You are on page 1of 10

Petisyon ng Pilipinas sa West PH Sea, diringgin sa

Netherlands simula Martes


Diringgin ng permanent court of arbitration sa The Hague, Netherlands ang
petisyong inihain ng Pilipinas upang maresolba ang maritime entitlement
issues sa West Philippine Sea simula sa Martes, Hulyo 7. Tatagal ito
hanggang sa Hulyo 13.
Katuwang ang mga abogado mula sa Washington, D.C. law firm na Foley
Hoag, ipipresinta ni Solicitor General Florin Hilbay ang mga argumento ng
Pilipinas.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio 'Sonny'
Coloma, Jr., bahagi ng delegasyon ng bansa si Executive Secretary
Paquito Ochoa para sa ehekutibo, sina Senate President Franklin Drilon at
House Speaker Feliciano Belmonte para sa lehislatura, at sina Supreme
Court Justices Antonio Carpio at Francis Jardeleza para sa hudikatura.
Binanggit ni Coloma na kumpiyansa ang pamahalaan na nasa katwiran
ang posisyon nito sa pinag-aagawang teritoryo.

Poe: Bakit di kasama si Abaya sa kinasuhan dahil sa MRT


deal?
Kinuwestyon ni Senador Grace Poe ang hindi pagkakasama ni

Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya sa mga pinakakasuhan ng


Ombudsman kaugnay ng anomalya sa Metro Rail Transit (MRT).
Ayon sa Senador, pag-aaralan niya ang resolusyon ng Ombudsman para
matukoy kung bakit hindi kabilang dito si Abaya gayong nilagdaan umano
nito ang maanomalyang maintenance contract.
Nilinaw naman ng senador na iginagalang niya ang findings ng
Ombudsman at pabor siya sa paghahabla kay Vitangcol at sa limang
incorporators ng Philippine Trans Rail Management and Services Corp.
Nanindigan siyang dapat itong magsilbing babala sa kasalukuyang
administrasyon ng MRT.
Anya, "This should serve as a severe warning to the current MRT
administrators to get their acts together and that ineptness prompted by
illegal motives shall be dealt with severely."

Higit 100 pamilya sa Cebu, inilikas dahil kay 'Egay'


Inilikas ang mahigit 100 pamilyang nakatira malapit sa baybayin ng Talisay
City, Cebu dahil sa hagupit ng Bagyong Egay.
Ayon kay Talisay City Mayor Johnny Delos Reyes, giniba sa paghampas ng
malalakas na alon ang 13 bahay sa Brgy. Cansojong at apat sa Brgy.
Tangke.
Halos 50 tahanan naman sa Sitio Litmon, Barangay Poblacion ang
apektado sa bahang dulot ng pagtaas ng karagatan.
Pansamantalang tumutuloy sa mga paaralan ang mga apektadong pamilya
o kaya ay nakitira muna sa mga kaanak.
Nabigyan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Talisay ng paunang tulong ang mga nasalanta.

Nagpabaya sa lumubog na bangka sa Ormoc parusahan - Malacaang

Dapat parusahan kung sino man ang mapapatunayang nagpabaya sa


paglubog ng isang bangka sa Ormoc City noong nakaraang Huwebes lalo
pat umaabot na sa mahigit na 50 ang namatay ayon sa Palasyo.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mahalagang
matukoy kung may nangyaring kapabayaan lalo pat lumalabas sa mga ulat
na overloading ang nasabing bangkang de motor.
Mahalaga aniyang magpatupad ng mahigpit na inspeksiyon upang matiyak
na seaworthy ang mga naglalayag na mga bangka at barko.
May mga pagkakataon aniya na hindi na kontrolado ng gobyerno ang
sitwasyon lalo pat kung ang naging sanhi ng aksidente ay human error.

Hamon kay Ombudsman Morales Roxas, Baldoz kasuhan sa Kentex


fire

Hinamon ng militant labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) si


Ombudsman Conchita Carpio Morales na kasuhan sina Labor Secretary
Rosalinda Baldoz at DILG Secretary Mar Roxas kaugnay ng naganap na
Kentex fire.
Ang hakbang ay ginawa ng KMU nang sabihin kamakailan ni Morales na
wala siyang sasantuhin sa pagsasampa ng batas maging kaalyado man ni
Pangulong Aquino tulad ni dating PNP Chief Alan Purisima.
Ayon sa KMU, si Baldoz at Roxas ay inereklamo na sa Ombudsman ng
mga pamilya ng mga survivors at namatay sa nagdaang Kentex fire noong
June 8 pero hanggang sa ngayon ay wala pang aksiyon hinggil dito si
Morales.
Dagdag pa ng grupo, sa kabila na inereklamo nila sa Ombudsman si
Baldoz ay ito pa mismo ang nagdala sa Department of Justice ng criminal
charges sa mga may-ari ng Kentex.
Sinasabi ng KMU na malaki ang pananagutan nina Roxas at Baldoz sa
naganap na Kentex fire dahil sa kapabayaan nila sa pagtupad nila sa
kanilang tungkulin kayat naganap ang trahedya.

