You are on page 1of 3

Ipinasa ni: Lorenzo Torres 2013-56008

Fil 40

Si Bembol Roco at Si Kapitan Kontra: Ang Salot na Tagapagtanggol


Si Kapitan Kontra ay isang arketipo ng mga warlord ng panahong
feudal; makapangyarihan, armado, at marahas. Nang bigyan siya ng
awtoridad sa Sta. Filomena at Dolores, kung saan hindi niya kailangang
sumagot sa nakakataas basta itaboy niya ang mga rebelde at kaaway ng
pamahalaan, siya ang naging batas doon. Hindi siya takot na gumamit ng
mga walang awang pamamaraan upang puksain ang mga rebelde sa
kanyang teritoryo, kahit na ang kapalit nito ay pagsupil maging sa kanyang
mga inosenteng sinasakupan. Hinalintulad niya nga ang masa sa
karagatan kung saan lumalangoy ang mga rebeldeng isda, at hindi siya
magaatubiling tuyuin ang karagatan para mahuli ang mga rebelde.
Ang kanyang grupo, ang Ora Pronobis ay iisa lamang sa maraming
vigilante groups na nagkalat sa buong Pilipinas matapos ang rehimeng
Marcos. Ang mga grupong na ito ay nagmistulang suportado ng pamahalaan
at Simbahan, dahil ito raw ang unang pananggalang laban sa komunismo at
ateismo. Ito raw ay binubuo lamang ng mga ordinaryong mamayang hindi
armado; ngunit ayon kay Jimmy Cordero (Philip Salvador), isang dating
robolusyonaryo at witness sa mga krimen ng Ora Pronobis, ang grupo daw ay
kinabibiangan ng mga krimenal at maton. Subalit hindi pinaniwalaan si
Jimmy ng mga politiko at pulis, at tila lalo pang inangat ang status ni Kontra
nang paranagalan siya ng isang plaque bilang isang outstanding citizen.

Ipinasa ni: Lorenzo Torres 2013-56008


Fil 40

Dito natin makikita kung gaano kabulag at kawalang-pakielam ng


pamahalaan sa mga hinaing ng kanyang mamayan. Inuna ng gobyerno ang
kanyang imahe na kontra komunismo (para ma-impress ang mga Amerikano
siyempre), at para hindi sila mag-mukhang inutil sa pagbibigay ng awtoridad
sa mga vigilante groups. Kung tutuusin ay gobyerno ang may likha at
kumalinga sa mga gaya ni Kontra. Nagtatago sa huwad na alituntuning
mapuksa ang mga mapang-abusong mga rebelde, mga pulis report na
nagmamaskara sa mga salvage killings bilang engkwentro at ang
kakulangan ng media at popular na opinion laban sa mga atrosidad sa mga
probinsya, ang mga gaya ni Kapitan Kontra ay kinikilala bilang isang
tagapagtanggol sa mata ng nakararami. Pero para sa mga nakakaalam at
may pakielam, siya ang salot na dapat puksain. Ang lahat ng prinsipyo kuno
na kanyang pinaglalaban ay siya mismo ang kumukontra. Lumalaban siya sa
mga mapangabusong rebelde, pero siya mismo ang umaabuso sa tao.
Pinoprotektahan niya ang simbahan ngunit meron siyang sarili siyang kulto
at pumatay pa siya ng pari. Ipinagsisigawan niya ang demekrasya, pero wala
siyang sinusunod na batas at hindi niya pinakikinggan ang mga tao. Henyo
ang pagpangalan ni Lino Brocka sa karakter ni Kapitan Kontra, dahil kontra
nga siya sa mga prinsipyong kanyang pinaglalaban, at sa mga atas ng
gobyerno na tingin nilay pinaglalaban niya. Binigyang hustisya ni Bembol
Roco ang pagganap niya sa pelikula gamit ang kanyang de kalibreng pagarte at script delivery, pero sa totoong-buhay, wala pa ring hustisya ang
nakakamit ng mga pamilya ng biktima ng mga gaya ni Kapitan Kontra.

Ipinasa ni: Lorenzo Torres 2013-56008


Fil 40

You might also like