You are on page 1of 4

Jela Mae A.

Oasin
BSA41
Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran
Magandang umaga sa ating lahat. Nais kong magpasalamat sa pagkakataong
ibinigay ng ating guro na si Binibining Maribeth Rieta na ipahayag ang ilan sa aking
mga saloobin sa muling pagsapit ng Buwan ng Wika na may temang Filipino: Wika
ng Pambansang Kaunlaran.
South Korea, Japan, China at Singapore di na nakapagtataka kung ang
unang pumasok sa mga isipan ninyo ay ang salitang kaunlaran nang mabanggit
ko ang mga bansang iyon. Ayon sa tala ng World Economic Forum nitong taon,
kabilang ang mga ito sa mga bansang nangunguna pagdating sa kaunlarang
pangekonomiya. Minsan ninyo na bang naitanong ano ba ng dahilan ng kanilang
mabilis na pag-unlad? Kung ako ang tatanungin, base na rin sa pangilan ngilan kong
pananaliksik, ang dahilan ng tuluyang pagunlad ng mga bansang ito ay pagkakaisa.
At ang bagay na nagbibigkis sa kanila upang magkaisa? Ang wika.
Minsan ko nang naranasang makipag-usap sa isang Koreano at ngayon pa
lamang ay sasabihin ko na, hindi ito nagging madali. Mayroon kaming proyekto
noon at kailangan kong malaman kung kalian niya maibibigay ang nakatoka sa
kanyang gawain. Ilong koy dumugo, dila koy nabuhol, ngunit wala pa rin.
Nakatingin lamang siya gamit ang mga matang tila bay nagsasabing Ano daw?
Ang tanging nagawa ko na lamang ay kumuha ng lukot na papel at pilit na idaan sa
larawang-guhit ang mga nais kong iparating.

Sa mismong pagkakataong iyon,

naitanong ko sa aking sarili, Bakit sila na hindi marunong mag-ingles, ay mas


maunlad sa atin, na, hindi naman sa pagmamayabang eh, tinaguriang Worlds best
country in Business English?
Bata pa lamang tayo, ang litanyang pilit na inuulit-ulit sa ating murang
kaisipan ay ang katagang My name is Jela Mae A. Oasin. I am 10 years old. Sa
unang araw ng klase, sa harap ng mga titang sabik sa pamangkin naaalala ko pa
kung paano ako pinipilit ang aking nanay na sambitin ang mga katagang ito nang
nakangiti, labas ngipin. Bihira kang makakarinig ng batang kung magpakilala ay
Ako si Pepito Katigbak at ako ay sampung taong gulang na Kung mayroon man, ay
matagal na sigurong pinadala ang batang ito sa ospital upang tingnan kung may
tama ito sa utak. Harapin natin ang realidad. Ang sinumang magsalita ng purong

tagalog ay alinman sa dalawa; may saltik o hindi naman kayay nabuhay pa noong
sinaunang panahon. Kapag nakarinig tayo ng taong matatas sa pagsasalita ng
Filipino, marahil karamihan sa atin ay sasabihing, Ay, ang weird. Bakit? Dahil sa
mga nakalipas na taon, pilit na isinasaksak sa atin ang ideyang Ang ingles ay ang
mas katanggap-tanggap na wika sa bansang Pilipinas. In ka kapag nagiingles ka.
Lahat ng Pilipino ay dapat matuto ng Ingles, dahil ang Ingles ay ang susi sa
kaunlarang pang-ekonomiya at ito ang magsasalba sa atin sa kahirapan Mga
maling paniniwala na napakahirap-alisin sa mentalidad ng karamihan sa mga
Pilipino. Para saan pat mayroon tayong Buwan ng Wika, hindi ba para ipaalala sa
ating na may sarili tayong wika, ang Filipino, at para ipaintindi sa ating ang
kahalagahan nito?
Sa mga bansang mauunlad, kahanga-hanga ang kanilang pagmamahal sa
kanilang wika. Isang halimbawa na lamang, ang bansang South Korea. Ang mga
kanta,