Senado magsasagawa rin ng biometrics registration


Magsasagawa na rin sa Senado ng biometrics registration ang
Commission on Elections (Comelec) upang mabigyan ng pagkakataon ang
mga empleyado ng Mataas na Kapulungan na makapagparehistro at
makuha ang kanilang data.
Layunin ng nasabing batas na linisin ang listahan ng Comelec mula sa mga
ghost voters.
Ayon kay Sen. Koko Pimentel, chairman ng Senate Committee on Electoral
Reforms and Peoples Participation, mahalagang masunod ang batas at
matiyak na lahat ay sumailalim sa biometrics registration upang makaboto
sa 2016.
Balak ring hilingin ng senador sa Comelec na payagan ang mga miyembro
ng Senate media na makuha ang kanilang biometrics dahil marami aniya
sa kanila ang hindi na nakakauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.
Ilang Senate employees na naka-rehistro sa Visayas o Mindanao, ay wala
pa ring biometrics data registration na kinakailangan sa pagpapatupad
ng automation election law.

China ayaw humarap sa UN tribunal

Hindi na ikinagulat ng Palasyo ang pahayag ng China na ang paghahain ng


kaso ng Pilipinas sa UN Arbitration Tribunal hinggil sa West Philippine Sea
dispute ay political provocation.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ganito talaga
ang posisyon ng China dahil ayaw idepensa ang mga ginagawang
reclamation sa harap ng tribunal.
Ayon kay Usec. Valte, naniniwala at naninindigan silang ang paghahain ng
kaso sa tribunal ay sang-ayon sa commitment na resolbahin ang agawan
ng teritoryo sa payapang paraan.
Nauna nang tumatanggi ang China na pasailalim sa tribunal arbitration at
iginigiit ang bilateral approach.

PDEA nagtanim ng 550 puno


Nagtanim ng may 550 puno ang mga opisyal at empleado ng Philippine
Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bulubunduking kagubatan sa Tanay,
Rizal.
Pinangunahan ni PDEA Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga
tauhan kasama ang mga participants mula sa lokal na pamahalaan ng
Tanay, PNP Police Regional Office 4A, Philippine Armys 2nd Infantry
Division, NGOs, Cuyambay High School Boys/Girls Scouts, Cuyambay
elementary students na nagtanim ng 550 saplings ng dalandan at ibat
ibang fruit-bearing trees malapit sa PDEA/Tanay Park.
Layon ng National Greening Program na makapagtanim ng may 1.5
bilyong puno sa loob ng anim na taon na nagsimula noong 2011 hanggang
sa 2016.
Ang bawat mag-aaral at empleado ng pamahalaan ay required na
magtanim ng 10 puno kada taon habang ang private sectors at civil society
groups ay inaanyayahang makiisa sa greening program.

PNoy pinaiimbestigahan ang paglubog ng bangka sa Ormoc

Iniutos ni Pangulong Aquino sa Philippine Coast Guard (PCG) ang


mabilisang imbestigasyon sa lumubog na bangka sa Ormoc City kung saan
nasa 45 pasahero ang nasawi.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, inaasahan ng
Pangulo na agarang matukoy ng PCG ang dahilan ng paglubog ng MV/Kim
Nirvana-B na may lulang 173 pasahero at 14 crew ilang minuto matapos
umalis sa Port of Ormoc.
Sa huling ulat ay naiahon nang lahat ang 45 na nasawi sa lumubog na
bangka at wala nang hinahanap habang 142 ang nakaligtas.
Sa inisyal na ulat ng PCG ay hindi naman overloaded ang nasabing
motorized banca pero tinitignan nila ang human error na sanhi ng paglubog
ng bangka.
Nakiramay naman ang Pangulo sa mga naulila ng trahedya at nangako sa
mabilis na imbestigasyon sa insidente upang mapanagot ang mga may
sala.

Pinoy Tasty, Pandesal may tapyas presyo


Magkakaroon ng bawas sa presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal
simula Hulyo 14.
Sinabi ni Nestor Constancia, pangulo ng Philippine Baking Industry Group
(PhilBaking), na P0.50 ang mababawas sa Pinoy Tasty kaya bababa ito sa
P36.
Makakaltasan naman ng P0.25 ang Pinoy Pandesal na mula sa dating
P22.25 ay magmumura sa P22.
Paliwanag ni Constancia, magiging posible ito dahil umano maghahalo sila
ng mas murang imported flour sa local na harina at sisiguruhin na ang
quality o uri ng tinapay ay hindi magbabago.
Tiniyak naman ni Trade and Industry Undersecretary Vic Dimagiba na
patuloy na tututukan ng kanyang ahensya ang presyo ng harina sa bansa
para mapababa pa ang bentahan ng tinapay.

You might also like