You are on page 1of 1

"BASURA"

"Habang nakasakay ako sa taxi... masaya kaming nagkukuwentuhan ng driver... nang may
biglang tumawid sa aming dinadaanan... hindi agad nakapreno ang driver... pero iniwasan
niya ito para hindi mabangga ang tumawid... at sa di inaasahang pagkakataon... may
kasunod pala kami na mabilis ang takbo... at muntik na niya kaming mabangga... Salamat sa
Diyos at walang nangyaring masama... pero bumaba ang driver na muntik ng bumangga sa
amin at pinagmumura niya ang katabi kong driver... Ang ipinagtaka ko lang... hindi ko
kinakitaan ng galit ang katabi kong driver... sa halip nakangiti pa rin ito at panay ang hingi
ng paumanhin... at higit sa lahat yung taong tumawid na pinagmulan ng lahat ay tinanong
pa ng katabi kong driver kung OK lang ba ito... at sinabihan pa na mag ingat ka sa
pagtawid... sa mahinahong salita at may ngiti sa labi... at nagpatuloy ang aming
paglalakbay... Tinanong ko ang driver kung bakit hindi siya nagalit at kung bakit hindi niya
pinatulan yung taong nagmura sa kanya...
eto ang sagot niya.....
" alam mo masyadong maikli ang buhay para lang ilaan natin ito sa lungkot at pighati...
dapat magpakasaya tayo... iyon naman ang gusto ng bawat isa sa atin ang maging
masaya... ang mga PROBLEMA, LUNGKOT, INGGIT, SAMA NG LOOB, HINANAKIT, at GALIT ay
para yang mga BASURA... dala-dala ng bawat isa sa atin ang mga basurang yan... at minsan
itinatapon at inilalabas yan ng tao... so kung minura man niya ako kanina, ibig sabihin
itinapon lang niya mga basura sa akin... eh bakit ko naman iyon pupulutin... hindi ko naman
siya kailangang patulan... ayokong mapuno ako ng basura at mabulok ang pagkatao ko...
Dapat kasi pinupuno natin ang ating sarili ng mga magaganda at masasayang bagay... hindi
tayo dapat nag-iipon ng basura at lalo na huwag mong dadamputin ang mga basurang
itinapon na ng iba."

You might also like