Korean,

mga

teleserye,

Korean,

mga

signage

sa

pampublikong

transportasyon, Korean. Kung nanaisin mong bisitahin ang bansa nila, ikaw ang
makikisama, ikaw ang magsasalita ng wika nila. Ikumpara mo dito sa ating bansa.
Pagdating sa mga kanta, dito ka lang sa Pilipinas makakarinig ng kantang Original
Pilipino Music na purong ingles ang lyriko. Ang mga teleserye, kung hindi hango sa
dayuhang gawa ay may titulong ingles tulad ng On the wings of love
Forevermore. Sa tuwing may dayuhang magtatanong ng direksyon, pipilitin nating
mag-ingles kahit na magkabalu-baluktot an gating dila. Naiintindihan ko na parte ito
ng kaugalian nating mga Pilipino na magiliw na pagtanggap sa bisita ngunit, hindi
kaya sa pagnanais natin na magkaroon ng magandang relasyon sa ibang lahi, ay
nalilimutan na natin kung sino tayo bilang Pilipino?
Oras na para magising tayo. Hindi Ingles, hindi koreano, hindi kung ano man,
kung hindi ang wikang sariling atin ang magdadala sa atin ng kaunlaran, ang
wikang Filipino. Marahil ay lihim kang nagtatanong kung bakit. Hayaan mong isaisahin ko sa iyo ang mga dahilan ayon kay Danilo Villar Rogayan Jr .
Una, ang wika natin ay wika ng katarungan at kapayapaan.

May

kapangyarihan ang wikang Filipino na panagutin ang mga may sala at parusahan
ang mga nagkamali kung bibigyan lamang natin ito ng pagkakataon. Maari itong
ang magamit bilang instrumento upang ang kapayapaan ang siyang pumailanlang

sa puso ng bawat Filipino anuman ang lalawigang pinagmulan o pananamplatayang


kinabibilangan.
Pangalawa, ang wika natin ay laban din sa katiwalian. Ang ating kaalaman sa
ating sariling wika ang siyang magbibigay-lakas sa atin sa ating pakikipagtunggali
sa anumang uri ng katiwalian. Sa pamamagitan ng wika, maisusuplong natin sa
mga awtoridad ang sinumang lumalabag sa ating mga karapatan, umaabuso sa
ating pagkatao at dumurungis sa ating katauhan.
Pangatlo, ang wika natin ay sandata laban sa kahirapan. Ngunit sa paanong
pamamaraan? Sa pamamagitan ng mga dayalogo at pakikipagtalamitam sa mga
pinuno ng pamahalaan, mababatid natin ang mga karaingan ng bawat mamamayan
sa bawat sulok ng Pilipinas. Dahil sa wika, matutugunan natin ang mga karaingang
ito sa paraang malalabanan natin ang banta ng kahirapan.
Ikaapat, ang wika natin ay wika ng mabilisan, inklusibo, at sustenidong
kaunlaran. Kung ating iisipin, saan ba nagsimula ang lahat? Saan ba nagmula ang
bawat teknolohiya na meron tayo ngayon? Saan ba nagbuhat ang bawat
pagbabagong dala ng modernisasyon? Hindi bat ang lahat ng ito ay nagsimula sa
pamamagitan ng wika sapagkat ang ating wika, ang wikang Filipino ay wika ng
pagsulong na mabilisan at dinamiko, wika ito ng kaunlaran na inklusibo, sustenido o
napananatili.
At panghuli, ang wika natin ay wika sa pangangalaga ng kapaligiran. Sa
kabila ng globalisasyon at industriyalisasyon, hindi dapat nating kaligtaan ang ating
napakahalagang gampanin sa pangangalaga ng ating kapaligiran. Ang ating wika,
ang wikang Filipino ay napakamakapangyarihan upang maging daan sa katuparan
ng adhikaing ito. Dahil sa wika, maibubulalas natin ang ating mga saloobin hinggil
sa ibat ibang suliraning pangkalikasan na kung saan tayo ay may malaking
pananagutan.
Bilang pagbubuod, ang lahat ng aking nabanggit na gampanin ng wikang
Filipino ay nakasandig sa ating pagtalunton pambansang kaunlaran. Sana ang
bawat isa sa atin na naririto ngayon ay maging tagapagpadaloy ng pagbabago
sapagkat ang pagbabago ay palaging nagsisimula sa ating mga sarili. Baguhin ang
nakagisnan. Buksan ang isipan. Tayo, hindi sinuman ang magdadala ng bansang
Pilipinas

sa

kaunlaran.

At

magagawa

lamang

natin

ito

pananatiliin

natin

pambansang pagkakakilanlan, pambansang kultura at pambansang kasaysayan sa


pamamagitan ng paggamit sa wikang Filipino. Maraming salamat sa inyong
pakikinig.

You might also like