You are on page 1of 3

Bata, Bata, PaanokaGinawa?

PanunuringPampelikula

Sinurinina:

Vinz Joshua Bautista


Mark Janson Co
Neil Matthew Lua
Ron Daniel Pavon
Janel Yao

PamagatngPelikula: Bata, Bata PaanoKaGinawa?


Direktor:

Chito S. Roo

Taon:

Agosto 26, 1998

Prodyuser:

Star Cinema Productions Inc.

Nagsipagganap:

Vilma Santos, Ariel Rivera, Albert Martinez, Raymond Bagatsing,


Carlo Aquino, Serene Dalrymple, Cherry Pie Picache, Angel
Aquino. Rosemarie Gil

Karangalan:

Gawad URIAN, PMPC Star Awards, Young Critics Circle,


GawadPasado, FAP, Brussels International Independent Film
Festival

I.

Panimula
Ang Bata, BataPaano Ka Ginawa? ay tungkol sa buhay ng mga batang may
dalawan gama o mga babaeng may dalawang asawa, upang ipakita sa mga tao kung
gaano kahirap ang kanilang nararanasan. Pati na rin ang diskriminasyon na kanilang
natatanggap, sa ekswelahan o kahit saan pa man. Ito marahil ang nagpadilat sa mga
mata ng mga Pilipino upang magbago, at tratuhin ang mga taong katulad nila na

II.

parang karaniwang mamamayan.


Buod
Nagsimula ang istorya sa graduation ni Maya, sa yugtong kabataan ng kanyang
mga anak kung saan lahat ay naayon sa plano ni Lea ang kanyang relasyon sa
kanyang mga anak at kaibigan, ang kanyang pagvovolunteer sa isang organisasyon
para sa karapatang pantao. Sa pagpatuloy ng kwento, ang mga anak ni Lea ay
lumalaki na, nakikita ang mga pagbabago ng mga ito, pisikal, mental at iba pa. Ang
anak

ni

Lea

na

si

Maya

ay

lalong

nagiging

usisera sa ilang mga bagay, habang si Ojie naman ay nag-uumpisang magbinata.


Dumating ang pagkakataon na nagsimulang magsibalikan sa buhay ng mag-iina ang
ama ng mga bata, pinakikiusapan ang mga ito na sumama sa kanila na ikinatakot ni
Lea, pagkatakot na mawala ang kanyang mga anak sa kanyang pangangalaga.
Sa huli, napagdesisyunan nina Maya at Ojie na manatili sa piling ng kanilang ina
isang desisyon na sila ang nagpasya at gumawa. Tinapos ang istorya sa isang
graduation, kung saan si Lea naman ang nagbigay ng mensahe. Tinalakay niya kung
papaano nagpapatuloy at nagbabagoang buhay, ang bilis ng takbo ng oras at ang

kaantabay na pagbabago at pagsulong ng tao. Winakasan niya ang kanyang mensahe


sa pagsasabi na ang mga graduation ay hindi pagtatapos kundi umpisang ng mga
III.

totoong pagsubok sa buhay ng tao.


PanunurisaPelikula
A. Sinematograpiya
Mapapansin na may kaunting eksenang madilim at hindi na Makita ang mga
pangyayari, kahit ganoon, ito ay tama ng sa pagkat ang ilang mga eksena ay
hindi angkop sa mga bata at may kaunting kalaswaan. Gayunpaman,
maganda ang pagkakakuha sa bawat eksena, na sa tamang anggulo ang mga
eksena at naiintindihan naman ang mga pangyayari.
B. Musika
Angkop ang musika sa mga pangyayaring ipinapakita. Nailalabas ang tunay
na damdamin ng mga eksena sa tulong ng mga makabuluhang musika at
tunog. Hindi ito nakakagulo sa dayalogo ng mga karakter. Hindi ay mas
nagsilbing supporter sa ilang mga eksenang upang mas maging maganda ang
kinalabasan nito.
C. Pagkakasunod-sunodngPangyayari
May mga pagkakataon sa pelikula na bigla na lamang maglilipat ng eksena na
minsan ay hindi na nakakasunod ang mga manonood. Ang nangyayari ay
mabibitin ang mga manunuod sa ilang eksena sapagkat puputulin nalang ito
bigla. Minsan ay walang relasyon ang eksena sa susunod na eksena, at
nagkakaroon ng pagkakalito ito sa mga manonood.
D. Pagganap
Mahusay ang pagganap ng bawat karakter, lalo na sa karakter na si Lea.
Naipakita ni Vilma Santos na gumanap bilang Lea ang pagiging palaban niya,
na walang makakapigil sa kanyang ninanais na gawin. Mahusay rin ang pagaarte ni Carlo Aquino bilang si Ojie. Nagampanan niya ng mabuti ang mga
eksenang kailangan niyang umiyak o magalit. Si Albert Martinez at Ariel
Rivera ay nagawang tapatan ang pagganap ni Vilma Santos sa karakter.
Sapangkahalatan, nagawa nilang magaling ang kani-kanilang mga karakter.

You might also like