabagong kakambal ng pagbibinata o
pagdadalaga?
Para sa iyo, ano ang pinakamahirap sa mga pagbabagong ito?
Bakit maaaring manlamig ang pag-ibig mo sa Diyos sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga, at paano mo ito
maiiwasan?
[Blurb sa pahina 61]
Marami kang ikinababahala ngayong nagbibinata o nagdadalaga ka na, kasi hindi mo alam kung anu-ano pang
pagbabago ang mangyayari sa iyong katawan. Pero habang lumalaki ka, matututuhan mo ring tanggapin at
pahalagahan pa nga ang mga ito.Annette
[Kahon sa pahina 63, 64]
Paano Ako Magtatanong kay Itay o Inay Hinggil sa Sex?
Ayokong tanungin ang mga magulang ko tungkol sa sex.Beth.
Wala akong lakas ng loob na ibangon ang paksang ito.Dennis.
Katulad ka ba ni Beth o ni Dennis? Kung gayon, mahirap nga ang situwasyon mo. Gusto mong malaman ang
tungkol sa sex, pero asiwang-asiwa ka namang magtanong sa mga taong makasasagot nitoang mga magulang
mo mismo! Marami kang ikinababahala:
Ano na lang ang iisipin nila sa akin?
Baka pagdudahan nila ako kapag nagtanong ako tungkol sa sex.Jessica.
Gusto nilang manatili kang bata at inosente, kaya kapag nagtanong ka na tungkol sa sex, magbabago na ang tingin
nila sa iyo.Beth.
Ano ang magiging reaksiyon nila?
Nag-aalala ako na baka hindi pa ako tapos magsalita ay kung ano na ang isipin nila tungkol sa akin at bigyan ako ng
katakut-takot na sermon.Gloria.
Prangka ang mga magulang ko, kaya takt akong makitang nakasimangot sila. Sa katunayan, baka nagsasalita pa
lamang ako ay nag-iisip na ng isesermon sa akin si Itay.Pam.
Hindi kaya pagdudahan nila ang motibo ko sa pagtatanong?
Baka masyado silang mag-alala at magtanong nang magtanong, May nagyayaya ba sa iyo na makipag-sex? o
Pinipilit ka ba ng mga kaibigan mo? Pero ang totoo, gusto mo lang namang magtanong.Lisa.
Kapag may ikinukuwento akong isang kabataang lalaki, kitang-kita ko sa mukha ni Itay ang pag-aalala. Tapos,
susundan niya ito agad ng sermon tungkol sa sex. Sa loob-loob ko, Itay, nagaguwapuhan lang ako sa kaniya. Wala
akong sinabi tungkol sa pag-aasawa o sex!Stacey.
Kung naaasiwa kang ipakipag-usap sa iyong mga magulang ang tungkol sa sex, alam mo bang maaaring naaasiwa
rin ang mga magulang mo na ipakipag-usap ito sa iyo? Iyan marahil ang dahilan kung bakit sa isang surbey, 65
porsiyento ng mga magulang ang nagsabing nakipag-usap sila sa kanilang mga anak tungkol sa sex, samantalang
41 porsiyento lamang ng mga bata ang nakaalaalang nagkaroon nga sila ng gayong pag-uusap.
Marahil ay naaalangan ang iyong mga magulang na makipag-usap sa iyo tungkol sa sex dahil kadalasan na, hindi
rin ito ipinakipag-usap sa kanila ng kanila mismong mga magulang! Anuman ang dahilan, huwag mong masyadong
hanapan ang iyong mga magulang. Malay mo, baka kung ikaw mismo ang maglalakas-loob na lumapit sa kanila para
magtanong hinggil sa sex, hindi lamang ikaw kundi pati mga magulang mo ang makinabang. Ano ang puwede mong
gawin?

You might also like