You are on page 1of 1

Aparisyon

Sa dumaang Cinemalaya Goes To UP 8, aking pinanood ang isa sa mga featured na


pelikula rito Aparisyon. Ang nasabing indie film ay binigyan ng parangal sa pagkakaroon ng
Best Sound sa Cinemalaya 2012. Ipinapakita nito ang mga maaring nangyayari sa mundo ng mga
madre na hindi natin inakala o inasahan kailanman.
Sa aking panonood ng pelikula, masasabi kong tama lamang ang pagkakapanalo nila ng
Best Sound. Naipadama ng mga ginamit nilang sound effects ang tamang emosyon sa ibat ibang
parte ng palabas. Napansin din ng aking mga kasama na ang ginamit lamang nilang mga sound
ay puro para lamang sa effects, gaya ng malakas na hangin at ibon sa gitna ng gubat. Hindi sila
gumamit ng sound na kinanta at inedit sa computer; ang natatanging kanta nilang ginamit ay a
capella at walang edit edit. Sa likod nito, naiguhit nila ang dapat nilang maipadama sa ating mga
manonood.
Ang wikang ginamit dito bagaman tagalog ay hindi ganoong kapormal. Mayroong
kolokyal marahil ay mayroon ding mga lalawiganin ngunit wala naman akong napansing mga
pabalbal na salita. Mapapansin din na may mga dyalogo na minsan ay nagiging napaka pormal
ng artista siguro ay binabase lamang sa nasaulong script. Sa aking palagay, sa mga pagkakataong
ito, nagiging hindi natural ang palabas lalo na kung hindi ganoon ang tamang paraan ng paguusap ng karakter.
Ang Aparisyon ay nabuo sa direksyon at istorya ni Vincent Sandoval, pinangunahan
naman ni Jay Abello ang cinematograpiya nito. Hindi nabigo ang direktor sa paglalahad niya ng
ibat ibang katotohanan, ang pagpapakita niya ng mga kasalanan na maaring magbunga sa mas
malalaki pang kasalanan na tunay namang babagabag sa ating mga konsensiya hanggang tayo ay
maputol na lamang. Ipinapakita din nito ang pagkamalaya ng mga madre sa kumbento sa mga
epekto ng politika, at sa pagbisita ng kanilang pamipamilya, mararamdaman ang ng ilan sa kanila
na ito ay isang kakulangan sa pagiging makabayan. Sa pelikula, nakita na dahil sa liberasyong
ito, nagkasala ang madreng ginaganapan ni Mylene Dizon at isinama pa niya rito si Lourdes
(Jodi Sta. Maria). Dahil sa unang pagkakasalang ito, nagsanga sanga na ang mga pagkakasala
hanggang sa nagkaroon ng ng walang hanggang pagkonsensiya ang kanilang aparisyon ng mga
pangyayari.
Itinuturing kong makabuluhang indie film ang Aparisyon. Sa kabila ng pagiging indie
film nito, nanalo ito ng Best Sound. Naipakita nito ang mga kahihinatnan at posibleng pinsala ng
ating mga ginagawa. Nandito din ang katotohanan na sadyang mapahanak ang mundo at
kailangan nating magingat. Sa katapusan ng pelikula na akala ko ay isang horror movie, puminta
sa aking isipan ang mga aral nito na sadyang dapat ay hindi ko malimutan.

You might also like