Professional Documents
Culture Documents
Fili Source
Fili Source
ng tore ni babel. Ang dahilan kung bakit sila nanatiling matatag at ang
pagkakaruon nila ng isang pamahalaan ay ang wika.
Sa pagkakaruon ng isang wika lahat ng tao ay pantay-pantay, mahirap o
mayaman ay may batas na dapat sundin para mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan nito sa isang bansa.
Hindi nga bat parang sinasayang lang natin ang ating wika kung hindi natin
ito gagamitin, papalaguin, at ipagmamalaki? Samantalang pinaghirapan
itong isulong at itaguyod ng ating mga bayani. Sabi nga ng ating
pambansang bayani na ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa
hayop at malansang isda. hindi nga ba natin napapansin na parang
naiinsulto na natin sila na matapos nilang lumaban, ibuwis ang kanilang mga
buhay ay hindi natin papahalagahan ang sarili nating wika?
Sabi nga ng ating kasalukuyang pangulo na si Pnoy upang makamtan natin
ang katiwasayan at kaunlaran, kailangan tahakin ang matuwid na landas, at
para matahak ang landas na ito, kailangang magkaisa. Sapagkat, sa gitna
ng globalisasyon at kolonyalismo; wika pa rin ang nagbibigay sa atin ng
kaisahan upang ating maabot ang inaasam na kaunlaran.
Gamitin natin ang wikang Filipino tungo sa ating tuwid na daan, bilang
mabuting mamamayan ng Pilipinas.
Source: http://filipinobwp.blogspot.com/
1. Ang Wika Natin ay Wika ng Katarungan at Kapayapaan
Ang wika natin ay wika ng katarungan at kapayapaan. Ang kapangyarihan ng
wika na mapanagutin ang mga may-sala at maparusahan ang mga
nagkamali ay unti-unti nang nangyayari sa ating lipunan tungo sa pagkamit
ng tunay na katarungan. Ang wikang Filipino rin ang ginagamit na
instrumento upang ang kapayapaan ang siyang pumailanlang sa puso ng
bawat Filipino anuman ang lalawigang pinagmulan o pananamplatayang
kinabibilangan.
2. Ang Wika Natin ay Laban sa Katiwalian
Ang wika natin ay laban din sa katiwalian. Ang ating kaalaman sa ating
sariling wika ang siyang magbibigay-lakas sa atin sa ating pakikipagtunggali
sa anumang uri ng katiwalian. Sa pamamagitan ng wika, maisusuplong natin
sa mga awtoridad ang sinumang lumalabag sa ating mga karapatan,
umaabuso sa ating pagkatao at dumurungis sa ating katauhan.
Ang Wika Natin ay Sandata Laban sa Kahirapan
Ang wika natin ay sandata laban sa kahirapan. Ngunit sa paanong
pamamaraan? Sa pamamagitan ng mga dayalogo at pakikipagtalamitam sa
mga pinuno ng pamahalaan, mababatid natin ang mga karaingan ng bawat
mamamayan sa bawat sulok ng Filipinas. Dahil sa wika, matutugunan natin
Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraay naging Filipino.
Ating muling sariwain ang pinagmulan ng wikang Filipino.sa bayan ng Baler,
Quezon sumibol ang amang naging instrumento upang magkaroon tayo ng
sariling wika, siya ay si Manuel L. Quezon, dating pangulo ng Pilipinas,
tinaguriang Ama ng wikang Pambansa.
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Noong Disyembre 30, 1937,
inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Tagalog at nang naglaon ay naging Pilipino sa ilalim ng Kautusang pang
edukasyon Blg 7.
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang
ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Isang
indikasyon na ika isang tunay na Pilipino.
Tunay ngang masasabing kayamanan ang pagkakaroon ng sariling wika, Ang
wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang
ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga
mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas.
Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring
mga Pilipino, kayat halinat pagyabungin natin ang isa sa mga pinakaiingatang yaman ng ating bansa Ang wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at
Wikang nating Lahat.
Maraming Salamat sa inyong pagbasa at naway mamutawi sa ating mga
puso ang pagiging tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli,
Maraming Salamat.
Source: Grandeson Puma