You are on page 1of 2

Ang HAIKU ay isang uri ng maikling tula o saknong (stanza) o

taludturan sa larangan ng panulaan (poetry) na nagsimula sa bansang Japan.


Sa literature ng mga Hapon, ito ay binubuo ng tatlong (3) taludtod at may
bilang ng mga pantig na lima-pito-lima (5-7-5) ayon sa pagkakasunud-sunod.
Ito ay karaniwang hindi nangangailangan ng tugma sa bawat hulihang
bahagi ng salita ngunit ginagamitan ng paghahambing ng isa o dalawang
ideya o kaya naman ay paglalarawan ng dalawang magkaibang
(juxtaposition) tao, hayop, bagay, pangyayari o lugar. Mahigpit ang mga
Hapones sa pagpapatupad ng mga alituntuning kaakibat ng ganitong uri ng
sining. At dahil na rin sa likas na pagkamalikhain ng mga Hapones,
naipaimbulog sa kanilang kultura ang haiku at magpahanggang ngayon ay
kinakikitaan ng katangiang maaaring maging paraan upang mapagyaman
ang kanilang sining. Ang mga salita na may wastong sukat na mga pantig
na 5-7-5 at may tugma sa hulihang bahagi at may iisang diwa, ideya,
paglalarawan, at katugmaan ang kalimitang nagiging dahilan ng ikagaganda
ng isang haiku.

http://documents.tips/education/kaligirang-pangkasaysayan-ng-tankaat-haiku.html
https://www.emaze.com/@ALWCFQZC/MGA-AKDANGPAMPANITIKAN.pptx

Website

http://hannaleahrabang.blogspot.com/
http://haiku-tagalog.blogspot.com/p/about-this.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Hapon
http://balaysugidanun.com/tag/haiku/
http://tupangpula.blogspot.com/
http://haiku-tagalog.blogspot.com/2011/07/5-halimbawa-ngtagalog-haiku-2.html

web-japan.org/museum/others/uta/uta.html

You might also like