You are on page 1of 1

Mahal kita kahit ang sakit sakit na.

Pinapunta ako ng girlfriend ko sa bahay nila para utusan akong mag balot ng regalo para sa mga
kapatid niya. Habang nakaupo ako at nagbabalot naramdaman kong wala na yung phone ko, hindi
ko alam na kinuha niya pala yung phone ko sa table. Ininspection ata pero okay lang wala naman
akong tinatago.
Maya maya bigla nalang may sumakal saken patalikod. T*ngina sinakal ako ng belt. Edi panic ako.
NV
Habang sinasakal niya ko..
Siya: Demonyo kang hayop ka! May girlfriend ka na nangloloko ka pa! Sinabi na nga't wala kang
pinagkaiba sa kanila.
Ako: Anong pinagsasabi mo?! (habang mamatay matay na ako sa pag sakal nya)
Siya: Pa inosente ka pa talaga ha?! Huling huli na nga nag mamaang maangan pa! Sige papatayin
kita ngayon! Wala ng makikinabang sayo!
(Hinigpitan lalo ung pag sakal. T*ngina parang binibigti ako)
Ako: Ano nga yon! Sabihin mo kase!!!
Siya: May pa honey honey ka pa sa katext mo?! Nakalimutan mo pang mag delete!!
(Ha? Ano kayang honey ang sinasabi neto?! Ahhhh)
Ako: Kaklase ko yun! Honey ang pangalan!! I search mo pa sa facebook! Nag tatanong ako tungkol
sa thesis!!
(Sabay bitaw nya sa pag sakal)
Siya: Weh?!
(Search siya binigay ko full name at na-confirm niyang kaklase ko nga)
After 3 minutes na hindi ko pag pansin sa kanya dahil sa ginawa niya biglang umiyak.
Siya: Sorry. Mahal lang naman kita eh. Gusto ko kasi ako lang
Ako: Wag kanang umiyak. Ikaw lang naman talaga ang mahal ko kaya di mo kailangang mag selos
at pag dudahan ako. Okay na! Sige na. Bati na tayo ha? I love you. Wag kanang umiyak.
(Pero sa isip isip ko: Sus kung mahal mo 'ko hindi mo 'ko sasakalin na halos patayin na. Haaay.
Isang iyak mo lang talaga okay na.)
Belt boy
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

You might also like